Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 14, 2008

Iskolar Sistem

Nung Friday, July 11, 2008, eh birthday ng aking pinaka-mamahal na Papa.

(Ah’Kong : ‘Tay…Hapi Beerday….!!!!)

Ikaw talaga parating beer yang nasa kokote mo….

Anyway, tumawag ako para batiin ko siya. Ilang taon na nga ba ang tatay ko……. ? (kwenta…kwenta….) ayun, 77 years old na siya, pero malakas pa rin naman….. malakas pa ring lulmaklak ng beer.

Pero ok lang yon sa akin, hindi ko naman mapagsabihan, dahil erpats ko yon. Hindi naman sya araw-araw tumotoma, every weekend lang. Lately, binabawasan nya na ang dosage niya dahil syempre, matanda na rin siya.

(Ah’Kong : ‘Tay, pag kami uwi, tayo punta Airpors Wan, dun dami bebots…Ahihihi)

Alangya ka Ah’Kong, baka mamaya nga sumama yan, tayo ang mawalan ng chikababes……LOLs

Happy Birthday Dad !!!

Hindi tungkol sa b-day ng tatay ko ang post ko, nai-hwento ko lang dahil nga tumawag ako, at ng magkausap kami ng aking binibiyak, kabiyak, may biglang ibinalita siya sa kain tungkol sa anak kong babae.

Ang banat pa sa akin eh ganito…..

Wifey : “uy….alam mo ba tungkol sa anak mo ?”

Me : “Sino ?”

Wifey : “Sino pa yang anak mong babae…?”

Me : (Medyo napakunot ang noo ko at biglang kinabahan…) “Bakit, ano ang nangyari….?”

Wifey : “Pinatawag ako sa school….”

Me : “Tapos…ano?  Bakit….? (Medyo bumibilis na yung tibok ng puso ko)

Wifey : “Kinausap ako ng principal ng school…. binigyan ng scholarship ang anak mo……from 1st year hanggang 4th year…basta ma maintain nya lang ang grades niya….”

Me : (hindi ko na narinig yung iba pang sinabi ng misis ko dahil nakahinga na ako ng maluwag tapos ang ngiti ko hanggang tenga….LOLs).

Ayun naman pala, binigyan ng scholarship ang baby girl ko, (oo baby ko pa rin sya kahit na magka-asawa pa sya, ganun yata talaga pag babae, tapos panganay pa), malaking matitipid naming magasawa, sabi ng wifey ko, pinapirma siya ng contract na from 1st year to 4th year ang scholarship, tapos ang babayaran lang namin ay 3 thousand lang every year. Aba malaking tulong na rin yon, lalo na ngayon na ang hirap ng buhay natin.

Buti na lang pala, napapayag ako ng anak ko na ibalik siya dun sa dati niyang school. Kung hindi sising kulangot ako, dahil hindi siya mabibigyan ng scholarship.

Nung simula kasi ng pasukan, dahil nga sa hirap ng buhay ngayon, sabi ko dun na lang siya sa national high school ng Bayambang. Pumasok naman daw siya nung first day high. Kaso umuwi daw at umiiyak, gusto niyang bumalik dun sa dating school niya dahil napakarami daw estudyante blues, mahigit 80 sila sa klase at dahil sa dami, nahihirapan siyang maintindihan yung teacher nila.

Mabuti na lang at nabigyan siya ng scholarship, sabagay nung graduation nila nung elementary Salutatorian siya, hindi nya lang naabutan yung Valedictorian ng ilang points, pero ok na yon. Ako nga kahit anong “eck-eck-torian” wala eh.

Elementary pa lang kick-out na ako, grade 1 repeater kaagad, anak ng kagaw na yan…. biruin nyo, araw ng exam, periodical test, nagdo-drawing pa ako ng kung anu-ano…..ayun “repeat !!!” sabi ng teacher…LOLs.

Nakaabot naman ako ng hanggang grade 4 bago ako nakickout sa St. Andrew’s School…. naalala ko pa yung kaklase kong bading… grade 4 pa lang yon ha…nagladlad na ang hitad…LOLs.

Nung nalipat lang ako sa St Cyr Academy sa may Sucat gumanda ang grades ko. Paano naman napaka taas ng standards ng St. Andrew’s parang La Salle patern yata sila.

Masaya ako sa mga anak ko, lahat sila matatalino. Buti na lang hindi nagmana sa akin. Hanggang ngayon feel ko pa rin yung euphoria, parang naka drugs ang pakiramdam ko ang gaan ng feeling….LOls

Sa isang salita, sulit lahat yung pinaghihirapan ko dito sa ibang bansa. (Hindi yata isang salita yon ah…) Nakakawala tuloy ng pagod basta tungkol sa mga anak ang mababalitaan natin, lalo na pag maganda ang achievements nila. Nagiging proud tayo bilang mga magulang.


Responses

  1. Congrats sa baby mo ha. galing naman sige pagbutihan niya yan, malay mo umabot pa hanggang college scholarship, naku ngiti mo niyan eh aabot hanggang langit.

  2. TY, sana nga. Lagi ko nga pinaaalahanan, wag muna mag BF. Dami pa namang umaaligd na mga potakteng supot LOLs

    Pag umabot hanggang college ang scolarship nya, malamang, hindi na maaalis ang ngiti ko parang si Joker…LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: