Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 10, 2008

Chinese Food…….anyone ?

Hindi ko alam pero mahilig talaga ako sa Chinese dishes. Minsan nga naiisip ko na baka isa akong emperor ng china sa past life ko kaya ganun. Peborit ko talaga ang lutong Chinese lalo na pag authentic…mapapa-wow ka sa sarap !!!

 

Malaki siguro ang impluwensya ng mga kung-fu movies na napapanood ko nung araw…LOLs. Naalala ko pa, every week may bagong palabas na Kung Fu movies sa sinehan. Lagi akong sinasama nung tiyuhin ko sa Downtown Manila para manood ng sine, minsan yung double feature pa. Pagkatapos nun punta kami sa mga kainan.

Dahil sa lakas ng tama sa akin ng Chinese movies eh minsan ginaya ko. Binali ko yung kahoy gamit ang kamay, na bali naman yung kahot kaso pati yung kamay ko wakwak at sargo ang dugo…LOLs (pahamak yung pelikula ni Jet Li na Shaolin Temple eh….)

Isa pa sigurong nakapag impluwensya sa akin si mommy, lagi nya akong sinasama sa Hongkong House sa may Manila, malapit sa office nila dati. Basta lagi kong inoorder noon yung Chicken Mami na may kasamang Siopao.

Syempre, hindi lang yun ang peborit ko, meron din yung mga dumplings, gaya nito.

Meron pa akong naalala, minsan kasama ko ang tatay ko sa Downtown Manila rin. Medyo tanghali na at pareho na kaming gutom kaya hanap kami ng makakainan. Sa kakahanap namin nasa may Binondo na pala kami. Sa looban na mismo ng Binondo, akala ko nga sa haba ng nilakad namin napunta kami ng Tsina dahil wala na akong nakikitang pinoy. Panay Intsik na ang nandun. Dito ko natikman ang talagang lutong intsik na tinatawag. Malaking pagkakaiba sa mga commercial na luto.

Sa may Binondo ko lang natikman yung Fried Rice na may halong mani. Tapos walang kustara, ang gagamitin lang eh yung chopsticks. Buti na lang at marunong kami ng tatay kong gumamit ng chopstick sa kanin. Baka isipin nyo eh iisa-isahin yung butil ng kanin gamit ang chopsticks….nakngpating, baka abutin kami ng ilang linggo hindi pa ubos yung isang bowl ng fried rice.

Ang technique namin sa pag gamit ng chopsticks sa fried rice kahit ordinary rice, eh itutulak mo yung kanin sa bibig, kaya bowl ang gamit hindi plato para naitataas at nailalapit yung bowl sa bibig.

Mayrun sa aming sinabi yung kaibigan naming Chinese, na pag ang kakain sa mga Chinese Resto, lalo na sa may Chinatown…..eh mga pinoy, iba ang ginagawang luto ng mga cook. Pero pag Chinese ang kakain, yung talagang luto nila ang ginagawa ng mga cook. Malaki ang pagkakaiba ng lasa sabi niya.

Syempre hindi mawawala ang Fried Duck o Peking Duck, wow…wow…wow…!!!!

Nakngbesugo….oo, naglalaway na tuloy ako….LOLs

Etong si Ah’Kong lang ang kilala kong lahing intsik na ang alam lang lutuin eh….Instant Noodles at pritong itlog….LOLs


Responses

  1. bigla akong nagutom dun ah…

  2. hehe… instant noodels..the best😆
    mas masarap na chinese food dun sa ma mon luk🙂

  3. uy, oo masarap dun…nakakain na kami dun…

    yung fried noodles nila masarap saka Shark’s Fin Soup…whooaahooo !!!! (laway ko tumutulo)

  4. ano ba yan, ginutom naman ako post na itom kahit na nga busog naman ako, kaso iba talaga pagkaing asya, pano ba naman eh hapunan ko pagkaing aleman, patatas at damo (salad) hay buhay, gusto ko tuloy kumain ng kanin kahit alas onse na😦

  5. Honnga, ako rin naglaway sa sarili kong post….LOLs

    Talagang nakaka-miss ang pagkaing asian, kasi masarap ang luto kahit anong klase pa ito.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: