Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 20, 2008

Ang Abu Badaf

Hay naku, umeksena na naman ito Grupong Abu Badaf, mabuti naman at hindi napahamak ang mga kinidnap nila. Kumita na naman sila ng miliyones dahil sa pag gamit sa buhay ng kapwa tao. Ang masaklap pa, utak pa yung Mayor sa raket na to !!! Mga Pakshet kayo !!!!

Pero alam nyo, bawal na bawal sa relehiyon nila yan. Tingnan nyo ka-ipokrituhan ng mga taong ito. Ilang beses sila nagdadasal sa isang araw ? Pero ganito ang pinaggagawa nila, kung ako lang si Allah baka pinalubog ko na sa ilalim ng lupa ang mga hinayupak na yan eh. (no offense sa mga kapatid na Muslims, just a figure of speach).

Naitanong ko nga sa kasamahan naming si Abdul Jakul Salsalani ang tungkol dito eh. Sabi niya itong mga tao raw na ito eh mga lunatic, pati mga bata ginagamit nila sa masamang gawain nila.  Nangingidnap sila para mag karoon ng pera, mga tamad, mga walang kwenta, hindi na lang sila maghanap buhay ng marangal.

Pero alam nyo mga suki, totoo yung sinasabi ni Ces Drillon na mga batang sundalo. Naikwento sa akin ito dati nung kaibigan kong Army Ranger. Si Ric, bunsong kapatid ni Sandy Andolong. Kalaro-laro ko sa darts noong araw.

Minsang nadestino siya sa Mindanao, bigla silang inambush, siyempre kanya-kanyang hanap ng tataguan. Saka yung sa mga pelikula na barilan na humaharap pa yung sundalo, o kaya tatayo pa, hindi raw ganun pag sa totoong gun fight na. Ang mga sundalo nakayuko, nagtatago, tapos itataas ang hawak na Armalite saka babaril, bahala na kung sino ang tamaan. Ang galing, panay mga porma lang pala.

Tapos nung nakita nya yung isang tauhan nya, nag freeze, dahil yung nakaharap sa kanila bata, sa tantya niya nasa 10 yrs old lang. Ang ginawa niya binaril nya na rin. Kasi kung hindi, sila ang babarilin. Nakaka-kunsenya raw sabi niya pero yun daw ang trabaho nila. Kailangan malakas ang apog ikaw nga.

May isa pang nangyari, katatapos lang ng isang encounter. So syempre, titingnan baka may buhay pa, nakita niya isang babae, Amasona, nung itihaya niya may dalang baby. Biruin nyo yon, ano kayang nasa utak ng mga taong ito, pati sanggol ipapahamak. Ang ginawa niya, inuwi nya sa kampo yung baby, tapos ni-request nya sa opisyal nila na aapunin nya yung bata.

Malaki na siguro ngayon yun.

Ang pinagtataka ko lang ha, mga prens, bakit hindi masugpo-sugpo ng gobyerno itong grupo na ito. Kung tutuusin ilang libo lang naman ang mga miyembro ng mga demonyo na yan. Palagay ko,sa aking haka-haka lang ha, kulang sa intelligence ang Army eh.

(Ah’Kong : ano iyo ibig sabihin, kulang sa talino ang Army ?)

Ay, Ah’Kong sigurado yon….ahehe, hindiii, ang ibig kong sabihin kulang sa information, kung baga, ahhh…basta yon na yon.

Kung ako lang ang pangulo ng bansa natin….

(Ah’Kong : Malamang mas corrupt ka…!!!! Nya…hihihi…)

Malamang…. hindi…..kung ako ang presidente ng bansa natin, I will order an all out war against this piece of shits !!! (oist, inglis yon…). Pero oo, talagang giyerahin na yan mga yan. Ubos kung ubos….kaso hindi ako ang presidente eh…(buti na lang.)

Sana naman maliwanagan ang mga nilalang na ito. Sana itigil na nila yang ganyan, maraming buhay ang nasasayang dahil sa pinaggagawa nila.

Sana…..sana…..

Sana tumama na ako sa lotto ng makauwi na…..

 


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: