Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 24, 2008

ADIK !!! Isa akong ADIK !!!!

oo mga prens…inaamin ko at aaminin ko na, ako ay isang adik !!!! Baka iniisip nyo na adik ako sa mga drugs, marijuana, shabu, cocaine o kahit na anong bawal. Hindi po ako dun adik.

adik ako sa ipinagbabawal na utot !!! (ang korniks)

ADIK ako sa……

1.) Kape – oo, kape..kahit anong kape. Nagsimula yan nung ako ay napasok dati sa SPI. After ng 2 weeks na training….unang sched ko, night shift. nakanampuchero. Ang hirap pala, ang hirap labanan ng antok. Dun sa canteen, may libreng kape. Brewed Coffee pa nga. Una kong tikim yon…sarap pala. Ayun basta pagdating ng break sa night shift, kape agad…

Eto na…nandito na ako sa Saudi, 10 years na ako dito…lalong lumala ang pagkasugapa ko sa kape. Sa isang araw yata, nakaka 10 tasa ako…hindi ko na binibilang. Basta pag hindi ako nakakainom ng kape, naaburido ako. Lalo na pag nate-tense. O kaya pressured sa trabaho. Kape ang nakakapag relak sa akin.

2.) Yosi – syempre, anu pa ba ang pakner ng kape…eh di, yosi. Nag simula akong mag yosi kadiri nung college na ako. (sabi nga ng erpats ko…legal age na). Nung una hiya pa ako sa tatay ko. Sya pa yung nag-aalok sa akin nun, (kunsintidor na tatay), syempre, kakahiya di ba ? (Charing…pero gusto naman.) Pero ito ang hindi ko malilimutan na bilin ng tatay ko, sabi niya :

“hijo, kung mag kakaroon ka ng bisyo, (sugal, alak, babae), siguraduhin mo muna na may trabaho ka.”

“masusunod papa…”

Naks, kala mo unico hijo…..hijo de puta pala….LOLs !!!!

Nung nakapag trabaho ako sa Makati, pwedeng mag yosi sa desk, eh ang trabaho ko sa import-export, daming trabaho, laging tensyonado ang paligid, ayun sindi ng yosi…trabaho ulit, pagtingin mo, yung sinindihan mo ubos na, sindi ulit….ayun ang lakas ko tuloy.

Ngayon ako nagsisisi, kung bakit pa ako nagyosi….Ang hirap tanggalin. (O kulang lang sa will power). Sinubukan ko nang tanggalin noon, unang araw, ok…kaya naman pala. Pangalawang araw, parang nanunuyo yung lalamunan ko….(kaya ko ito). Pangatlong araw….ganun pa rin, kain ako ng kain para mawala yung craving. Hanggang sa umabot ng isang linggo, hindi ako nag yosi.

Ito namang hinayupak na mga dabarkads ko, ang lakas mang asar, iniinggit ako….(mga impakto !!!). Ang mga ungas, pakikita sa akin yung yosi, tapos sabay hitit….”sarrraaaap”. Mga ulupong, hindi nyo ako kayang inggitin….

Pero, talagang malakas ang tawag ng laman…este….malakas ang tukso, unti-unting gumuguho ang aking depensa laban sa masamang elemento…

“sige na nga, tikim lang ng isa, isang hitit lang, …………………hwwwppffff…..ssssaaaaarrraaaappppp”

Wow men, para akong hayok na hayok…. sunod-sunod…tuluyan ng bumigay ang katinuan ko, para akong nakatira ng cough syrup, ang gaan ng pakiramdam…..LOLs.

3.) Movies – isa pang kinaadikan ko. Ang pelikula, basta type kong panoorin, pinapanood ko. Naalala ko nung araw, sa Makati pa ang ang trabaho ko, basta may magandang palabas sa Greenbelt, kahit last full show, pumupunta ako.

Isa itong outlet para sa akin, nakaka relak ika nga.

Ayan mga suki, yan ang mga bagay na kung saan ako talagang adik.

O paano mga prens, mag timpla muna ako ng kape at makapag yosi na rin habang nanood ng penekula movie. wow…..sarap mag trip !!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: