Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 27, 2008

Crime Alley (Edited Version)

Nung araw balak kong kumuha ng criminology kasi gusto kong maging isang magiting na pulis pangkalawakan. Kaso naunsyami ang gusto ko at hindi ako pinayagan ng tatay ko. Mahirap daw maging pulis.

Nung nagka-asawa na ako, sabi ko sa misis ko papasok ako sa police acedamy, hindi rin nya ako pinayagan sa dahilang ang mga pulis daw eh matutulis sa chicks, in short maraming kulasisi ang isang pulis…(sayang…toink?!!)

Pero malamang kung naging pulis nga ako malamang wala na akong oras sa pamilya ko. Bakit kanyo ? Eh sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos eh may krimeng nagaganap sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Betchaybaygaliwow !!!

Tulad na lang nung nabasa ko kahapon sa isang newspaper, dahil sa isang holdaper na walang konsensya namatay yung dalaga. Sa nakalap na impormasyon ng mga pulis pangkalawakan eh, madaling araw, nag aabang ng masasakyam itong 23 anyos na dalaga at pauwi na galing trabaho. Nang biglang lumapit itong isang ulupong at hinoldap ang dalaga, pero hindi binigay ng biktima yung kanyang bag sa dahilang pinaghirapan nya yung 3,500 petotet sa araw na yun. Ang ginawa nung demonyong holdaper sinaksak yung dalaga. Ilang oras din dedo na yung biktima.

Nung last week din yata iyon, inutusan lang yung teenager na lalaki mag-abang ng taxi, binaril ng hindi kilalang salarin. Paktaylo yung bata…

Nakngtipaklong !!!! Ganito na ba kalala ang krimen sa Pinas ?!!! Ano ang ginagawa ng mga pulis pangkalawakan natin ?!!!

Ano kaya ang nagtutulak sa mga kriminal na ito gawin ang mga ganun, dahil kaya sa sobrang kahirapan ??? Pero hindi naman maidadahilan yan sa korte, pumatay ka dahil sa kahirapan, ang krimen ay isang krimen na dapat pagdusahan.

Kaya mga kapatid ingat po tayong lahat, lalo na kung magisa lang kayong aalis ng bahay tapos madaling araw pa ang uwi ninyo. Mas mabuting mag stay-in na lang kayo at kinabukasan na lang kayo umuwi para safe.

Sa mga kriminal diyan, mga pusher, rapist, sadist… mga corrupt na public officials…humanda kayo dahil malapit na ang paghuhukom. Nalalapit na ang inyong wakas…..mga phootah !!!!

Dadating na si  Boy Kulangot & Ah’Kong….

“Ah’Kong……..to the dark-cave !!!!”


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: