Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 10, 2008

Lumagay sa Akala Tahimik

Nalala ko lang bigla yung huling araw ko bilang most eligible bachelor. Matagal pa namana ng anniversary namin, wala lang naisip ko lang kasi memorable sa amin ng misis ko yon.

January 1994

Biglaan ang naging desisiyon namin na lumagay sa akala namin tahimik…este…lumagay sa tahimik. Sinamahan namin yung ate niya at barakada ko, sa Munisipyo ng Parañaque, para sa Civil Wedding nila. So nandun na kami, biglang sabi ko kumuha na rin kami tutal, nandun na….

Kaya hayun, nakasal kaming apat. Naalala ko pa nung araw na yon…may mga kasabay din kaming ibang couple….yung isang nasa kanan namin, nakita ko nakasimangot yung babae….LOLs. Talagang, ang sama ng mukha, hindi maipinta. Yung itsura ba na galit na gustong maiyak. Siguro napilitan lang na makasal dun sa lalaki.

Pagkatapos ng araw na yon, offcially kasal na kami. Hindi na naman namin kasi kailangan ng consent dahil nasa tamang edad na kami nun. Eto ang mabigat. Gusto pa ng misis ko na makasal kami sa simbahan…… sa susunod na linggo…..toink! Alangya wala pa naman akong ipon nun. Pero may konti pera pa rin ako.

Sige…go ! Plinano namin ang kasal sa darating na Friday. Sarado ang simbahan, kamag-anak lang namin at mga close na kaibigan ang bisita. Solemn ika nga. Nung gabing bago kami ikasal, naiikot pa ako sa Baclaran para sa isusuot kong Barong….alangya, alas dyes na ng gabi, eh galing ako sa trabaho nun, buti na lang may nakita akong bukas pang tindahan. Ang nabili kong barong worth 500 petot lang, yung bang gawa sa hibla ng saging, maganda sya. Isang suotan lang naman eh, pwede na.

Nung araw ng kasal wala lang parang ordinaryong araw lang sa akin. Same routine sa bahay. Pagdating dun sa simbahan, ang alam ko yung hindi na maglalakad pa sa isle, pero sabi nung coordinator ng simbahan kailangan, so, sige…. in short, natapos ang kasal namin na maayos, wala namang ibang bebot na nagpatigil ng kasal…LOLs. Pero sabi nung mga kamag-anak namin, napaganda raw nung kasal namin kasi kami lang ang ikinasal na solemn, walang masyadong tao mga kamag-anak at kaibigan lang kasi.

Ang lumalabas, dalawa ang anniversary namin ng kasal, yung isa sa munisipyo at yung isa, sa simbahan. Kaya hindi ako pwedeng magluko-luko o kaya pumorma sa ibang bebot dahil dalawa yung hawak na proof ng misis ko na kasal kami….LOLs.

Yung para sa reception, sa bahay na lang ginawa para hindi na magastos masyado. Nagpa-cater na lang ako dun sa kapit bahay namin na chef sa hotel. Siya ang nagluto lahat ng handa para sa 100 persons na bisita. Tapos yung barakada ko may dala pang ilang kilong lobster galing Isabela.

Hindi ko nga alam kung san nanggagaling yung mga beer na iniinom namin eh, basta na lang may dumarating. Blessing siguro….sabi siguro, sige magpakasaya ka na at nalalapit na ang pagdurusa mo….LOLs. Maniniwala ba kayo, ang ginastos ko lang lahat lahat ay 12 thousand petotet lang. Kasama na yung binayad namin sa simbahan ? Hindi na namin plinano na magengrande pang kasal kasi sayang lang ang pera. Mahirap na yung pagkatapos ng kasal pareho kaming tulala dahil wala na pala kaming datung.

Ilang taon na rin kaming kasal, 15 Years na. Syempre hindi mawawala yung tampuhan. Pero hindi kami yung ibang magasawa na nagsisigawan, hindi. Pag kami may konting samaan ng loob, pareho kaming tahimik. Minsan ako hindi ako kumikibo, dedma lang….patagalan kung sino ang unang susuko…LOLs. Kadalasan ako….LOLs.

Naka one year din kami bago lumabas ang aking unica hija. Paano naman kami magkaka-anak agad eh ang laman ng katawan ko panay alak. Sobra sa alkohol…LOLs. Kaya ang ginawa namin, nagpatingin kami sa doktor. LOLs….nakakatawa nga nun….

Nasa clinic na kami, may inabot sa akin yung doktor na maliit na bote. Tinanong ko kung para saan. Lagyan ko raw ng sprem, para makuhanan ako ng sprem count. Napatingin ako sa misis ko….sabi nung nurse na babae, “Misis tulungan nyo si mister.” Sabi ko ako na lang….punta ako ng C.R. Langya kahit ala ako sa mood, pinag-dyakol ako !!! Eh nahihirapan akong ma-arouse, dumungaw ako sa labas at naispatan ko yung nurse sabay biro ng…..”Miss tulungan mo nga ako, hirap eh…” ngumiti sa akin, sabay bulong na…”sayang nandyan ang misis mo, kung wala sana.” Alangya, ako ang nabigla imbis na sya…LOLs. Nailagay ko naman yung sprem sa bote kahit hirap magkonsitreyt, pinagpawisan talaga ako, tapos medyo nanlalambot yung tuhod ko…

May ibinigay sa akin yung doltor na gamot, yung isa Rogin-E at yung isa hindi ko na maalala ang pangalan, pero maliit pa sa butil ng munggo, pam palakas ng sperm saka pampadami. Ang ibinigay sa akin for 2 weeks tapos balik ako dun para ma check ulit.

Angpotek, wala pang dalawang lingo nung take ko nung gamot, nabuo agad. Paano naman, ikaw ba naman ang parang nakainom ng tantaritas, at parating nakatayo si chairman. Maya’t-maya ang pagtatampisaw namin sa ligaya….LOLs. Pero amin na lang ang detalye…LOLs.

Masarap na mahirap ang may asawa. Sa unang mga ilang araw, buwan, para lang kayong nagbabahay-bahayan. Pero pag lumabas na ang mga tsikiting gubat, iba na ang tatakbuhin ng buhay. Lalo na sa mga lalaki. Magkakarun na ng limitasyon sa married life. Hindi na pwede yung gud time sa gabi, yung mga barkada mababawasan na yan.

Mas masarap pag kinakarga mo na ang junior mo o kaya ang unica hija mo….ang sarap ng pakiramdam.


Responses

  1. uy galing naman ng kasal nyo, tsaka believe ako sa galing mo sa pagbudget. saludo ako, talagang good idea at practical yan.

    oo nga talagang ganyan buhay, pag may asawa na eh syempre may responsibilidad na yan.

  2. TY…nagkataon lang…wala talaga akong datung…napasubo na eh…LOLs (charing)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: