Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 3, 2008

Frustrated Artist

Hindi ko na matandaan kung kailan ako unang humawak ng lapis at nagsimula mag drawing. Meron akong in born talent na mag drawing kahit anong nakikita ko. Lalo na pag sa comicbooks. Basta nag eenjoy ako sa pagdrawing ng cartoon characters. Kaya siguro frustrated ako to be a comicbook artist.

Ang naiisip ko lang na dahilan kaya ako naging mahilig magdrawing kasi, wala akong kapatid, solong anak ako, (heredero….ng mga utang…LOLs), kaya ang pagdro-drawing ang naging kasa-kasama ko sa araw araw. Lalo na pag iniiwan ako ng magulang ko dahil kailangan nilang magtrabaho, kaya ito yung naging libangan ko.

Natatandaan ko nung maliit pa ako, lagi akong sinasama ng nanay ko sa opisina nila sa may bantang luneta…. basta pag dating namin dun, bibigyan ako ng nanay ko ng lapis saka papel, habang naghihintay ako sa kanya, ako naman kuntodo drawing, may sound effects pang kasama yon…LOLs. Pati nung nagsimula na ako sa elementarya at highschool ako ang taga drawing sa board, lagi ako ang tinatawag ng mga teachers, lalo na yung sa biology.

Pag sa art classes na sa elementary, enjoy na enjoy ako sa pag gawa ng mga projects, lumalabas yung pagka autistic ko…. este artistic ko. Nung nauso yung mga Voltes V, Mazinger Z, Daimos… hala yun naman ang mga pinag-guguhit ko. Lalo na yung Voltes V, habang nagdo-drawing ako, may kasama pang kanta… yung opening theme song ng Voltes V….LOLs.

Ewan ko pero basta nasimulan kong kopyahin, hindi na nawawala sa isip ko yung ginawa ko. Lahat ng detalye kung paano ko sya unang ginawa, ganun pa rin ang susunod. Nung malapit na akong mag college sabi ko sa tatay ko gusto kong kumuha ng Fine Arts, logically yon ang pipiliin ko kasi, hilig ko talaga, kaso kontrapelo ang tatay ko, sabi niya walang pera sa Fine Arts, taka nga ako dahil sa kanya ako nagmana ng pagdro-drawing, architecture naman siya… lahat silang magkakapatid mahuhusay din ang kamay.

Ang ginawa ko nag self study na lang ako para lalong madevelope yung aking God given talent. Gustong gusto ko ang Water Color na medium, pero sabi nung nakasabay kong Fine Arts Grad, minsan na mag apply ako sa komiks dyan sa atin, nakita nya kasi yung dala kong sample, water color ang ginamit ko…. sabi niya isa raw sa pinakamahirap na medium ang water color… ewan ko lang ha, pero madali para sa akin.

Anyway, nauso ngayon ang Graphic Novels na comics, nung mag simula akong magtrabaho, lagi akong bumubili ng DC or Marvels Comics, (Graphic Novels), kahit mahal binibili ko kasi gusto kong makita ng technique ng ibat-ibang artist. Kaso sa kasawiang palad, nung nag asawa na ako, tinapon lahat ng misis ko yung mga collection ko…. syempre away. Pero ok na yon, matagal na yon eh.

Sa lahat ng Artist na nakita ko ang talagang humanga ako kay Alex Ross…

Eto sample work ni Alex Ross :

 

Gusto kong matutunan yung style nya na very life-like ang mga characters.

Hindi natin masabi baka ako na ang susunod na Carlo J. Caparas… minus da begote saka cap… tapos gagawa ako ng version ko ng Darna.

Narda : “Ding ang Bato … !!!! “

Ding : “Sandali ate…hinihitit ko pa…!!!”


Responses

  1. isa sa mga paboritong artist ko yan si alex ross. subukan mong basahin ang kingdom come ang husaaaaaaaaaaay!

  2. wala pa akong makitang copya ng Kingdom Come, naghahanap ako (yung libre….LOLs).
    Hayaan mo gagawan natin si Bacheengo ng adbentyur kasama si Ah’Kong…..

  3. pwede mo bang isama si baboyman?

  4. pwede naman….tingnan mo muna kung ok na sa iyo yon. tapos finalize ko na ang design nya.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: