Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 17, 2008

Gusto ko maging Doktor……joke lang !!!

Yan yung sabi ng bunso ko nung graduation nila sa prep last 2 years ago. Naalala ko ang kinuwento ng wife ko na lahat nung mga bata sasabihin yung kanilang name at kung ano ang gusto nila paglaki….

Sabi ng bunso ko : “My name is Boy Kulangot Jr…., when I grow up I want to be a doctor….” bow.

Ayus sabi ko pa, sa loob-loob ko, unang magiging doctor sa pamilya namin. Nagplano na rin akong igagapang ko ang pagaaral nilang lahat. Maganda ang gusto niya. Maging isang doktor.

Nung matapos na daw ang graduation tinanong ng wifey ko si bunso kung yun daw ba talaga ng gusto niya pag laki, ang banat ba naman eh ganito…

Boy Kulangot Jr : “Hindi mommy, joke lang yun….gusto ko talaga maging pulis…”

Mommy : “Pulis ? Sabi mo gusto mong maging doktor….bakit pulis naman ang gusto mo ?”

BK Jr : “Para marami akong kotong…!!!!”

Aray ko !!! …LOLs. Paktaylo kang bata ka…..ang liit pa luko-luko na.

Ewan ko kung saan nya nakuha yung ganun. Baka sa nakikita niya sa TV, kaya ang naging impresyon niya sa mga lespu eh mga nangongotong. LOLs

Meron pang ginawa ang bunso ko. Imbis na magalit yung mommy nya eh natatawa na lang sa kalokohan nya.

Inutusan daw niyang bumili ang bunso ng asukal, patis saka suka sa tindahan. Hintay daw siya ng hintay, ang tagal. Biglang may ibang bata naghatid nung mga iniutos niya kay bunso.

Nung umuwi raw yung bunso ko, tinanong niya kung bakit ibang bata yung pinagdala ng mga iniutos niya. Hindi ba raw siya nahihiya dun sa mga kalaro niya ?

Ang sagot daw eh ganito :

BK Jr : “Ok lang yun mommy…mga boys ko yan…!!!”

Nakngtipaklong….. may balak yatang magbuo ng sindikato pag laki ng nito…LOLs.

Ginagaya niya yung uncle niya, (Yung barkada ko na naging bilas ko rin), dahil mayrung farm yung uncle niya maraming bataan na pwedeng utusan. Ayun ginawang mga bataan yung mga kalaro niya…maabilidad LOLs

Ewan ko ba sa batang ito. Sa tatlong anak namin, itong si bunso ang pinaka makulit pero siya rin ang pinaka malambing, lalo na pag galit na ang mommy niya, papa-cute lang yon tapos saka maglalambing, wala na ang init ng ulo ng mommy niya. Nakakatuwa na nakakainis, pero peborit ng lolo nya yun, siguro dahil bunso, isa pa…. ito yung karbon copy ko.


Responses

  1. hello, nice to meet you . napadpad lang ako dito pinindot ko yung random blog –
    naku super tawa ako sa bunso mo, as in .. aliw siya, no wonder favorite siya ng lolo nya. pero naisip ko lang ha, bagay pa rin na maging pulis siya aba ngayon pa lang eh may mga boys na siya. pang tenyente, heneral, kapitan, sarge?

  2. TY sa pagdaan mo Pokwang, sana lagi kang mapadaan dito.

    Hay naku po, kahit anong kulit nyang si bunsoy, kahit naiinis ka na matatawa ka na lang sa kakengkoyan…LOLs

    I-add kita sa king blog roll ha ? para madali kong mapuntahan ang blog mo.

    TY ulit sa pagdaan mo.

  3. ay masaya yan sige exchange tayo ha🙂 aliw ari ako dito sa blog mo at tama ka mas madali ngang mapuntahan at minsan eh may mga naliligaw na readers din sa mga blogroll na yan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: