Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 26, 2008

Haiskul Layp O’ my Haiskul Layp – Part Tu

JS Prom – ah yes…isang event ng kahit na sinong highschooler, hindi malilimutan ang gabi na ito. Lalo na at 3rd Year HS, dahil 1st time pa lang maka-attend ng JS.

As expected, nagkanya-kanyang hanap ng masisilo. (anu yon aso?) Masaya yung una naming JS, sayaw dito…sayaw dun, kahit walang tugtog….LOLs. Itong time na to’ im single…uu wala akong syuta…kasi aral lang ang inaatupag ko….nyahh…ha..ha..ha..ha…(asus, lokohin mong lelong mo….talagang torpe ka ungas !!!)

4th Year

Itong taon na ito medyo nagpa tumpik-tumpik na lang ako, nag-aaral pa rin pero hindi na masyado. Kasi may style ako nung araw eh. Lalo na pag may lessons…..secret yon, ‘di ko pwedeng sabihin at baka mabasa ito ng Mam namin, “Hi m’am.”

(Ah’Kong : Sige na..ikaw na sabi..tagal na naman yon..20 yirs na.)

O sige, may pinsan ako nun na ahead sa akin ng 1 year. Yung mga notebook nya, ibinigay nya sa akin. Nung minsang may assignment kami, ginawa kong reference, pero napansin ko na yung sequence ng pagtuturo nung lessons, parehong pareho. So ginawa ko, pag may assignment or short/long test….eh  dun ako bumabase sa notes nung pinsan ko…kasi sigurado akong yun ang lalabas sa test or yun ang magiging topic nung araw na yon, kaya laging consistent ang mga sagot ko, lalo na pag oral exam….bwa…ha..ha..ha..

(Ah’Kong : Ikaw mautak din ‘no..? Ikaw daya !!!!)

Meron pa akong naalala nitong 4th year, tingnan mo kalokohan namin ha, nauso yung thumb tacks, i-thumb tacks namin yung polo sa upuan nun nung nasa harapan namin. Kaya pag tayo siguradong wasak ang polo…nya..ha..ha..ha…

Meron minsan, hindi ko alam kung anong klase ng demonyo ang sumanib sa akin, at naisipan kong lagyan ng thumb tacks yung upuan nung nasa harap. Oo ganun ako kasalbahe pag tinotopak. Ayun ang pobre kong kaklase, (Richie yata pangalan nun), pag upo, mangiyak-ngiyak at may tatlong thumb tacks nakadikit dun sa pwet nya.

Syempre, sumbong kay M’am…..at syempre tinanong kung sino ang gumawa nun….at syempre walang aamin. Ang napagalitan yung nasa tabi ko. Dahil mukha akong anghel….nyahhh..ha..ha..ha…

O sige na nga…..”Mam, umaamin na ako, ako ang gumawa nun, hindi si Lacommel.” Ayan nailabas ko na rin ang isang lihim na laging bumabagabag sa aking damdamin.

———-

Marami pang masasayang bagay ang nangyari sa akin nung High School, sabi ko nga, High School ang isa sa masayang parte ng buhay ko. Nandun na naging parang pokpok ako, kasi kung kani-kanino ako nalink….LOLs.(ayusss…showbiz n showbiz dating mo dudung !!!)

Ilang beses ko ring sinubukang manligaw ng iba at ilang beses din akong nabasted….talagang ganun, ayaw nila sa isang tulad kong sex symbol.

Recently lang, last December 2007, nagkaroon kami ng 1st Grand Reunion, after 20 long years, nagkitakita ulit kaming mag babarkada….imagine nyo yon mga suki….20 years. (oo na…matanda na ako…)

Kinasasabikan ko na magraoon kami ulit ng reunion….kung kailan hindi ko pa alam.


Responses

  1. hay nku kuya

    i love ur hyskul lyf..

    nkarelate ako,,

    at ung mga gnwa din nming kalukuhan dati,,

    i love it…

  2. masarap talaga ang buhay HS masaya dahil nandyan yung kulitan na parang walang problema sa buhay.

    actually yung adviser namin nung 1st year kami (na teacher din namin nung 4th yr kami)…. ang napangasawa niya yung classmate namin. siya yung nanay nanayan namin…tawag nga sa amin mga anak….anak ng kwan…LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: