Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 16, 2008

Wais ToIts

“Hey….are you busy…?”

Yan yung banat sa akin nung Yemeni na kasama ko kanina….

Binigyan siya ng assignement, i-cut nya yung mga pictures ng mga product namin para sa catalogue.

Ginawa niya…hinati nya yung file….binigay nya sa akin yung iba…37 pieces na pictures ang sa akin. Ang sa kanya 10 pictures. (mautak ang matsing).

Ok lang sa akin yon, ala naman akong masyadong trabaho, wala rin naman akong pendings. So natapos ko within in 30 minutes, madali lang naman ang pag cut eh….pinasa ko na sa kanya yung file.

Aba, nung nakita nya….banat sa akin “are you busy..?” Kasi sya hindi pa tapos….

Amputek, na matsing to ah….iisahan pa ako….”YES I AM BUSY….YOU HAVE TO FINISH WHAT YOU HAVE STARTED…” banat ko sa kanya…sabay talikod wid matching ismid…(ang taray !!!!)

Kala nya siguro maiisahan nya ako…LOLs. Wais ‘to…’no Ah’Kong?

(Ah’Kong : Syemple….laki planingyake* ka di ba?) *Paranaque

Sa tinagal tagal ko na dito sa Saudi…alam ko na mga istayl ng mga ito….mga feeling bossing….tangina nyo!!!

Bossing….mga ulol !!! LOLs…

Hindi nyo maiisahan kaming mga pinoy…..!!!!

Sa akin pa gusto ibigay yung trabaho nya……ang laki ng sahod kesa akin, wala namang ginagawa…madapakinsyet.

Gusto siguro nito…suntukan na lang eh….ha..oha!!!…ano?…ha…

(Ah’Kong: Oist….pala ikaw…gago…ikaw tigil na….hindi ka naman isahan eh…)

Hindi naman ako makikipagaway…Ah’Kong. Juk..juk..juk..juk lang yon, praktis lang, Makakaganti rin ako sa mga ito. Ha…ewan ko lang. Baka pag nawala ako dito, sigurado ikot mga tumbong nitong mga nagbo-bossing-bossing dito….Ha…ha…ha…ha…(May tumubong sungay sa ulo ko.)

Payo ko mga prens, na pupunta dito sa Saudi, yung mga first timers.

Tandaan nyo, huwag kayong matatakot, pag alam nyong nasa tama kayo, ipaglaban nyo yon. Pero kung talagang kayo ang mali, aminin agad.

Wag din kayong pasisindak sa ibang lahi, kasi oras na, masindak kayo, pataylo na, balagoong kayo palagi. Kayo na ang uutus utusan. Yung trabaho nila ibibigay na sa inyo, ngayon pag may problema, kayo ang ituturo.

Ah’Kong, lika na….gutom na ako…ano ba ulam..?

(Ah’Kong : Ala pa ulam….. hindi pa ako luto.)

Bili na lang tayo ng Kabsa….

(Ah’Kong: Sige ikaw bili….ako hintay dito….)

O sige…

(Ah’Kong : ha…akal nya isahan nya Ah’Kong….ako na naman bayad…he..he..he…Wais ‘To.)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: