Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 6, 2008

Happy Birthday, Mom…

Yup, berdey ngayon ng aking pinaka-mamahal na nanay. Alam kong masaya siya dahil ang gaganda at matatalino ang kanyang mga apo. (Buti na lang hindi nagmana sa akin…LOLs).

Natatandaan ko pa pag sobrang kulit ko, katakut-takot na palo ang inaabot ko sa kanya. Mata lang ang walang latay ika nga. Meron nandun na ikulong ako sa banyo para mapatino lang ako. Kaya ang laki ng takot ko sa mommy ko nung araw. Pero kahit na ganun ang pagdi-disiplina niya sa akin, ok lang. Dahil ngayon alam ko na ang nararamdaman niya, sapagkat ako ay isa na ring magulang.

Kahit nagsosolong anak ako hindi niya ako ini-spoiled. Konti lang, sa lola ko pwede pa…LOLs. Lakas ko dun… Ibang klase rin kasi ako nung bata ako. Pagginusto ko gusto ko, kaya hayun, laging naha-high blood si mommy.

Naalala ko pa minsan, friday. Nasa bahay na ako at naglalaro kami sa labas nung mga kababata ko ng biglang dumaan yung school service namin. Sabi namin kung saan pupunta, 2nd trip daw. Sumama kami. Eh inabot ng halos magdidilin na wala pa kami. Yun pala hinahanap na ako ni mommy, sobrang nag aalala na baka kung saang lupalop na ako napunta.

Pagdating ko sa bahay, medyo kabado na ako dahil siguradong sermon na naman ang aabutin ko. Pero hindi naman nangyari dahil inunahan ko ng magpa cute at lambingin si mommy. Ayun nauto ko naman.

Sayang lang at kinuha agad siya sa amin, 12 y/o lang ako ng mawala si mommy dahil sa sakit na Lupus. (Pareho ng sakit ni Marcos). Sabi ng doktor mas may high rate of percentage na babae ang tinatamaan ng ganung sakit.

Sana nakita niya ang mga apo niya, at siguradong matutuwa siya, lalo na sa panganay kong babae, dahil habang lumalaki maraming nagsasabi na nagiging kamukha niya at yung pangalawa kong anak, si Mr. Flawless dahil super puti, hindi ko alam kung kanino nagmana at palaging hindi nawawala sa  Top 5. Ngayon nasa Top 2. (Minsan nga naiisip ko baka nasalisihan ako ah…???? LOLs). Pero mas matutuwa siya sa bunso ko, dahil iyon ang karbon copy ko, para kaming pinag biyak na inodoro…pati sa pagka kulit…..LOLs.

Kung nasan ka man ngayon, mom….Hapi Berdey to you !!!!


Responses

  1. Touched naman ako sa post mo, pero nalungkot na rin nung nabasa ko wala na pala sya,. pero sigurado at peace at happy naman siya don at nakikita niya kayo … from a distance🙂

  2. Thanks….tamang senti lang ako kahapon.

    Kaya back to abnormality na ulit ngayon….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: