Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 3, 2008

PANIC BUTTON

Muntikanan na akong ma praning kanina dahil dito sa isang kasamahan kong Manager Daw No. 4. Eto kasing si Mgr Daw #4 pag na stress, super sa pagka-kulit. Maligalig pa sa bagong panganak…ampotek na yan.

Minsan papasok sa loob ng opisina ko, biglang hahalungkatin yung mga papeles na nasa ibabaw ng table ko. May hinahanap na documents na siya lang ang may alam. Nakngpating yan oo. Talagang makakalbo ako ng husto pag ganito ang kasama ko….LOLs. Ang masaklap pa iiwan lang na kalat-kala yung mga papers na nasa ibabaw ng lamesa ko. Hindi man lang ayusin ng hinayupak na lintek !!! Ako pa ang magaayos.

Eto kanina lang, nakaka-tuwa na nakaka-inis. May lalakarin syang documents para sa Chamber of Commerce yata. Biglang ikot ng ikot may hinahanap. Binulabog kaming lahat. Hinahanap yung cellphone nya, eh bagong bili, ikot-dito, ikot-dun…..pati kami tinulungan namin sa paghanap kasi panic mode na eh…

Maya-maya nakangiti na ang kumag, alam nyo kung nasaan yung cellphone nya…?

Hawak hawak nya, hindi nya napansin kasi hawak nya pareho yung envelope at yung cellphone nya sa iisang kamay….madapakinsyet !!!!

Muntik ko ng tadyakan sa inis eh, pero natawa na lang ako sa katangahan nya….. o meron pa bang ibang tawag dun…wala na akong maisip na ibang salita dun…..LOLs.

Hay naku ganito ang buhay ko dito sa Saudi, kung hindi ka makalbo dahil sa mga kasamahan mo….ewan ko na lang…16 months pa ang bubunuin ko, baka kalaunan kinakausap ko na ang sarili ko…..


Responses

  1. gudlak brad. ako 3 months na lang. hehehe (tulu laway)

  2. uy…buti ka pa 3 months na lang….(talagang tulo laway yan…LOLs)

    ako matagal-tagal pa ang pagtitiisan ko, bago ako makalaya dito sa selda 69…hwaaahhhhh !!!!

  3. bakit si “boy kulangot” parang seryoso? ang nakakatawa si “ah kong” anyway, nakakaaliw ang blag nyo! hindi ba tayo magkamaganak? bwhahahaha!

  4. teka parang kilala ko email add mo….LOLs

  5. nyek..ganun? kaya pala nagpakalbo tatay ko..bwahahahahha!

  6. hay naku wei, talagang ganito dito, kung hindi ka makalbo sa init ng klima, sigurado sa mga kasamahan mong ibang lahi….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: