Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 5, 2008

Family Tree

Mga ilang linggo na ang nakakaraan, na-tag ako nung tiyahin kong nasa US of A. Pinadalhan niya ako ng invite sa Family Tree (www.geni.com).

Nilagay ko na yung mga info naming pamilya para maka-connect na ako dun sa tree. Ampotek na yan, nung tingnan ko almost 168 na pala kami. Wala pa yung pamilya nung sa misis ko at sa mother side pa lang ito. Nagkalat na pala ang lahi namin, kung saan-saang lupalop ng mundo na pala nakarating ng aming dugong bughaw.

Pero nakaka-tuwa naman dahil yung mga pinsan ko na ilang taon ko ng hindi nakikita eh nagkaroon kami ng pagkakataon na magkamustahan. Malapit sa akin itong mga pinsan ko, dahil na rin siguro hijo de puta unico hijo ako at sila na ang maituturing kong mga kapatid sa pananampalataya, (Taas ang inyong mga baso….KAMPAI !!!!).

Meron din akong kamaganak na hindi ko na kilala at malamang, hindi rin nila ako kilala, (duh…hu u?). Ang masama nun baka maligawan ang anak ko eh kamag-anak ko pala….(huh sounds familiar..?).

Yung isang pinsan ko nasa Maldives ngayon at isa ng Shou-Chef. Nag send nga sa akin ng mga pictures, ang ganda pala dun. Parang Bora…pero mukang mas maganda sa Bora. Hinanap ko nga sa mapa itong Maldives at sa kakahanap ko eh ewan ko kung paano ko napunta ng Alaska…? Mahina tayo sa geography eh, dalhin mo nga ako sa QC at malamang isang linggo na hindi pa ako nakakauwi…dahil sigurado nasa mga bar lang ako…LOLs. (Pegasus ?)

Ang hindi ko lubos maisip eh ako pala ay isa ng lolo…???? Oo mahirap man tanggapin ang katotohanan eh talagang ganun dahil yung ibang mga anak ng mga pinsan ko eh nagsipag asawa na at natural na magkaroon ng mga supling. Kung baga apo ko sa pinsan.

Bigla nga akong napaisip eh, paano kaya kung magkaroon kami ng Family Reunion, malamang kulang ang limang tourist bus sa dami ng aming lahing maharlika.


Responses

  1. uy galing naman niyan? tunay yan, as in .. pero pano kung wala namang mag tag sa kin eh di wala akong kamag-anak na naki join,, ay killjoy naman..

  2. uy, buti naman at umapir ka na….kamusta ang bakasyon ?

    pwedeng ikaw ang mag invite….basta alam mo yung email nila, tapos sila na rin ang maginvite sa iba…hanggang sa mabuo…

    ang galing nga ng nakaisip nito eh, pati yung location nyo sa map naka mark kung saang mga location kayo nandun.

  3. storyang incest minsan ang masarap basahin sa xerex eh. aahahah! anu ba yan!

  4. toink !!! …ha..ha…ha..ha…

    marami sa pantasya.com….(uy plugging !!!) LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: