Ipinaskil ni: ahkong | Hunyo 29, 2008

Pipols Champ….(with Cheese nga)

Pag naririnig ko yung People’s Champ, lagi kong naalala yung Junior Champ with Cheese Meal ng Jodibee…este…Jollibee, kasi yun palagi kong ino-order pag kasama ko mga kids sa Jollibee, kung hindi man, Beef-Wanton sa Chowking with matching large na Siopao at isang set ng Siomai luv to u….busog !!! LOLs. Na-miss ko tuloy mag Jodibee at mag Chow-chow.

Ispiking of Pipols Tsamp…..nanalo na naman si Manny P. (hindi ko na babanggitin yung apelyido nya….iba yung naiisip ko eh.) Kongrats sa iyo idol….at syempre, nakaktuwa, dahil nakapag bigay na naman siya ng isang karangalan sa Pinoy. At siya ang kaunaunahang Asiyano na nakakopo ng apat na taytol. Ang gagaling talaga nating mga pinoy lalo na sa basagan ng muka….hindi nga…sa totoo lang, sa sports na boksing lang sumikat ang mga atleta natin….majority ika nga. Ilang mga pinoy na rin ang sumikat sa larangan ng boksing, marami na rin…..at marami na rin sa kanila ang nawala na at naghirap dahil na rin sa sarili nilang kapabayaan. Sana wag mangyari kay Manny iyong nangyari sa ibang boksingero na naging babaero na naging lasenggo na naging tsonggo….LOLs

Eto napansin ko lang ha, sa mga nakikita kong pikyur sa mga dyaryo, wala yata akong nakitang mga pulitiko na umakyat sa ring, hindi katulad nung laban nya kay Joey Marquez ba yon ?

(Ah’Kong : Ikaw tungak…hindi kay Joey Marquez, artistang kalbo yon…)

Ano nga bang pangalan nung huling nakalaban niya ?

(Ah’Kong : Melanie Marquez yon….)

Tangek naman si Ah’Kong…hindi si Melanie yon….

Langya na Memory Gap ako ah, Low Batt na yata utak ko, anywey basta si Marquez, alam nyo na kung sino yon. Pero sa totoo lang wala akong nakitang pulitiko na umakyat sa ring at nagtaas ng kamay niya…….. mga natakot siguro magpakita o mag pa piktyur dahil tiyak katakot takot na mura ang aabutin nila sa bansang pinoy.

Tuwang tuwa na naman si Jenke nyan…. madadag-dagan na naman ang alam nyo na, at dahil sa haba ng treyning…malamang magsasagupa na naman silang dalawa….(READY…ROUND 2…FIGHT !!!!….har…har…har….).

Kung ako si Manny….tutal marami na rin naman akong datung…..itong panalo ko na ito ibibigay ko sa mga nasalanta ng bagyo sa Iloilo. Hindi nga pramis….kung ako lang si Manny P. pero sa kasawiang palad hindi….

Kasi naniniwala akong pag ikaw ay tumulong sa ibang tao na nangangailangan at walang hinihinging kapalit…. doble o triple o higit pa dun ang balik sa iyo. Karma ika nga…naniniwala ako sa Karma.

At sana itong mga hinayupak na mga pulitiko natin na walang ginagawa kundi maggala sa ibang bansa kasama yung bansot, mambabae, magpayaman sa sariling interes, gumawa ng kurakot sa bayan imbes na magpaunlad sa mga tao……lalong lalo na kay ahhh ewan iyo…..

MA-KARMA SANA KAYO SA PINAGGAGAWA NIYO SA AMING MGA PILIPINO…MGA Pu$!^&*~nA KAYO  !!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: