Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 6, 2008

Dahil sa Katang

Talagang summer na summer na. Sobra na talaga ang init, Kagabi habang papunta ako sa villa namin, (10:00 pm na yon), ang init pa rin ng hangin. Kala mo alas-dose ng tanghali ang init.

Nami-miss ko tuloy ang mag swimming. Lalo na pag swimming pool, sarap magbabad sa pool, kahit dun lang nakatambay sa hagdanan. Sarap na sarap akong nakaupo habang ninanamnam ang tubig. Ewan ko ba basta pag sa pool kami nag swimming parati akong nasa may hagdanan. Marunog naman akong lumangoy. Pero mas enjoy ako pag dun sa hagdan lang naka tambay.

(Ah’Kong : Ako alam kung bakit….kasi nandun din ang mga chikababes , dun dumadaan syempre…ha…ha…ha…ha)

Hindi naman, ano ako manyak…? (charing…..) Siguro nga….oo nga ano ngayon ko lang napagisip-isp yon…..(lolokohin mo sarili mo, tungak), kesa naman sa ilalim pa ako titingin…pag ahon eh pulang-pula ang mata, parang nasapian ng dyablo…buti na yung nasa tabi ko lang…..LOLs.

Nalala ko nung kasama ko mga tropang kulangot, weekend nun. Maaga pa lang, nagkakasiyahan na kami. Summer din noon. Nung medyo senglot na kami, nagkayayaan mag swimming sa may Aroma, Kabihasnan, Paranaque. Malapit lang kami dun. Bili kami ng makakain, saka 3 ataul. (Gin yon na korteng ataul). Ayos din kaming mag-trip eh. Gabing gabi na kamo, so sige…pagdating dun sa Aroma, (gandang pangalan eh….pang erotic), daming tao, daming mga kalapati. Kami naman swimming lang ang trip, kaya hindi namin pinapansin yung mga kalapati, magkasakit pa kami hirap na….hinayaan namin silang maglaway sa amin, hindi nila kami matitikman, hmp!!! (mga pakyu..t !!!)

Dahil nga maraming tao dun sa pool, nagkasya na lang kami dun sa pambata. Maya-maya, nung marami-rami na rin kaming naiinom, nag dare yung isang tropang kulangot, dive daw una ulo, sige…dive. (Lakas na ang tama sa ulo eh, lasing na kasi….). Ayun nga, isa-isa, nung ako na, eh medyo hilong talilong na rin ako, pumorma pa ako eh, kala mo nasa divng board……pag dive ko, <BLAG>….aray ko !!!

Tumama na pala ako dun sa tiles, ang masaklap, yung ngipin ko sa unahan….ayun, wasak yung ngipin ko. Buti sana kung buong natanggal, kaso kalahati lang nung isang ngipin….ohmygulay. Ang sagwa, dahil sa katangahan ko, kung hindi ba naman isang bobo’t kalahati, eh alam nang pambata yun, sukat ba namang mag-dive una pa ulo…..umuwi tuloy akong bungi yung kalahating ngipin ko. LOLs….ang pangit ko na nga…lalo pang pumangit….LOLs.

Kaya simula nun, palagi na lang akong nasa may hagdanan, nakaupo…minsan naman, sa gigilid, parang talangka na nakakapit dun.

Kakamiss ng mag swimming…..pag uwi ko….swimming tayo.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: