Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 6, 2008

GagoAko…GagoAko….

Napag-tripan ko na naman yung Bangladesh na kasama ko dito sa office. Ang kulit kasi eh, bising-bisi ako sa, (Blogging), trabaho, tapos kung anu-ano ang itatanong.

Mahilig pa naman itong Bangla na ito na tumambay sa loob ng opisina ko. Yung tipo bang tatayo lang siya dun sa tapat ng desk ko. Pero wala namang gagawin. Nakaka distract ng attention.

Minsan nakita nya yung Screen Saver ko na gagamba. Bigla nya akong tinanong kung ano ba raw sa salita natin iyon.

Bangla : “My pren, what you call this in your language…?”

Me : “What, this one…?” tinuro ko yung gagamba…

Bangla  : “Yes…what you call this…?”

Biglang may demonyong pumasok sa kokote ko….

Me : “This one you call in tagalog…….GAGO AKO”

Bangla : “Huh ? Can you speak Slow?”

Me: “GA-GO-A-KO” (pinipigil ko matawa…kasi baka mahalata na niloloko ko siya eh…pero yung ngiti ko malapit ng bumigay…)

Bangla : “ah ok…..GAGOGAKO…GAGOAKO…GAGOAKO….GAGOAKO…”

Paulit-ulit nyang sinasabi hanggang makalabas sya dun sa office ko….nung wala na siya dun ako humagalpak ng tawa…buti kamo walang ibang tao….kundi mapagkamalan pa akong nasisiraan….LOLs.

Napaka-salbahe ko na yata…..

(Hirap ng nagiisa sa malayong lugar…kung anu-ano tuloy naiisip kong kalokohan…LOLs)

 


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: