Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 16, 2008

Incest ?

Ngayon ko lang nalaman na totoo pala ang ganitong relasyon. Akala ko sa mga books at komiks lang nangyayari ang mga ganito.

Sa ating mga Katoliko, taboo ang usaping ganito, bawal ika nga sa batas at relehiyon, pero nangyayari pa rin.

Parang yung nangyari sa pinsan ko. Binata pa siya noon, may nililigawan siyang chikababes, maganda taga Sta Ana. Yung pinsan ko kung todo japorms. Me padala-dala pa ng bulaklak. In-short nahulog ang loob nung chikababes. Naging mag syuta sila.

Nung minsang dumalaw siya sa bahay nung chikababes, ipinakilala siya sa tatay. Syempre magulang ng babae, at dahil siguro walang tiwala sa pinsan ko dahil mukhang tambay lang sa kanto, eh ininterview siya ng tatay.

Kung taga saan sila, yung mga magulang niya ano ang trabaho….mga ganung bagay. Nung sinabi nya na ang apelyido namin, nagulat ngayon yung tatay. Tinanong ngayon siya kung yung erpats nya taga Sta Ana din dati sa Lamayan…..”opo” sagot ng pinsan ko.

“Eh hijo, hindi tayo talo….mag pinsan kayo ni <toot-toot>” magkamag-anak pala kami. (hirap pag hindi mo kilala mga kamag-anak)

Nyek biglang gmuho ng mundo ng pinsan ko….. minsan lang siya makakakita ng babaeng talagang iibigin eh ganun pa nangyari. Ayun, nagsama na lang sila ni San Miguel.

Pero hindi naman incest ito, muntikanan na.

Naikwento ko itong tungkol sa incest dahil, itong anak nung bossing naming Arabo ikakasal na. Yung dalawang anak nyang lalaki. Medyo nalilito nga ako eh. Tignan nyo ha….

Yung isang anak nyang lalaki ikakasal dun sa anak nyang babae…lumalabas, magkapatid yung dalawa.

Yung isa namang anak niyang lalaki ikakasal dun sa kapatid niya, so bale, mag tiyahin yung ikakasal.

Nakngpating….ang gulo !!!!

Pero pwede pala yun sa relehiyon nila. Ngayon ko lang nalaman. Pero may kasabihan tayo na pag ganito magiging abnormal ang mga anak di ba? Parang nagkakarun yata ng problema sa genes. Ah ewan ko, masyado ng malalim yun. (Sabagay mag abnormal naman itong mga Arabo talaga….)

Eto ngayon ang gumugulo sa isip ko…..

Kung sakaling magkaanak sila….ano ngayon ang magiging tawagan nung mga anak nila…? Eto pa ang isa, yung dalawang lalaki magkapatid, yung isa pakakasal sa tiyahin nya, anu ngayon ang magiging tawagan nung magkapatid, magtyuhin na sila? <Toink>

Ang sakit sa ulo…..!!!!!


Responses

  1. in fairness… kasakit ng ulo ah!

  2. honga….natuyo utak ko kakaisp…LOLs

    Thanks sa pag daan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: