Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 2, 2008

Britney my Lab.

Oo mga prens, I love my Britney. Kahit hindi ko sya gaanong nakasama ng matagal, 3 months lang kami nagkakilala, pero mahal ko na siya at alam kong mahal nya rin ako.

Baka isipin nyo kung sinong Britney…Hindi po si Britney Spears, at hindi rin po ako panatiko ng pop star. Lalong hindi ko siya kabit. Si Britney ay ang aking Lab. Ang aking Labrador. Binili sya ng aking wife para sa akin. Nandito na ako sa Saudi nung bilhin sya ni misis. Bargain na bargain, 7T lang siya with papers. Nung itawag sa akin ng wife ko na bumili sya ng aso para sa akin natuwa syempre ako. Mahilig talaga ako sa mga aso. Pwera na lang kung asong kalye na naagnas na dahil sa galis….(yukkkyyy !!!)

Bago si Brtiney….meron akong si Ginger. Half-half naman yon. Cross breed ika nga. Half Bulldog, half Pitbull. (hindi po Half Filipino-Half Filipina mga ibang pulitiko lang ang kilala kong ganito…LOLs). Kaya di mo malaman kung anong itsura. Ang pangit na sakang na hindi mo maintindihan. Si Ginger naman bigay lang sa amin. Bago ako umalis noon papunta dito sa Saudi. Ibinigay ko siya sa bilas ko. Ayun…naka-kagat ng tao.

Pero itong si Britney ang maganda kasi Labrador Retriever siya. Isang working dog, family dog. Sabi nga ni Pareng Wiki :

The Labrador Retriever (also Labrador, Labby or Lab for short), is one of several kinds of retriever, a type of gun dog. They are exceptionally affable, gentle, intelligent, energetic and good natured,making them both excellent companions and working dogs. Although somewhat boisterous if untrained, Labrador Retrievers respond well to praise and positive attention, and are considerably “food and fun” oriented. These dogs are as well loyal and great with little children. They may be used in shows. With training, the Lab is one of the most dependable, obedient and multi-talented breeds in the world.

Eto si Britney nung siya ay pup pa lang…..

Hindi ko siya nakita nung pup pa lang siya. Pero kwento ng aking labidabi na muntik na siyang matigok dahil sa sakit. Ilang weeks daw na matamlay, pumayat daw, tapos isang araw na may bagyo, talaga raw ayaw umalis dun sa ulan. Nagpaka basa siya sa ulan. Ang ginawa ng labidabi ko, tumawag ng vet at pinatingin nya. Sabi ng vet, hanggang 24 hours na lang. Pero tinanong ng wife ko kung may remedyo pa. Sabi ng vet, painumin ng anti-biotic kahit yung pambata pero 50/50 chance pa rin. Sakto mayroon sa loob ng ref,  pinainom siya every 3 hours.

Kinabukasan, ayun, tumayo na….at isang himala, naka recover siya. Nagkarun na siya ng sigla. Syempre, masaya sa pakiramdam, 7 thousand petotet yun no?

Ganito na si Britney nung nakita ko ng umuwi ako last year….

(Hindi ito si Britney pero ganitong ganito ang itsura niya pati ang kulay)

Nung una kong siyang nakita, talagang nagustuhan ko agad siya. Makulit lang. Super kulit, talo pa na nagalaga ka ng bata. Hyperactive masyado. Ang mali ng misis ko hindi nya nai-train man lang. Kaya hayun, destructive. Kahit anong makita, sinisira. Pero pwede pa naman mai-train. Tyagaan lang naman. Tapos pag lumamon, parang wala ng bukas. Nakngpating, pagpinapakain ko minsan, kukuha lang ako ng tubig, pagtingin ko dun sa kainan nya, taob na. Humihirit pa. Nung nandun ako, kino-control ko ang diet nya. Kasi pag masyadong mataba, may tendency na magkasakit. Parang tao rin. Meron din pala silang Obesity. Ewan ko lang nagyon, baka super tabachoy na siya. Hindi na siya aso….baboy na…LOLs.

Meron nangyari nun, last December, may bisita yung anak ko, mga kaibigan nya. Nakaupo sila sa kubo namin, nagkwentuhan sila ng prenster niya ng biglang makawala si Britney. (Tinatali ko kasi sa gabi baka manakaw.) Narinig ko nagsisigawan yung mga kaibigan ng anak ko. Labas ako, nakita ko bakit parang may ilaw yung bunganga ni Britney……nakngteteng….cellphone yun ah. Nakupooo…habol ako, para akong nakikipag patintero. Takbo dito, takbo dun….hinihingal na ako hindi ko pa rin mahuli. (Para sa kanya kasi laro yun.) Nagpapahabol talaga siya. Tapos hinhinto. Kakawag kawag yung buntot nya. Pag malapit na ako…sabay kakaripas ulit ng takbo, habulan kami dun sa loob ng bakuran namin. Nung makaramdam ako ng pagod, umupo muna ako. Ayun, lumapit sa akin….nung malapit lapit na sinungaban ko yung kolyar niya. Nakuha ko rin yung cellphone. Cellphone ng kaibigan nung anak ko. Syetnamalagkitnagkadikitdikit….wasak yung cellphone. Ang nangyari, bayad pa ako ng pampagawa…buti 500 petot lang.

Pinakakasta ko na nga siya pero ayaw nya. Pa-gurl pa ang hitad. Gustong gusto na nung lalaking lab, tigas titi na nga eh. Kaso ayaw ni Britney, hindi na sya bitch in heat ika nga, lumipas na yung init sa katawan.

Sayang kasi kung hindi sya mabubuntis, sayang din yung kikitain dun. Ang Lab kasi pag nanganak hanggang sampu. Kung mabuhay lahat yun, ibenta ko ng 5 thou na lang isa….50T din yun.

Masarap ang may alagang aso, nalilibang ka na at the same time may pagkakakitaan ka pa, pero kung katulad ng lab ang aalagaan nyo. Kailangang maitrain sya maigi para hindi destructive.

Moral Lesson :

Huwag kayo ang kakasta sa aso, masagawa at masama yon….LOLs


Responses

  1. haha! ang kulet ng aso mo!! mangwawasak ng selpon!! naku, yung aso ko din, ang lakas kumain! tabachoy na aso..haha!🙂

  2. uu nga super kulit talaga….pag sinigawan mo parang maamong tupa, makikita mo yung mata nya malungkot, alam nyang guilty siya…LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: