Ipinaskil ni: ahkong | Mayo 29, 2008

Is it Reasonable….?

May tanong ako sa inyo mga suki…..kayo ba pag bumibili ng mga bagay, tinitingnan nyo ang presyo ? O bumibili kayo dahil uso or kailangan kasi para maging “in”.

Ako, aaminin ko na may pagka-compulsive buyer ako. oo hindi ko alam ang ibig sabihin nun – toink! Nung nagkatrabaho ako at kumikita na ng pangsarili (binata pa ako nun), talagang pag nakita ko, at nagustuhan ko…bili agad. Hindi ko iniisip ang halaga ng pera noon. Kasi binata tapos may aasahan kang sahod sa susunod na payday…kaya ganun.

Kung anong anik-anik lang ang nabibili ko, minsan payday, hanep…paldo eh. Nagkayayaan ang dabarkads mag gud time…go agad. Lasing kung lasing, walang pasok kinabukasan eh. Umuwi ako ng sumusuray at dahil sa kalasingan, nakatulog agad ako. Naalimpungatan lang ako ng may kumakatok sa pinto ko, yung pamangkin ko, at pinapatawag ako ng aking syuta. (oo ang aking future wife). Bigla akong napabalikwas, naalala ko may date nga pala kami, ampotek tanghali na….pagtingin ko sa wallet ko, wadapakinsyet….ba’t ganito na alang laman nito? (taka ka pa eh ininom nyo lahat..tungak!!!).

Pataylo….pag sinabi kong wag na kaming tumuloy sa date namin, siguradong war games ‘to. Meron pa naman natira, so sige, blaha na diyos ng intsik….ayun punta kami ng greenbelt, nood ng movie bili ng isang coke at isang shingaling, naknampating, taka si labidabi, bagong sahod, bakit shingaling lang ang binili ko sa kanya. LOLs. Alam nyo hanggang ngayon hindi malimutan ni misis yon. Lagi nyang sinasabi sa akin yon, pero may halong lambingan na yon….

Oo ganun ako ka-compulsive nung araw. Pero nung makapag trabaho na ako dito sa Saudi,  ibang hirap ang kumita ng atik dito. Hindi na ako ganun kasing compulsive, although may time pa rin, pero iniisp ko muna. Kunwari may nakita kong bagong TV or bagong cellphone, iisipin ko muna ngayon kung kailangan ko ba talaga nito…o saka na lang pag may extra ako. Ganun na ako ngayon, nira-rationalize ko muna. (tama ba yung term na yon?)

Nung umuwi ako last November 07 para magbakasyon, syempre excited, sabi ni wifey..daan kami ng Duty Free. Kasama si bilas ko at hipag ko, go kami. Bili sila ng kung anu-anong bagay. Ako naman dahil pagod, pinapanood ko lang sila, at medyo gutom ako, (hindi mo naman makain yung sa eroplano at malaki masyado yun). Dun daw kami sa Havaiannas (tama ba spelling?), ako naman sige, kala ko kainan eh….kasi tunog kasi ng tropics eh.

Wadapak….tsinelas pala ‘to. Lalo akong nagulat nung tingnan ko yung presyo… 18 dollars !!!??? Sabi ko kay misis, bili na lang kita ng Nike na rubber shoes kesa dito, langya yan, tsinelas napakamahal…o kaya bibili ko sya ng isang kahon na spartan LOLs.

Wala rin, ganun pa rin, napabili pa rin kami. Sabagay, maganda talaga siya, Masarap sa paa. Sosyal pa dating…ahihihi…

Meron pang time na, bago pa ako nakaalis noon, inimbitahan kami nung bilas ko na manuod ng Bonsai Show sa Shangrila sa may Mandaluyong, yun kasi ang hobby ng bilas ko. Ok naman yung show, very educational although pag wala kang interest or knowledge sa pagbo-bonsai, mababato ka lang.

Nung matapos yung show, paalam na kami, medyo maaga pa naman kaya ikot ikot muna kami ni misis sa loob ng Shangrila, (buti nga hindi kami nahilo ka-iikot eh – toink). First time ko lang napasok yung Mall na yun, kaya para akong eng-eng, na taga probinsya nang maispatan ko yung icecream vendor sa loob. “Wow icecream..bili tayo lab…” sabi ko pa.

American ice cream sya eh…parang coney island nnong araw sa may mabini. Sabi ko dun sa tindera, “two plis…”, kuha yung tindera ng dalawang cone na waffle yata yun. “That will be 260, sir…”

“HUWAAATTTT ????!!!!…. 260 petot ????” gulat talaga ako….anakngtipaklong na yan. dalawng cone ng ice cream 260 petot na tig-dalwang scoop lang ???

Habang binabayaran ni misis, ako naman dinudutdot ko ng icecream, (pinakikita ko talaga dun sa tindera), sabi ni misis, “Anu yang ginagawa mo..?”

“Tinitingnan ko baka may ginto sa loob…” sabi ko dahil naba-badtrip ako, sobrang mahal naman kasi. Pero wala naman tayong magagawa sa ganung bagay.

Kaya nga minsan naitatanong ko sa sarili ko, kung sakaling magkakaroon ako ng negosyo, ano ang ilalagay kong presyo sa mga paninda ko, yung “reasonable price” ba na kakayanin ng ordinaryong mamamayan na gaya ko o yung makakapanggulang ako sa kapwa para maibalik agad sa akin ang investments ko ?


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: