Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 5, 2008

Asar Talo

Asar talo na naman ako sa opisina kanina. Mga pakshet ‘tong mga nakakahalubilo ko dito.

Kanina, may sinend akong import documents sa Customs Agent namin via facsimele machine. Apat na pages yon, yung isang page medyo maitim na malabo,so ang tendency pag fax machine, mabagal ang sending or receiving mo dahil maitim yung page.

Heto na, biglang tumawag yung nasa Customs Agent at pa sarkastiko akong tinanong kung bakit daw inaabot ng 15 minutes yung pinadala ko. Yung bossy ang dating, nabigla ako. Sa asar ko, dahil Stupid Questions deserve a Stupid Answer, eto ang sinagot ko sa kanya.

“Ahh….Hold the line, I will ask the fax machine why it is taking too long to send….”

Pinaghold ko talaga sya ng mga 5 minutes…. tinapos ko muna yung ginagawa ko saka ko binalikan yung nasa kabilang linya…

Me : “Hello…you still there ?”

Customs Agent (CA) : “Yes…”

Me : “Sorry my friend I’m asking the fax machine but it is not answering….better call the fax machine and ask it why, ok?”

CA : ” OK..”

Tingnan nyo katang ng mga tao dito….LOLs. Ewan ko ba, parati akong nakaka encounter ng mga taong ganun. They are asking stupid things, na hindi naman problema pero pinipilit nila gawing problema.

Meron pang madalas may me-encounter ka dito, madalas ang tanong nila “Why ?”, they expect na lahat yata ng tanong nila may sagot ka. Yung mga kasamahan ko pag “Salah”, sa labas sila nagpupunta para magdasal…eto na biglang may tatawag sa telepono, hahanapin si ganito….”Ahh sorry they went outside for prayer…”

Babanat ng tanong : “Prayer is finish already…why are they taking too long to come back  ?”

Me : ” We will ask them when they come back ok? ”

Madapakinshet naman !!!! Paano ko kaya malalaman kung bakit wala pa yung mga nagdasal….hindi naman ako kasama ng mga iyon.

Isa pang kinaasar ko pag may hinihingi sila…. “I wany this or I want that…”, wala man lang “Please can you get….or please can you bring me….” mga ganun ba, eh hinde eh….

Tanginang yan, ano ako, tsimoy. Kanina rin lang, busy ako sa trabaho ko, eto lumapit yung isang kasamahan ko:

BossDaw1 : “You have file ?”

Me : “What file ?”

BossDaw1 : “New File…I want New File.”

Me : “There inside the kitchen there are box files there…”

BossDaw1 : “I want New File…”

Me : (putang inang ‘to ah….sasapakin ko na ‘to….) “ok i’ll get it for you (you mother fucker !!!)

Yung box file kasi i-assemble pa kaya tinatamad kumuha ang putang inang Musri na ‘to.

Pero dahil likas tayong mapagbigay, ginagawa natin ang mga gusto nila kahit na feeling exploited na tayo. Feeling ko nga slave ako dito eh. Nasa nature na yata nitong mga Musri or Egyptians ang mag-utos, lahat yata ng nakita kong Egyptians dito sa Saudi, lahat sila Manager.

Sabi nga ng tatay ko : “Pag na-asar ka….Talo ka !”


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: