Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 26, 2008

Piling Piling Pelikula

Ewan ko kung natatandaan pa ninyo o naabutan ninyo nung araw na pag dating ng 12nn sa Channel 9 eh may parating palabas na PPP (Piling Piling Pelikula). Oo inaamin ko na matanda na ako.

Ang palabas nila parati yung mga klasikong tagalog movies. Yung mga Black & White pa. Eto yung tinawag na panahon ng Golden Age of Philippine Cinema.

Natatandaan ko pa, grade 3 or grade 4 ako nun, basta pag dating nga oras na yun, takbo na ako sa bahay ng lola ko at nanonood kami parati nun, may kasam pang sitsirya, spoiled ako sa lola ko eh…LOLs.

Yung bang mga pelikula nina Dolphy & Panchito, yung pelikulang peborit ni Ah’Kong yung “Mr. Wong” ni Chiquito (kaya ganyan ang ayos ni Ah’Kong), yung mga pelikula ni FPJ (kasama yung Lo Waist Gang), Eddie Mesa (yung ginagaya ni Elvis – Balistad yata ?), Eddie Gutierrez, (na kamukhang kamuha ni Richard nung panahon na yon), na ang palaging kontrabida eh si Eddie Garcia………saka yung mga pelikula ni Pretty Boy…si…si….kalimutan ko na yung pangalan nito….(ampotek ganun na ba ako katanda ????), yung naging Congressman…?

Ah’Kong : Si Jose Marie Gonzales yon…siya tatay ni Kring-Kring, na may tililing na nagkadulingduling…ahihihihi

Galing talaga Ah’Kong…basta sa Trivia…(napaghahalata na gurang ka na…nya..ha..ha..ha…

Ah’Kong : Oke lang yon…basta we age grayspuli and wid wisdom… oh ha? ikaw talo dun !!!

No comment na ako….

Eniwei, mabalik tayo sa Pelikulang Pinoy….. lalo na pag action movies Pinoy Istayl…..

Heto ang ilang palatandaan ang pinapanood mo ay bakbakang noypi:
– umiikot ang istorya sa paghihiganti
-Ni- rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag anak nya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiya, tiyo , lolo, lola , ninong, ninang, apo, ninuno.)
– isa sa mga eksena eh babastusin ang bida o ang syota nya ng mga nag-iinumang istambay sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol)
– hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat nya
-pag narinig mo tumawa ang isang character ng “bwahahahaha” sigurado kontrabida yon.
-pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida kahit habang nanggagahasa- smoker at mabisyo lagi ang kontrabida

– mahilig sa leather jacket ang kontrabida

– ang stracture ng mga kalaban: ang boss at ang kanyang mga bata

– ang kuta ng mga kalaban eh sa bodega, malaking bahay at abandonadong gusali

– laging may eksena sa beerhouse

– may seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikuwento sa Sagad Tabloid

– pagkatapos ng mainit na bedscene, mahinhin na ulit ang leading lady

-marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalaki naman eh kayang -kaya nitong patumbahin.

– kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin, ikukulong lang at pahihirapan, dahil lagi itong gusto mahuli ng buhay ng big boss.

– pagdating sa big boss, papatayin din siya, pinatagal lang ng konti.

– mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril, mahabang pag-uusap, parang balagtasan at magsyotang nag-uusap sa phone.

– may malalakas na pagpapasabog kahit hindi naman kailangan

– mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala

– makakapulot ang bida ng baril na may bala kung kinakailangan.

– kayang kaya ng bida ang mga kalaban kahit dalawampu pa sila dahil hindi naman sila sumusugod ng sabay sabay… lagi paisa isa parang nagsasayaw.

-laging daplis ang tama ng bida bawal sa puso at ulo

– Sampu ang buhay ng bida

-Doble nito ang buhay ng leading lady

-Bago mamatay ang isa sa kanila.. makakapagsabi muna ng isang buong page ng Script…

– Sisigaw ng malakas ang naulila ng pangalan ng namatay

– laging may Spare na partner kaya hindi rin malulungkot ang naulila sa ending ng storya

– Dadating ang madaming pulis at huhulihin ang mga kontrabida.. OO alam nila kung sino ang kontrabida at wala silang pakialam sa bida kahit ito pa ang nagsimula ng gulo….

Ang pilipino nga naman… kahit paulit ulit ang sequence ng pelikula.. minamahal pa rin ng masa… syempre nga naman…. kung si pacquiao eh nakakagawa ng pelikula kahit di naman kagwapuhan.. ….yun pa kayang mga beteranong action star na kalaunan ay nagiging bahagi na ng masalimuot na buhay pulitika…. ganun talaga…. kaya ang buhay ng mga noypi eh parang pelikula…. punong puno ng aksiyon !
 
 
 
 

 


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: