Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 25, 2008

Haiskul Layp O’ my Haiskul Layp – Part Wan

Kanina ka chat ko yung klasmeyt ko nung Highschool…. bigla ko tuloy naalala yung pinag gagawa namin noon…

Kung ike-kwento ko ng buo…nakow !!! Baka maging nobela pa itong post na ito. Baka manalo pa ng Award. Pero hindi na, hwento ko na lang yung mga high-lights, yung mga hinding-hindi ko malilimutang event sa buhay ko nung Highschool.

1st Year

Eto yung unang pinalabas ang movie na “BAGETS”, ang usong fashion nun, yung baston na lonta. Yung tipong hindi na umiikot yung dugo mo sa mga binti at paa dahil sa saborang sikip ng pantalon. Ito rin yung time na kailangan naka-Gel ka, 24/7. Matitingkad ang kulay ng damit…. Ito ang panahon ng Generation X….New Wave era…ito yung panahon ng mga “Alagad ni Kalantyaw !!!!”

Dito rin kung saan, pinana ako ni kupido sa kauna-unahang pagkakataon. Oo, ito ang kauna-unahang nahumaling ako sa isang bebot. Nain-lab ako sa isa kong klasmeyt. OO Pers lab, ika nga. (at oo rin, malandi talaga ako…charush).

Dahil sa tuksuhan, at sa isang larong, do or dare, nagkamabutihan kami. Eh nalaman ng adviser namin. Talagang pinag tabi pa kami sa upuan. Eh nung mga panahon na iyon, torpe as in super duper torpe ako. Nakakahiya mang aminin, biruin nyo, katabi ko na hindi ko pa kinakausap…..susmaryosep ! (eh sa mahiyaing unggoy akoe eh at yun ang una.) Pag nakakaharap ko na sya, ayaw lumabas yung mga gusto kong sabihin.

Naknangpating pag naalala ko yun, gusto kong untog yung ulo ko sa pader eh. Bigla na lang isang araw, hindi na nya ako pinansin, umiiwas na sya sa akin.

In short and in record time, 1 week lang (yata) kami. Naghiwalay ang aming landas……ang bilis. Biglang pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Para akong natalo sa saklaan ng ilang milyong setimo. Ilang linggo rin akong tulalang betlog. Hindi makakain, hindi makatulog, (baka nagsha-shabu…LOLs).

Pero unti-unti ko ring tinanggap ang katotohanan, siguro na turn-off sa akin dahil nga subrang turpi bai !!!

Meron pang isang nangyari sa amin nun na hindi ko malilimutan. Ito yung time na mainit ang ulo ng adviser namin. Eh ang kukulit ng mga klasmeyt kong mga boys, (hindi ako kasama dun…mabait ako eh…bwa..ha..ha..ha..). Pero dito ako napasama, lahat ng boys, pina iskwat….di ko lang matandaan kung 30 min o isang oras yun.

Langyang tsonggong puyat….talagang ang tagal…nanginginig na yung mga tuhod ko, tapos feeling ko hihimatayin na ako. Talagang nagdidilim na yung paningin ko nun. Mangiyak-ngiyak na ako, pero pinipilit kong hwag mawalan nga ulirat. Siguro, nakita ni Mam, pinaupo na ako. Pero syempre, nakakhiya sa mga girlalush….sabay yuko sa desk…LOLs

Pinaka matindi, sinali kaming dalawa nung, best friend ko sa singing contest. Nung sinabi yon ng adviser namin, “Bakit ako ???” sa loob-loob ko. Hindi ako marunong kumanta. Sa banyo pwede habang naliligo, eh hindi naman pwedeng during nung contest eh, nag sha-shower ako sa stage, anu yon floorshow ng sa gay bar ??? LOLs…

Ayun nga, wala akong magagawa, masunurin akong bata eh….so ensayo kami, kahit hindi ko alam kung paano kumanta, yung tipong ang boses ko eh kung saan lupalop nanggagaling, parang sa ilalim ng lupa….LOLs.

Ang kinanta ko pa nun yung kay Raymond Lauchengco..”I Need You Back”,…hanep inspired eh….dedicated to the one i love…eto yung time na wala na kami ng aking irog, pero in lab pa rin ako sa kanya nun, (martir…ang drama mo boy !!!)

Eto na, araw ng contest, kabado syempre….. Tinawag na yung pangalan ko, akyat ako sa stage, simula na. Ang pucha, ang daming nanunood tapos akapela pala…walang mike, wala ring accompaniment or minus one. So ok, sinimulan ko na… nung nasa gitna na ako ng kanta, bigla ako nablackout, para akong nagka amnesia…nalimutan ko yung lyrics…madapakinshyet !!! Alangya, kahit anong alala gawin ko ayaw bumalik nung mga ilang araw na practice…!!! Pinagpapawisan na ako ng malapot. Hala, panic mode na ako. Yung oras na yon, gusto kong mawala dun sa stage na yon, kung pwede lang akong lumubog dun sa kinatatayuan ko, ginawa ko na……kung pwede lang maging inbisibol…..kaso hindi, tinanggap ko na lang ang kahiya-hiyang sinapit ko. Pakiramdam ko kasing liit ko yung langgam na dumadaan sa paanan ko. Ginawa nung emcee, nahalata nya siguro na talagang wala ng pag-asa, pinababa na lang ako….siguro sabi nun. “Umalis ka na nga…walang kwenta !!!” LOLs

Pagnaalala ko yon, tawa ako ng tawa sa sarili ko….pero ngayon, kapalmuks na ako, hwag nyo akong aayain sa videoke, magiging concert yon…long playing, back to back…LOLs.

2nd year

Wala akong masyadong maalala na espesyal during ng year na ito. Yung nga lang nagkahiwa-hiwalay ang barkadahan namin. Yung iba napunta sa kabilang section. Pero hindi pa rin nasira ang barkadahan namin, naging solid pa kami. Naging dalawang section ang magbabarkada.

3rd year

Dito na nagsimula ang kalokohan namin. Ito ang time na halos every week may tipar kaming pinupuntahan. Minsan dadayo pa kami sa malayo.

Nagoorganisa rin kami ng party, gagawa kami ng tickets tapos bebenta namin….nakakatawa, finger foods lang saka juice…magkano rin yung tickets. (mga manggagancho !!!)

Etong year na rin na ito bumagsak ako sa trigo….oo nahirapan akong intindihin ang trigo, kahit may libro pa kaming hawak nun. Pinatawag ang tatay ko…usap sila ng titser ko sa trigo. Ginawa nung titser pinaupo ako sa unahan para makacatch-up, naipasa ko naman ng sumunod na grading.

Ito ang hindi ko malilimutan sa 3rd year…..ang lesson namin tungkol sa census/statistics…(kalimutan ko na kung anong subject e..). Discussion kami, nagbigay ng problem solving yung aming guro sa board. Tinanong kung sino ang gustong sumagot….walang nagtataas ng kamay. Siguro nakita nya ako na hindi mapakali, agitated kung baga. Bigla akong tinawag, gulat pa ako eh….so punta sa board. Hindi ko masagot yung problem, hindi ako makapagkonsintreyt….pinagpapawisan ako ng malamig….dahil nae-ebak ako !!!!

Naknangteteng….daming tatawagin ako pa….tinitiis ko lang yung tyan ko, dahil after ng subject na yon, recess at balak kong pumunta ng cr….nung bigla akong tinawag, syempre, lalo akong na stress, lalong nagalburoto yung tyan ko. Talagang pilit kong sinasara yung butas ng pwet ko wag lang lumabas yung di kanais nais na bagay.

Natatandaan ko sinagutan ko pa rin yung nasa board, talagang pinipilit kong matapos kaagad, dahil hindi ko na kayang pigilin at sasabog na ang bulkang pinatubo.

Salamat kay Lord, nasagutan ko yung nasa board ng hindi ko alam kung paano ko nagawa, sabay paalam kay mam na…” Mam, CR lang po ako”. “Ok”

Taaakboooo !!!!!

Buti na lang ang CR ng boys malapit lang sa classroom namin. Sabi ko sa inyo, busarga eh…”KAABOOOMM”…sa wakas nailabas din ang sama ng loob, buti may tubig, (hindi talaga ako pinapabayaan ni Lord), at hindi pa nagre-recess, naisip ko rin kung recess time siguradong maraming magpupunta ng CR, kahiyaan na naman.

(tatapusin…..)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: