Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 24, 2008

Spanish Legacy

Eto eh aking sapantaha lang mga  pipol.

(Ah’Kong : pakshet… di maarok iyo tagalog, masyalo malalim….LOLs)

Umentra ka na naman eh, sige na at asikasuhin mo muna yung mga customer mo….

Mula pa nung panahon ni Mahoma kasama si Ah’Kong nandito na sa bansa natin ang kurapsyon. Opo mga kapanalig sa pananampalataya…

Itong korapsyon ay dala mismo ng mga sumakop sa ating mga Kastila. Hindi nyo ba napapansin lahat ng sinakop ng Spain, lahat naging corrupt na bansa, gaya ng Cuba, Peru, South America, at Mexico…

(Ah’Kong : Pampanga…?)

Buwist…pasok ka ng pasok eh….

Siguro iniisip nyo kung bakit tungkol sa korapsyon ang topic natin… hindi na naman iba ito dahil sa buong kasaysayan ng ating inang bayan eh, lahat na lang yata ng nakaupo sa trono eh panay corrupt.

Pero dito ako nagulat sa nabasa ko kanina sa newspaper, na talaga namang nakakagigil, kung pwede ko lang puntahan dun sa lugar nila ginawa ko na at pinagpapako sa krus itong mga ito.

Biruin nyo sa nabasa ko, nag donate si Pambansang Kamao ng Pilipinas para sa biktima ng kalamidad nung nakaraang bagyo. Tumataginting na 1.5 million petotet ang ibinigay niya.

(Ah’Kong : Ako kaya kelan bigyan ni pacman ng ganun…?)

Malamang sa hindi….

Ayun na nga, nag donate si Manny Pacman ng 1.5 million with specific instruction na ibili lahat ng goods para sa 10,000 katao. Ang ganda ng hangad ni manny pacman, a noble deed talaga.

Kaso nyo, nung dumating si Manny Pacman sa lugar upang ipamahagi yung goods eh para sa 500 katao lang ang nandun, tangina naman. Hindi na sila naawa dun sa mga biktima. Laking dismaya ni Manny Pacman dahil siguro pakiramdam niya tinotnak siya sa puwet. Nagoyo siya ng pinagbigyan nya ? Eto pa ang nakakagulat, hindi politiko ang may gawa…sino?

Eh sino pa kundi ang mga prayle….

(Ah’Kong : Saang kalye..?)

Hindi kalye…mga prayle…isang uri ng tawag sa mga pari nung panahon ng kastila, di ba panahon ninyo ni mahoma yon ?

(Ah’Kong : Pak u..!!!)

Kawawa na nga ang mga biktima, mismong mga prayle pa ang mangogoyo sa kanila. Siguro mabuti rin ang hangad ng mga prayle, itinabi nila yung ibang pera para sa susunod na calamity….kung kelan man yun hindi natin alam.

Eh mga hinayupak kayong mga ewan…. ngayon nga kailangan ng mga tao ang tulong na bigay ni Manny Pacman, kakatkungin nyo pa !!! Para raw pangpagawa ng mga bahay na nasira….. mga tungak ilang bahay ba mapapagawa ng 1 milyon piso, sa taas ng materyales ngayon, sabihin nating yung .5 mil eh para sa goods, yung 1 mil para sa mga bahay na nasira ?

Hindi siguro !!!! Baka naman 1 x 1 meter na bahay pwede….nakngteteng kayo. Pati ba naman yung para sa mga biktima kinotongan niyo pa, maawa naman kayo hoy !!!!

Kaya nasabi ko ang corruption ay Legacy ng mga Kastila, kahit sa nababasa nating Philippine History, corrupt na rin ang mga prayle nung panahon na iyon, kaya hindi rin malayo na mangyari ito sa kasalukuyan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: