Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 9, 2008

HULK SMASHHH !!!!

Kagabi ko lang napanood yung bagong Hulk. Oo ganito  kami ka update dito sa disyerto. Kahit pirated DVD lang ang kopya eh, ok na rin, kesa naman hintayin ko pa ang orig DVD tapos napaka mahal naman ng presyo, nasa SR. 65 to 70 ang isang original DVD. Ang pirated nasa SR. 15 (dalawang movies pa ang pwede mong piliin).

Hindi ako fanatic ng Hulk comics pero masasabi ko na isa sa da bes itong movie na ito. Malaki ang iginanda nito kesa dun sa unang Hulk movie, (yung kay director Ang Lee). Magaling ang mga artista na gumanap sa mga iconic characters, gaya ni Bruce Banner and alter ego ng Hulk.

Alam nyo ba, nabasa ko lang ito ha, na ang original na kulay ng Hulk ay grey ? Hindi talaga siya green. Nung unang publish ng comics ng hulk, The Incredible Hulk #1 (1962), nagkarun ng problema yung inker sa color, nung naiprint na yung comics ang lumabas na kulay medyo grey na green. So ang ginawa ni Stan Lee, ang creator ng Hulk and other Marvel characters, mas pinili nya yung green color para hindi magkarun ng issue sa ethnicity, (tama ba yun Ah’Kong ?)

 

(Ah’Kong : Ewan iyo….hindi pa ako panganak nyan taon na yan, akyen abot Darna na ni Angel Locsin…)

Huh ? Suplado…..

Anyway, dun na nagsimula sa issue #2, na color green na si Hulk.

Dito ko sa latest Hulk movie nakuha yung matagal ng bumabagabag sa akin. Paano nagkakasya at bakit hindi nasisira yung pantalon ni Bruce Banner pag naging Hulk na siya ? Kaya pala, ang binibili niyang mga pantalon eh panay maluluwag, para kahit maging Hulk siya, suot pa rin siya.

Sabagay masagwa tingnan kung nakahubad si Hulk, ang pangit siguro tingnan na habang tumatakbo siya, o kaya habang natatatalon sa mga building eh nakalawit yung berde niya maskels….LOLs. Ok sana kung si She-Hulk ang wala damit, pwede na…LOLs

(Ah’Kong : Ikaw sobra manyak…!!!)

Aba nagsalita ang hindi…..

Meron isang scene dun sa movie na muntikan na mag lovemaking si Bruce at Betty, pero pinigilan lang ni Bruce ang sarili at hindi daw siya pwedeng ma-excite. (Ang korni naman….bitin si Betty.)

Eh paano nga kaya kung natuloy, siyempre, hindi na kayang pigilan ni betty si Bruce dahil naging Hulk na siya, malamang mamatay sa sarap si Betty dahil sa laki ni Hulk. Pwede rin na magkalasug-lasog si betty sa sobrang lakas bumayo ni Hulk…..LOLs.

All in all, masasabi ko nag enjoy ako sa panonood ng movie na ito. Satisfied ako sa movie dahil maganda ang story at maganda ang actions.

Pero meron pa ring bumabagabag sa isip ko eh…. isipin nyo ha….

. X-Men 1/2/3

. Spiderman 1/2/3

. Blade 1/2/3

. Hulk (Ang Lee version)

. The Incredible Hulk (bagong version)

. Ironman

. Daredevil

. Elektra

Hindi ko alam kung may nakalimutan pa ako……basta lahat ng yan Marvel ang may gawa. Ang gumugulo sa isip ko eh ito…..

Bakit lahat ng nasa taas na movies…ang final scenes, yung time na magtutuos na ang mga bida at kontra-bida, eh laging gabi ang setting ?

Bakit hindi nila gawing yung may araw pa ?

(Ah’Kong : Ano iyo paki……yon gusto ng direktor !!!!)

Aba….supladita ka nagyon ha ? Pagpasensyahan nyo na si Ah’Kong ngayon, baka masama lang ang gising o baka may dalaw siya ngayon….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: