Ipinaskil ni: ahkong | Hulyo 30, 2008

Plaque of Appreciation

Matagal ko ng narinig itong kwentong ito, pero kahit gaano pa kaluma, ang sarap pa ring basahin dahil kahit sandali lang, nakakalimutan ko ang problema sa buhay.

Baguhin ko na lang ang mga karakter sa usapang ito, gawin nating bida sina Boy Kulangot at Ah’Kong.

———

Boy Kulangot : Ah’Kong balita ko naimbitahan kang umuwi sa Tsina.?

Ah’Kong : Oo akyen kapatid lapit na kasal…

BK : Nakakalungkot naman….wala na akong makakasama dito. Eniwey, dahil sa nalalapit mong pag yao eh….

Ah’Kong : Teka..teka, hindi pa ako patay….

BK : Bakit sino me sabi na mamamatay ka ?

Ah’Kong : Ikaw sabi ako yayao na…

BK : Ah’Kong ang salitang yayao eh “aalis…”

Ah’Kong : Ibig ikaw sabihin yayao at aalis…iisa, ikaw hindi ako loko ha ?

BK : Sa mga Batangeño ang salitang aalis ay yayao…..katulad ng “Inang ako’y yayao na “ (Inang : “Sige yumao ka na damuho ka…!!!!”) parang ganun…

Ah’Kong : ok…tapos ?

BK : Dahil sa iyong pag yao eh, bibigyan ka namin ng tatlong araw na lamayan…

Ah’Kong : Teka…bakit lamayan, sama sa tenga, ikaw gawin na lang “Stay-In” saka bakit tatlo araw…dapat dalawa lang ? Kakapagod yun…

BK : Lalong hindi ka mapapagod…

Ah’Kong : Bakit…?

BK : Nakahiga ka sa gitna eh….

Ah’Kong : Talagang ikaw patay ako eh….bakit naman higa tapos gitna pa ?

BK : Sa gitna ka nakahiga para madali kang makikita nung mga papasok na bisita…maigi na rin yung nakahiga ka para mas komportable ang pahinga mo….

Ah’Kong : O sige ako higa na gitna…

BK : Eto matindi…

Ah’Kong : Bakit ?

BK : Maglalagay tayo ng Mahjongan, Saklaan, Pusuyan…..

Ah’Kong : Teka bakit lagay tayo sugalan…?

BK : Fund rasing project…para may pocket money ka…

Ah’Kong : Fund raising ? Pocket Money ? uy ganda yan….sige ano pa ?

BK : Pagkatapos ng tatlong gabing lamayan, eh ihahatid ka na namin sa iyong huling hantungan….

Ah’Kong : Teka..teka…ako talaga isip parang ikaw gusto na ako patay eh…ano huli hantungan…?

BK : Sa airport…tapos ipapasok ka namin dun sa may korteng krus…

Ah’Kong : Ako talaga iyo loko..ano korte krus…?

BK : Yung eroplano…di ba korteng krus yon..?

Ah’Kong : Oo nga ano…

BK : Pero bago ka namin ihatid dun…bibigyan ka namin ng “Plaque of Appreciation”

Ah’Kong : Wow….talaga ? Ano lagay dun sa plak ?

BK : “In loving memory of Ah’Kong” …….tapos “Born…..

Ah’Kong : Bwiiiiseettt !!!! @#!$%%^^&&*$@! !!!!


Responses

  1. salamat sa pag-daan kabisyo! add kita sa blogroll ko! thank you again!

  2. dapat sinapak mona! haha! lakas manguto ahh! kala niya aahhh…😆

  3. siya hindi lang sapak inabot, na praying mantis style pa siya….ahihihihihi….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: