Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 13, 2008

Memoirs of a Geisha

Kanina, habang ‘alang magawa dito sa trabaho, napag desisyunan kong magbasa ng online dyaryo…(hindi ko na lang sasabihin kung anong tabloid), pero pinoy newspaper ito.

Nakiki-balita lang ako, ano na ba ang nangyayari dyan sa atin? Grabe na ang pulitika sa atin. Imbis na kung paano malulunasan ang rice o food shortage, kung anu-ano ang inuuna ng mga unggoy.

Anywayz, mula Front page, editorial… basta lahat nung nasa pages binabasa ko, (wala nga kasi akong magawa….), Hanggang sa mapadpad ako sa ‘Thats Entertaining’ (Entertainment Section…tungak!!)

Eto ang bumulaga sa akin…..

Muntikanan na akong atakihin sa puso…kaya naman pala…ayaw na ni Cesar Asar….

 

\

Hindi kaya, nadapa si Sunshine sa isang sako ng harina at naging ganun kaputi ang muhka niya…..LOLs.

Ang sagwa mga ‘tol….hindi bale kung pantay ang pagkaputi…kaso para siyang nagmukhang Geisha o kaya yung mga aktor sa Kabuki…

Saka, pag tinignan nyo, para syang Multooooo…!!!! AWOOOOOOO…..!!! LOLs

Kaya pala gusto na ni Cesar Asar na hiwalayan eh……hindi kaya lagi syang natatakot at pati mga anak nya natatakot na?

Scene 1 : Sa loob ng kwarto, alas-dose ng hating gabi.

Malamig ang simoy ng hangin……”whoooshhhh”, kasi naka aircon sila, GE pa nga eh….

Sarap na sarap si Cesar Asar sa pagtulog nang bigla siyang naalingpungatan, napabalikwas siya sa pgkaka-higa….

Tiningnan niya ang kanyang asawa, wala sa tabi nya…!

Pinuntahan nya ang switch ng ilaw, ayaw sumindi…pundido na kasi, tinatamad kasi syang palitan. Nang biglang may narinig syng kaluskos musmos sa bandang veranda, ngunit madilim sa bandang iyon, biglang umurong ang yagbols ni Cesar Asar, matatakutin pala ‘to sa pelikula lang matapang.

Ngunit, dadapwat, subalit, dadapo sa puwit….baka magnanakaw nsamabit ni Cesar Asar sa kanyang sarili, kaya buong pilit niyang nilabanan ang nerbyos, dahan dahan siyang pumunta sa may veranda, ngunit sadyang napaka madilim sa bahing iyon….habang papalapit sya…lumalakas ang kabog ng dibdib nya, ng biglang………may kumapit sa balikat niya at naramdaman niyang isang malamig na kamay…….

“Oh Hon ba’t gising ka pa…?” sabi ng kanya asawa…na namumuti ang mukha…

Sa pagkabigla, doon na bumigay ang katinuan ni Cesar Asar at tuluyan ng nalaglag ang kanyang yagbols. Nagpatakbo siya, “Ayyyyyyy…..anu bayannnnn!!!!….Multwooooo…multwoooo!!!!” nagtitili si Cesar Asar at napipilantik na ang mga kamay at daliri.

Hirap talaga dito sa Saudi…nakakasira ng ulo…..putek!!!

(Ah’Kong : Hoy…ikaw sobla tsismoso….ikaw punta na lang ilog…)

Ano naman gagawin ko sa ilog…?

(Ah’Kong : Ikaw hugas itlog………kasi ako pakulo na tubig….dumi talaga iyo isip.)

Ah….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: