Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 22, 2008

Mid-Life Crisis ?

Nasa punto na ba kayo ng buhay ninyo na parang akala nyo contented na kayo pero hindi pala ? May magandang trabaho, pero parang hindi ka na contented, wala ng challenge ?

Eto na kaya yung tinataw na Mid-life Crisis ? Siguro dahil feeling ko teenager pa rin ako eh. (in denial pa rin) Nung uwi ko noon, nakikipag agawan pa ako sa anak ko sa PS2…LOLs.

Anak : Si daddy naman eh….

Ako : Ako muna…ako ang matanda !!!! (Pinagalitan pa yung anak…LOLs)

Ganito ang senti ko ngayon. Hindi na ako contented sa trabaho, wala ng fulfillment. Nagiging routine na lang sa akin, day-in, day-out, ganun ng ganun ang ginagawa ko. In short nabo-bore na ako. Parang napipilitan na lang akong mag trabaho kasi kailangan, hindi sa dahil nage-enjoy ako.

Nawalan ako ng ganang magtrabaho dahil siguro hindi naibigay sa akin ng company ang increase na dapat sana. Talagang nakaka-praning naman, isipin nyo na lang, naikwento ko na rin minsan na nag hire sila ng bago, Yemeni, mas mataas pa ang sahod sa akin, eh mas senior ako. Itong Yemeni naman na ito, wala namang ginagawa, parating papogi lang ang puta !!!

Ang isa pa ang lakas ng politika dito sa opisina, ang hirap, lagi na lag nao-over looked ang mga katulad ko. Parating mga Musri at Yemeni lang ang may magandang oportunity. Pero hindi naman sila makakilos ng wala ako, mga bwisit.

Another reason, gusto kong ako na lang ang bossing, magtatayo na lang ako ng sarili kong negosyo dyan sa atin. Kahit maliit na negosyo lang pwede na yon, medyo matagal ko na ring pinag-aaralan ito, may feasibility study na rin ako. Bakit hindi ? Makaktuong pa ako sa iba na nangangailangan ng trabaho.

Ayoko na ring bumalik dito sa Saudi. Ilang taon na rin akong nagta-trabaho dito pero ganun pa rin, wala pa ring nangyayari. Kahit sabihing may naipundar na rin ako pero hindi pa rin dun natatapos kung ano yung gusto ko. Ayaw ko na ring iwan ang pamilya ko, lalo na yung mga anak ko. Lumalaki na sila pero wala ako. Alam nyo yan ang hirap sa tulad naming OFW, iiwan namin yung mga anak namin para lang kumita ng Dollars, ang masaklap pag uwi hindi mo kilala yung mga anak mo, vice versa, hindi ka rin kilala ng mga anak mo.

Lagi nga sinasabi ng misis ko yung pasalubong nya raw….

Misis : Luv, yung uwi ko ha….?

Ako : Ano ba ang gusto mo…?

Misis : Kahit ano.

Ako : O sige, ako na ang bahala, pero ito ang sigurado……..hindi ko kakalimutan yung importante.

Misis : Ano ba yun….anong importante ?

(Kayo na ang humula kung ano yung importante, na hindi ko pwedeng iwan dito…..)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: