Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 29, 2009

Saan Tayo Pupulutin?

Saan nga ba?

Ewan ko, hindi ko alam…. pero nasa sa atin rin yan. Kung gusto nating manatiling ganito ang takbo ng buhay natin, huwag tayong kumibo, tiisin natin hanggang sa wala ng mapipiga sa atin. Kung gusto naman natin ng pagbabago, lumaban tayo sa mga tarantadong nasa gobyerno…..(ayan naha-high blood na naman ako….grrrrrrr!!!!)

Ang daming nangyaari sa buong paligid natin, wat ay wana sey….ang daming nagaganap sa buong mundo pero etong mga tongresman natin at pangulo eh kung anu-ano ang inaatupag ng mga putaktengsupot !!! Samahan pa ng maangas na anak si tongresman mickey mouse, na ewan ko ba kung saan nagmula at sumobra ang kayabangan sa katawan. Dapat magsama sila ni…..sino ba yung asawa ni Asunta?

(Ah’Kong : ” Dyuls yata kanya pangalan…ako hindi alam….?)

Basta yun na yon….magsama sila na parehong saksakan ng yabang siguradong walang panama ang global warming pag nagtagisan ng kayabangan ang dalawang yon.

Heniwei ang punto ko lang naman eh, ano ba ang ginagawa ng mga taong gobyerno natin? Kung sa tanong na “paglilingkod sa bayan” nga ba? Alam nyo na sagot dyan…..

Ang daming problema ng ating Inang Bayan.

1.) Unemployment - ang daming walang trabaho, paano na yung mga graduating naman ng taon na ito. Madadagdag na naman sila sa libong bagong grads na hirap makahanap ng trabaho.

Ang nakitang solusyon ni pandak…este…ni Doña Glorya…..i-export ang mga pinoy, may trabaho na, may pang maisusubi pa silang tax kasama yung mga galamay niya….panalo sila, tayo ang talo.

Hindi bale kung ang OFWs eh nabibigyan nila ng tulong, kaso wala pwera lang dun sa mga High Profile na cases, binibigyan nila ng atensyon para naman masabi naman na tumutulong sila. Sikat pa.

2) Pagkain – Nasan na yung tinatawag niyang stimulus funds…san napunta yon? Tangina, kinuha nila yung pondo run sa mga SSS Members, pero nasan na? Ayun ang nababasa ko sa newspapers eh napupunta lang sa Pampanga, syempre sa kabang yaman ng pamilya niya ganun lang kasimple. Naloko na naman tayo.

Kung anu-ano ang inuuna nila sa Kongreso at Senado…Cha-Cha, Con-Ass(holes), Sex Scandal at kung anu-ano pang walang kwentang mga batas na ewan ko kung saan nangagaling, at kung kaninong utak nagmula.

Kung yun Agriculture Industry natin ang inuna nila at binuhay, marami silang magsasaka na matutulungan at hindi tayo kukulangin sa bigas. Taena tayo lang ang nagturo sa mga katabi nating bansa na magtanim ng palay, tayo ngayon ang bumibili sa kanila. Ohmaygulay….$%#^&#$*(&^!!!!

3.) Crimes – Hindi nyo ba napapansin, araw-araw may nakawan, patayan…. lalo na yung ginawa kay Ruby Rose. Shitnamalagkit !!!! Sinong nasa matinong pagiisip ang gagawa ng ganung bagay? Napaka hayop ng pagkapatay.

Araw-araw may hino-hold-up, meron nga akong nabasa sa newspaper, nasa traffic light siya at nakahinto, syempre dahil red light…..aba nakngteteng, biglan siyang hinold-up dun mismo sa stop light, tanghaling tapat….tangina ganun na katapang ang mga kriminal ngayon. Isa lang naman ang dahilan nyan eh, pero darating tayo dun.

Ganun na katindi ang street crime sa atin, nung kelan lang na nagbakasyon ako…..dun mismo sa bayan ng Bayambang may binaril, umagang-umaga dun mismo sa abangan ng sasakyan sa bayan, na malapit sa munisipyo, (ilang metro lang ang kayo), at sa kabila lang may out-post ng pulis. Binaril yung lalaki ganun na lang ang value ng buhay ng tao. Ibig kong sabihin, wala na bang halaga ang buhay?

Iilan lang yan sa mga problema ng ating Inang Bayan…pero ang pinaka matindi sa lahat….eto nagkaka-connect lahat dito……iisa lang ang dahil ng lahat ng nabanggit ko sa itaas…..

CORRUPTION

Kung walang corruption, madami tayong trabahong malilikha, dahil sa corruption umaatras ang mga investors.

Hindi ba recently lang nadawit na naman yung pinagmanahan ni Mickey Mouse na asawa ni Doña Glorya….si Atorni Mikrobyo, na pag nadadawit sa kaso at inimbistigahan biglang nagkakasakit ang gago.

Ayon sa kurimaw sa kanto ng España at Tandang Sora, kaya raw umurong yung isang investor na hapon dahil hinhingan nila, (kasama si Mickey Mouse) ng lagay para makapagtayo ng negosyo sa atin. Hindi hundreds or thousands……millions ang hinihingi. Taena kayong mag-ama, tamaan sana kayo ng kidlat sa gitna ng kumukulong dagat-dagatang apoy…isama nyo na rin si pandak at mga alipores niya….!!!!!

Ayun umatras yung investor, sana maraming trabaho ang na-generate, sana maraming trabahador ang nakakapagtrbaho ng maayos, walang pamilya na nagugutom.

Kung walang corruption, mawawala ang kimen….hindi naman totaly mawawala pero mababawasan, dahil sa corruption madaling sulsulan ang mga Zaido, pulis-pangkalawakan. Kung mayaman ka, bigyan mo lang ng pera o kaya regalo ang piskal, mayor, chip of polis eh lulusot ka na…..dahil sa CORRUPTION nasira ang Judicial system ng bansa. Dahil nasira na ang Judicial system natin nawalan na ng tiwala ang tao.

…..kung siguro ako si Superman eh, ganito gagawin ko.

Una, lahat ng war freak sa Mindanao, Abu Sayyaf, MILF at iba pang katulad nila, eh dadalhin ko sa isang uncharted island, oo sa isang maliit na isla.

Pangalawa, lahat ng tongresman na gago dadalhin ko dun sa isla. Dun sila magtayo ng Con-Ass nila.

Pangatlo, isasama ko na rin si Doña Glorya at pamilya niya sampu ng mga sipsip na cabinet members niya na kulang nalang higupin pati pwet niya, dun sa isla at kahit dun na siya maging pinuno ng mga Abu Sayyaf at MILF habang buhay.

Kaso hindi naman ako si Superman…….sarap sanang mangarap….LOLs

Ano nga ba ang magagawa ko, nag iisa lang ako? Pero kung tayong lahat ng Pilipino na sawang-sawa na sa pamamalakad nila. Labanan natin sila, huwag na nating isipin na para sa sarili natin ang ginagawa nating laban kundi para sa mga anak natin at magiging apo.

Ipaglaban natin ang karapatan nating mabuhay ng may dignidad, hindi yung binabalewala tayo ng mga namumuno sa atin. Ipaglaban natin ang karapatan nating pumili kung sino ang nararapat na mamuno sa atin, hindi yung kung ano lang gustuhin nila sila na ang masusunod.

Kaya say NO to CON-ASS, CHA-CHA, CON-CON at kung anu-ano pang kalokohan at katarantaduhang iniisip nila.

Sa darating na eleksyon pagisipan nating maigi kung sino ang dapat hindi yung kung sino ang sikat at ma-pera. Sino ang nararamdaman nating may talagang puso para sa ating maliliit.

Kason nga ampootah…wala ka naman pagpipilian…..shit!!!! hanubayan…..???

Sama pa natin ang nagyayari sa buong mundo….Economic Crisis, Swine Flu Epidemic na sa tingin ko biological weapon yun na tinesting kaso hindi nila nakontrol. Tapos kung mamalasin pa talaga, baka magka gyera pa, Nuclear War dahil sa pasaway na North Korea.

San na tayo pupulutin pag ganyan????

Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 26, 2009

Paalam Haring MJ

Hindi po si Da King ang tinutukoy ko.

Si Pareng Maykel Dyakson…(oo kumpare ko yun eh…LOLs).  Kardyak Aress yata ang ikinamatay niya. Talagang ganun, pag oras mo na oras na talaga, wala ng tawad-tawad pa pag kinuha ka na. Kung baga….

MJ : “bossing baka naman pwede pa kahit 1 taon pa…. may kambak konsert pa kasi ako sayang naman….”

Kamatayan : “Sorry MJ, talagang di na pwede…. dapat nga matagal na kitang kinuha eh…kaso naawa na talaga ako sa itsura mo nag mumukha ka ng buhay na bangkay……wala ng ekstensyon.”

At least mga kapatid sa pananamplataya eh, alam na natin na matatahimik na ag buhay niya. Nitong mga nagdaang taon alam naman natin kung ano ang mga pinagdaanan niya. Kung anu-anong kontrbersya ang bumalot sa buhay niya. Ngayon wala na siyang iintindihin, swerte pa ng siya hindi na niya mararanasan lupit ng mundo….(huwaw, hebigats…!!!!)

Oo aaminin ko, naging pans ako ni MJ nung ako ay nasa Highschool Musical pa. Isa rin ako sa mga luko-lukong ginagaya ang kanyang danz moves, lalo na yung moonwalk….LOLs. Naalala ko pa nung pumutok ang album niyang Thriller, asus, talaga namang kahit ulit-ulitin namin yung video ng Thriller hindi kami nagsasawa. Yung tatay ko umay na umay na sa pinapanood namin pero kami hindi kami matinag sa kinauupuan namin.

Tapos talaga namang naghanap pa ako ng Red Leather Jacket ng kagaya sa kanya para japorms na japorms ang porma ko pa nagpupunta sa tipar noong araw. Buti na nga lang hindi ako napag titripang gulpihin ng mga nasasalubong kong ibang tribu. Nalala ko pa meron din akong gloves na sequenced…LOLs. Pag may party minsan sinusupt ko yun, pag naalala ko natatawa tuloy akos a sarili ko, para akong gago…LOLs. Tapos yung kwarto ko punong-puno ng posters ni MJ. (hindi naman ako die-hard pans….medyo lang….LOLs)

Masasabi ko na proud ako na maging part ng henersyon nung sumukat ng husto si MJ. Dahil yun yung time na masaya ang buhay…walang Swine Flu, walang Abu Sayyaf, walang Economic Crisis at lalong lalo na wala pa si Doña Glorya na sobrang napapahirap sa mga buhay ng pinoy ngayon. (oopss..nasa-side track na naman ako…..)

Kaya paalam MJ sa mga magagandang alala na dinala mo sa amin sa pamamagitan ng iyong myusika. Salamat sa iyo at naging masaya ang buhay ko noong ako ay nasa aking teens pa. Kahit nag mukha akong gago dahil sa mga pakana mo eh ayus lang. Alam kong kung saan kaman nandun ngayon eh siguradong kumakanta ka ng…..

 ”Thrilleerrrrr…..Thriller nighttt….”

Teka mali yata yun…..

Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 26, 2009

Tapos Na Po….

Hay…salamat at natapos ko na rin lahat ng projects ko. Chori mga prens at hindi na ako nakakapag blog nitong nakalpas na mga araw.

Sobrang busy ako nitong nakalipas na mga araw at talaga namang halos hindi na ako magkanda-ugaga sa projects ko. Pero ok na at tapos na tapos na talaga.

Wala ako dito sa opis ng mga nagdaang araw at nandun ako sa ibang branch namin. Dahil bumili sila ng mga bagong PC at sa aking ibinigay ang trabaho para ikabit ang LAN. Ayun ok na naman kahit hindi ko alam kung paano eh nagawa ko pa rin yung trabaho.

Hindi pa kasi ako gaanong sanay sa pag set-up ng LAN. Buti na lang may isang kabayan tayo na tinulungan ako. Yeheyyyy……

Kaya balik sa abnormal na naman ang takbo ng buhay ko.

Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 20, 2009

Panahon ng Tag init

Dahil sa tag init na ngayon dito sa Saudi, naisipan ni Boy Kulangot na mag shower. Habang pumapatak ang malamig na tubog sa kanyang katawan hindi niya maiwasang masarapan sa nararamdamang kaginhawaan at siya ay napakanta !!!

Dahil sa kanyang pagkanta biglang nagising si Ah’Kong….

Ah’Kong : “Lintik naman BK ….akyen salap tulok….teka nga akyen katok…

At lumapit nga si Ah’Kong sa pinto ng banyo nang siya ay kakatok na narinig niyang kumakanta si BK…

(to the tune of Bahay Kubo)

Bahay bata, kahit munti
Pumapasok doon ay galit na ari
Sintigas ng talong, pinadulaas sa mani
Hikaw, naiwan sa ariiiii…

Bundol, patulak, paupo’t patayo pa
At saka meron pa, patuwad sa mesa
Sibuyas at sili, pandagdag ng gana
At sa paggiling-giling
Pumutok na palaaaa!!!!!

 

Ah’Kong : “tsk…tsk…tsk…. ito talaga BK, talantalado talaga…uwi na naman pokpok…. akyen tulok na nga ulit…..hmp”

Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 16, 2009

Bagyung-bagyo !!!

Isang malamig at bumabagyong gabi….kinukulit-kulit ni Ah’Kong ang kanyang Misis.

Buong lambing na hinahalik-halikan niya ang balikat, leeg ang punong tenga ng kanyang napaka-ganda at nakaka-gigil na asawa.

Ah’Kong : ” ‘ling, sige na..isa beses lang….”

Misis : “Ano kaba naman, pigilin mo muna…”

Ah’Kong : “sige na..isa kadyut lang…”

Misis : “Ang kulit mo naman eh….ayoko, ‘no ba ?!!! Kita mong bumabagyo….!!”

Ah’Kong : “Ikaw ayaw nun…lamig-lamig…ahihihi”

Misis : “Tanga !!!! Hindi ka na nahiya !!!! Ang daming tao dito sa Evacuation Center !!!”

Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 14, 2009

Tsikot ni Ah’Kong

Isang araw, humahangos si Ah’Kong at tuwang-tuwa na may binalita kay Boy Kulangot.

 

Ah’Kong : “BK..BK..!!! Ikaw sama akin, ikaw tingin…… ako bili kotse….ahihihihihi !!!”

Boy Kulangot : “Aba asan…tingnan ko nga !!! Magkano iskor mo….???”

Ah’Kong : ” Mura lang akyen bili, 300 Riyals lang..2nd hand kasi…..dun labas, sila deliver na kanina…kaso ako may problema akyen kotse…akyen hindi runong…”

Boy Kulangot : ” Ano probelma, baka matulungan kita….kung konting trouble shooting lang yan eh kayang kaya ko yan.”

Ah’Kong : ” Ayan o…ikaw tingin….sila sabi….

 

Car

“Ako na daw asembol…”

 

Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 14, 2009

Ang Mag-ama

Paano kaya kung ganito mag usap ang parehong mag-ama….

===========================

AMA: Junanak, ikeme mo sa mudra mo, later na akiz juwe, overtime akiz sa work chenes chenelyn!

ANAK: Trulalo ba ‘yan, fudra?! Hahada ka lang yata to the highest level!

AMA: Echuserang froglette! Wiz na tayo andalucia! Need ko OT para may jolawance chorva ka!

ANAK: Wishing naman me jinge ng jolawance sa ‘yo, ah?!

AMA: Kapal ng fez mo! Wiz na nga akiz panglafang kakagetlak mo ng andalucia ko, ‘no?!

ANAK: Keribelles! Okay, fine, kyeme ko na kay mudra!

AMA: Keri! Go!

======================================

Anak ng teteng pag narinig ko mga anak kong lalaki na ganyan magsalita baka….ewan ko na lang….LOLs

Kukurutin at sasabunitan ko sila…..ang okray !!!!

Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 10, 2009

Help Me if you Can

May ipinadala sa aking email yung isang tropang kulangot at kailangan sagutin ko raw kung hindi ko raw masasagutan, magkakaroon ako ng sumpa at lalaki raw ang betlog ko.

Eh talagang hindi ko masagutan yung mga tanong niya, kahit nalibaligtarin ko yung utak ko wala akong mahanap na sagot.

Kayo, baka matulungan ninyo ako….

Eto ang 5 tanong niya…

#1 Magkaaway kayo ng kaibigan mo. Ano ang gagawin mo para maibalik ang dating sigla ng Min­danao?

#2 Naiwan mo ang ID mo. Ano ang sasabihin mo sa security guard para i-add ka niya sa friendster?

#3 Sa kalagayan ng gobyerno natin ngayon, may pag-asa pa bang lumaki ang size ng pasas?

#4 Oo o hindi… ano ang nararamdaman mo ngayon?

#5 Libing ng aso mo. Eh may outing ang barkada. Ano ang una mong isusuot… pantalon o T-shirt?

Sige na tulungan ninyo ako ayokong lumaki betlog ko, di bale ng lumaki si Chairman wag lang yung dalawang Barangay Tanod…..

Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 10, 2009

IDOL !!!!!

Hindi ito tungkol sa American Idol na si Adam Lambi…este…Adam Lambert…badingwingki yon. Hindi rin ito tungkol sa Philippine Idol…di ko nga kilala sino nanalo dun eh…lalong hindi ito tungkol kay Robin Padilla na kafatid ni sisterette Bebe.

Ito ay tungkol kay Billy…

(Sino Billy ikaw sabi-sabi dyan….Billy Crawford o Billy Balbastro…???)

Umentra ka na naman eh….manahimik ka dyan Ah’Kong walang basagan ng trip….hindi si Billy Crawford, na kamaganak ni Cindy Crawford ??? at Hindi rin si Billy Balbastro at patay na yon…

Ito ay tungkol sa aking nagiisang idol…..si Billy Idol….hooowaaahhhh!!!!

Kaya ko naisipang gawan ng entry si Billy Idol dahil fans ako nito eh, mula pa nung ako ay teens edition. At dahil na rin sa napanood ko sa Iyotube..este…sa Youtube at talagang namangha ako sa husay niya magperform lalo na yung kasama nyang naggi-gitara, kalumitan ko na pangalan nya…ampotek hindi ako alam kung paano niya nagawa yon sa gitara at parang sabay sabay na tumutunog ang lead, rythm saka bass guitar eh iisa lang siya nag accompany kay Billy Idol.

Parang tig sampu ang daliri nya bawat kamay….bilib ako to the maximum velocity.

Heto panoorin nyo…lagyan nyo na rin ng Pump Up the Volume para malaman nyo kung ano yung sinasabi ko.

 

 

Natatandaan ko pa, una kong narinig itong si Billy Idol, hiniram ko yung cassette tape, oo wala pa..hindi pa uso CD noon, hiniram ko sa sexmate…este..sa classmate ko yun tape, yun unang record niya.

Nung una parang di ko trip  pero unti-unti nagustuhan ko na yung mga kanta niya, tulad ng White Wedding, Rebel Yell, Eyes without a Face saka yung iba pa…..

Katunayan yung buhok ko ginaya ko rin sa kanya dati, pero hindi ako gumamit ng toothpaste ha, gel lang…kaya hayun, kakagamit ko ng gel numipis ang buhok ko ngayon malapit na akong mag Top Gone…..ahihihihihi pero meron pa rin naman yung nga lang tumataas ang hair line..LOLs

Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 8, 2009

Si Ako, Si Siousxie at ang Banshees

Grabeeee…..dami kong trabaho. Ang potek binigyan na naman ako ng special assignement ni bossing. Panibagong design na naman ng price tags. Dapat yata singilin ko na mga ito sa mga designs ko eh….potek lugi ako.

Heniwei, kamusta na ang mga kaututang dila ko sa mundo ng blogospira? Pasensya na kayo at nitong mga huling araw eh talagang busi-busihan ako.

Haktwali hindi pa tapos….nagiisip pa ako ng magandang pangalan para sa men’s & ladies garments….eh ang gusto ng bossing ko eh yung medyo sexy raw…. iniisip ko nga eh kung sa men’s….”tukne kulugo” o kaya “roborats” oh di ba? matigas ang dating, lalaking-lalaki………LOLs, at sa ladies naman….”Madam XXX” o kaya….”Tina Moran Collection” parang ang naughty naughty…ahihihihihihihi

Teka nalalayo na ako sa topic ko….LOLs

Malamang sa hindi eh hindi nyo kilala ang bandang Siouxsie and the Banshees. Sumikat sila around crica 1980s. Sila ang forerunner ng Gothic Rock, malaki ang naging impluwensya nila sa mga banda ngayon……parang may influence din sila sa local band natin dati na Identity Crisis. Saka kakaiba ang music nila.

Heto sila Siousxie and The Banshees performing “Cities in Dust” live

 

 

Naalala ko tuloy nung panahon na wala pa akong sungay, yung mala anghel pa ako…LOLs….tatlong groups parati noong panahon na yun eh.

1.) yung mga grupo ng mga new romantics na inspired ng mga Duran-Duran, Spandau Ballet and the likes. mga teens na pa-cute na one sided ang hawi ng pagkakasuklay tapos pag naglakad eh nakabiling yung ulo sa kaliwa o kanan depende sa pagkakahawi ng buhok, na akala mo may stiffneck.

2.) yung mga grupo ng punkista – ito ang Genertion X, yung mga buhok na mohawk, mga nakatayo parati yung buhok, pati toothpaste eh ginamit na pampatigas ng buhok. Tapos ang intsura parang hindi naliligo…potek. Parating aka combat boots at maraming kadena sa katawan, may wrist ban na may spike at iba pa. Sila yung mga teens na takaw gulo pag may tipar.

3.) yung bago pa lang na nauuso yung break-dance, forerunner (tama ba word?), forerunner ng hip-hop. eto yung ang itsura nila mga naka buggy pants o kaya maluwag na overalls.

Naalala ko noon, pag foundation day sa school at nagpang-abot yung grupo ng punkista at grupo ng mga bali-buto, (break dancer), 99.9% gulo sigurado…….LOLs. Ako eh nanood lang sa kanila dahil ayaw kong mabasag ang aking mukha, sira-sira na nga babasagin pa…LOLs

Older Posts »

Mga Kategoriya