Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 22, 2008

Toy Gun nga lang….kulit nyo!!

Once upon a time…. in a galaxy, far, far away…..

May apat na nilalang na masayang naglalakad sa kalye ng pasuray-suray. Kagagaling lang nila sa isang masayang (totnakan) inuman. Nang biglang may dumaan na kotse sa tapat ng ating apat na bida, bumaba ang dalawang, mamaw. Bigla silang tinutukan ng .45 Cal Handgun…….bakit ?

Ganito kasi yon….

Mga binata pa kami nung panahon na yon. Kagagaling lang namin sa Irasan. Hindi pa kasing ganda ngayon…pero masarap na ang mag-tomaan dun. Kasi noong araw, may maliit na talipapa dun, tapos sa paligid niya, may maliit na stalls, pero inuman yon. Magpapabili ka sa kanila sa talipapa, tapos lulutuin nila, (free of charge)…kahit na ano, (pusit, talakitok…anything), fresh. Kababasak pa lang.

So ayun nga, masaya kaming nag totomaan, kwentuhan, tawanan….hanggang abutin kami ng alas tres ng madaling araw. Bihira na ang dyip ng ganung oras, kaya naglakad na lang kami papauwi. Dun kami dumaan sa Imelda Ave, papasok ng Sto. Niño…so lakad kami, kulitan pa rin…ang iingay nga namin…may dala pa kaming baon, inihaw na bangus, para kaming mga lasing, (lasing na nga eh….LOLs). Pag dating namin sa kanto…inihatid namin yung isa naming dabarkads, (na naging bilas ko na ngayon), papuntang Don Galo…kasi sa Tambo siya umuuwi.

Mayroon syang dalang bag, na pag tripan nung isa naming dabarkads na buksan yon. May laman palang Gun Replica, na para talaga siyang totoo. Madilim pa naman….Automatic Pistol pa nga…wala lang yung magazine. Ito naman isang barkada namin, pinagtripan barilin yung mga ilaw sa poste, hindi naman matamaan dahil kami ang may tama…(sa utak ?)

Eto kamo ang siste….may dumaan na kotse, biglang lumabas yung dalawang mamaw….tinutukan kami, sabay sigaw “Hoy…anu yan..?” sabay labas ng tsapa. Watdapak ? Naku pooo !!! Mga lespu…yari sa loob-loob ko.

Biglang nawala yung mga amats namin, ako hindi ko alam kung mai-ihi o maa-ano….LOLs. Sobrang kaba ko nun. Umurong bigla yung mga yagbols namin. Pinapila kami dun sa gilid ng kalsada. Tapos kinapkapan kami. Ang naiisip ko nung time na yon, baka biglang sabihin nila may dala kaming mga drugs, pero sa kanila rin galing. May ganun mga pulis kasi eh, makakotong lang. Katakut-takot na eksplika….na toy gun lang yung dala nung barkada ko…buti kamo walag magazine, kung meron, baka tigok na kami ngayon. Paliwanag kami….:“toy gun lang nga ho…!!!”, kami pa yung galit eh…LOLs.

Buti naman, hindi kami dinala sa presinto, confiscated lang yung toy gun, napaniwala naming yung dalawang mamaw na lespu, kami ay mga anghel at santo, sugo kami ng kabutihan…na nagkasiyahan lang kami. Ini-imagine ko nga paano kaya kung nadala kami sa presinto, sigurado kulong kami, syempre, makakasama namin yung mga talagang mga kriminal, mga siga-siga dun, kung gulpi lang naman kaya namin saluhin sa mukha lahat ng suntok nila, eh kung reypin naman kami, naku, baka iba na ang tunog ng utot ko ngayon…..imbis na “pwuuuuut !!!” ganito na “FWAAAHHH !!!” …. LOLs 

Kinabukasan, katakot takot na kantyaw ang inabot namin….kakahiya.

Moral Lesson from the Story :

Siguraduhin lang na pag kayo ay may dalang baon, o take home,  alalahanin nyo kung san nyo nailagay….nawala yung bangus eh.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: