Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 19, 2008

Tsonggong Puyat

Puyat na naman ako. Ilang araw din akong laging alas-tres ng madaling araw nakakatulog dahil sa na-aadik na ako sa kakalaro ng Fight Night Round 3.

(Ba’t nga ba “Madaling Araw” ang tawag….meron bang “Mahirap na Araw” ???)

Talagang nakaka-adik itong game na ito. Kasi dapat may diskarte rin habang lumalaban ang boksingero mo. Hindi lang basta-basta suntok ng suntok kasi mapapagod agad siya. Nanghihina agad ang boxer, parang na-hada ng sampung “Badinger-Z”, nawa-wala ang lakas….LOLs

Pati yung training nya kailangan balanse ang speed nya at lakas, pati ang agility. Kasi malakas nga sumuntok ng boxer mo kaso mahina naman ang stamina bale wala rin. Ganun din sa Speed & Agility…. Mabilis nga siya kaso wala namang lakas sumuntok bale wala rin…kaya kailangan balanse lahat diskarte dapat sa training.

Hayan kaya na-aadik ako kakalaro nitong Vid Game na ito. Kaya heto ngayon, kung makikita niyo ako para akong tsonggong puyat, wala sa sarili at parang nakahitit ako ng ipinagbabawal na utot…LOLs.

Kanina nga eh, pababa ako ng building, para bumili ng breakfast, (kasi hindi naman ako nakaka-kain sa bahay ng agahan), siguro dahil sa puyat ako, kung saan-saan lumilipad yung isip ko……, nakatayo na ako sa harap nung elevator at hinihintay ko yung lift….eh ang tagal, 10 minutes na yata eh wala pa yung lift……nung mapansin ko…gusto ko sanang ihampas yung ulo ko dun sa pader, (kaso masakit yon..wag na lang).

Hindi ko pa pala napipindot yung call button ng elevator kaya hintay ako ng hintay sa wala at nabuburyo na ako dahil ang tagal……LOLs (Ay..tangengok !!!)….

OK, Pwamis ko…hindi na ako magpupuyat, matutulog na ako ng maaga para fresh ang utak ko sa umaga at hindi yung parang bangag na parang rugby boys.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: