Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 11, 2008

Do you believe in Ghosts ?

Yan yung tag line ng “Ghost” yung dating movie nina  Patrick Swaz….Swarz….Swaiz…….Patrick Guzman? Hindi….si PatrickSwayze & Demi Moore, (na anak ni Roger Moore ?). Nalala ko nung una kong pinanood sa sinehan yon. Talagang naitanong ko sa sarili ko na “ano kaya ang feeling ?”

Yung isang pamangkin ni misis, nung mga 5 or 6 y/o pa sya, maraming syang nakikita sa lugar nila. Laging sinasabi ng bata yon, basta kung saan sya magpunta, parating may nakasunod. Minsan may batang maliit, kinakausap daw sya, may mga matatanda, lalaki o kaya babae. Pero nung limaki na yung bata nag sara na yung 3rd Eye nya. 

Meron lang isang mumu na talagang nagpaparamdam dun sa bahay nila. Marami na ang nakakita, pero ako hindi ko pa nakita, naramdaman ko lang. May isang nangyari nung nagkaron ng okasyon sa haybol nila. Siyempre abala ang lahat, nandun kami sa kusina, at tumutulong kami sa pagluluto. Marami kaming nakaupo dun, naghihiwa kami ng pang rekado, nang biglang may narinig kaming nag ha-hum. Parang kumakanta….eh wala naman sa grupo namin ang kumakanta. Langya, biglang nagpulasan, kala mo ni-raid ng pulis eh…LOLs.

Meron pang isang nangyari, natutulog yung bilas ko sa sofa, tapos dumating yung isang hipag ko, (bunso nila misis), kasama yung asawa nya, nakita nila pareho, silang dalawa mismo nakakita…..may babaeng nakaitim tapos tinitingnan yung bilas ko na natutulog, nung makita sila nung mumu, tiningnan muna sila….tapos tumakbo papasok dun sa kwarto nung pamangkin ko, hinabol nila pero pag tingin nila sa kwaryo walang tao.

Basta pag may okasyon dun sa bahay na yon parating nagpaparamdam yung babae. Saka parati syang nagpapakita sa bata.

Pinatingin namin yan sa isang psychic sa Baguio. Dito ako nagtataka, ang sinabi lang namin dun s psychic, “pahuhulaan namin yung bahay nung hipag namin.” Yun lang wala na kaming sinabing iba. Laking gulat ko nung i-describe nung pyschic yung lugar, yung porma ng bahay, yung korte ng lote…batsa detailed description ang sinabi nya. Napanganga ako eh…..kagilagilalas, kamangha-mangha.

Sinabi nung psychic…nung mga ilang taon na ang nakakaraan, may isang babae na pinatay sa lugar na yon. Posibleng ni-reyp tapos pinatay kaya hindi natatahimik yung kaluluwa nung babae. Sinabi niya rin na laging nasa kusina papuntang kwarto ng bata yung babae.

Ayan kinikilabutan na naman ako. Nalala ko nung lumuwas ako ng Manila kasama yung anak kong babae, last December 2007 lang. Dahil may HS reunion kami, dun muna kami matutulog. Hindi ko alam pero hindi ako makatulog. Eh dun pa naman sa kwarto ng bata ako nilagay. Talagang….umurong yung pototoy ko, nawala yung yabang ni chairman pati yung dalawang barangay tanod, umurong..LOLs.

Sa totoo lang, pramis, pakiramdam ko may kasama ako dun sa kwarto. Sabi ko nga eh magpakita na sya at hwag na akong patayin sa nerbyos….LOLs.

Panoorin nyo itong vid na galing YouTube.


Responses

  1. hahaha!! ayoko panoorin..saka na.. pag may kasama ako..lols.😆

  2. Nung una ko ngang pinanood ito kinikilabutan ako eh….tapos parang ang bilis nung tibok ng puso ko, baka ma cardiac arrest pa ako…LOLS.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: