Ipinaskil ni: ahkong | Agosto 30, 2008

The Who ito ????

Dahil sa wala akong mai-post nitong mga nag daang araw eh, ito muna….

Chismax muna tayo, hulaan nyo kung sino itong celebrity na ito na naging makulay (o magulo ?) ang naging lab layp dahil pinairal ang libog sa katawan.

(Kung minsan talaga may pagka tsismoso ako eh…..Nya..ha..ha…ha..ha..ha..)

Note : Gusto kong humingi ng paumanhin kay Ginoong Ryan Ponce Papaco ng Peoples Jounral para sa article na ito dahil pinirata ko ang mga isinulat niya.

Matamis na pulot-gata ng celebrity at ex-GF nito

By: Ryan Ponce Pacpaco

   
Maituturing na isang institusyon sa bahagi ng showbiz ang lalaking celebrity figure na hanggang ngayon daw ay pilit pa ring nagmumuni-muni sa kanyang naging kapalaran matapos ibang babae ang kanyang mapangasawa. Ibinunyag ng isang mapagkakatiwalaang source ang patuloy na panghihinayang ng isa’t-isa na makabuo sana silang dalawa ng pamilya kahit mayroon nang kanya-kayang pananagutan sa buhay.
   
“Tuwing may seryosong usapan sa showbiz, hindi nakakalimutan na mabanggit ang kanilang dating matamis na samahan.  Punong-puno pa rin iyun ng kiliti para sa mga mirong sinasariwa ang kanilang nakaraan,” anang source.
   
Nalaman sa source na naging maayos ang relasyon ng dalawa sa kanilang kabataan at talagang bumuo ang mga ito ng pangarap para sa isang masayang pamilya.
   
“Mahal nila ang isa’t isa kaya naman matindi ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang relasyon.  Binuo nila sa isipan ang isang magandang pangarap sa hinaharap,” anang source.
   
Ngunit, sinabi ng source na lihim palang nag-aabang ang isang ahas na posibleng sumira sa kanilang relas-yon na kanilang pinapangambahan dahil naman sa matinding pagmamahal rin sa lalaki ng isang napaka-lapit na kamag-anak ng babae.
   
“Tao lamang sila na may mga kahinaan katulad ng karaniwan.  Laging nagbabadya ang tukso at naghihintay ng mabibiktima.  Nakaabang pala ang isang babaing malapit sa girlfriend ng lalaki para makuha ang pagmamahal ng huli,” anang source.
   
 
IPINAGPAPALAGAY ng mga malalapit sa isang kilalang celebrity figure sa showbiz industry na talagang “true love” nito ang hindi nakatuluyang ex-girlfriend
kaya naman nananatiling insecure ang kanyang misis na malapit na kamag-anak naman ng dating teenage sweetheart ng huli.
   
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na talagang “deeply in love”
ang sikat na showbiz personality sa kanyang orihinal na babae sa buhay kung hindi lamang nasilat ng isang pagkakataon na nanatiling malaking hiwaga sa kanilang mga buhay.
   
“Marami ang nagsasabing deeply in love talaga si showbiz personality sa kanyang ex.  Sa katunayan, ito raw talaga ang itinitibok ng puso nito bilang true love,” anang source sa buhay ni showbiz personality na naugnay sa dalawang babaing malapit na magkamag-anak na nagmula rin sa angkan ng isang sikat na politiko sa bansa.
   
Nalaman sa source na talagang “perfect couple” sana ang kilalang showbiz figure at ex-girlfriend dahil magkasundong-magkasundo kahit sabihing batang-bata pa ng mga panahong iyun.
   
“Para talagang pinagtagpo sila sa isat-isa ng mga panahong iyun.  Magandang pares at magkasundong-magkasundo sa lahat ng mga bagay,” anang source.
   
Ngunit, sinabi ng source na binayo ng isang matin-ding bagyo ang relasyon ng dalawa kaya naman nagsimulang magkaroon ng matinding problema na maaaring pagsisihan nila habambuhay.
   
“Kaya lamang, talagang kung minsan ay biglang dumarating ang mga hindi inaasahang mga problema sa buhay.  Isang malakas na bagyo ang dumating sa kanilang relasyon,” anang source.
   
SINAMANTALA ng misis ng isang celebrity figure sa showbiz industry ang pagiging abala sa pag-aaral ng kanyang malapit na kamag-anak na orihinal na girlfriend ng huli para magnakaw ng “mainit” na mga sandali sa lalaking kanilang pinagsaluhang dalawa.
   
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na nakakita ng butas ang naging misis ng sikat na persona-lidad para makiamot ng kaunting “init ng pagmamahal” sa pamamagitan ng pagsusunog ng kilay sa pag-aaral ng kanyang napakalapit na kamag-anak na siyang tunay na true love ng lalaki.
   
“Abala kasi si original girlfriend sa pag-aaral, nakitang pagkakataon ito ng kanyang ma-lapit na kamag-anak na babae na naging misis kinalaunan ng lalaki para isakatuparan ang pang-aahas,” anang source.
   
Matapos ang maikling pagsasama ng kilalang celebrity figure at ex-girlfriend nito sa unibersidad, sinabi ng source na mabilis namang gumagawa ng paraan ang kamag-anak ng babae na naging misis ng ex-boyfriend nito kinalaunan para sa isang lakad.
   
“Magaling dumiskarte ang kamag-anak ng ex-girlfriend ng lalaki kaya nga ito ang naging misis ng huli.  Mas mahabang oras ang pinagsasamahan ng dalawa,” anang source.
   
Nalaman sa source na pagpapaturo sa sining ng showbiz entertainment ang pakay ng nang-ahas na babae kaya naman mabilis na sumasama ang lalaki.
   
“Hindi date ang tirada ng babaing ahas kundi pagpapaturo, pero hindi tutorial ng lesson sa school kundi sa sining ng showbiz.  Alam ng babaing naging misis ni lalaki na hindi ito papayag kung date ang kanyang agarang pakay,” anang source.
   
NAGSIMULA sa “kissing scene” ang mala-workshop na agenda ng misis ng isang sikat na sikat na celebrity figure sa showbiz industry para maagaw ito mula sa pagiging boyfriend ng kanyang isang napakalapit na kamag-anak na babae na abalang-abala naman sa pagsusunog ng kilay sa pag-aaral na ikinayanig kinalaunan ng bonding ng kanilang pamilya kung saan miyembro ang isang kilalang-kilalang politiko.
   
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na talagang lantaran ang pagpapakita ng motibo ng babae sa kilalang celebrity na naging mister nito kinalaunan kahit batid nitong pag-aari na ng kanyang kamag-anak ang puso ng lalaki.
  
 “Magaling talagang dumiskarte ang babaing iyun.  Pilit niyang kinuha ang atensiyon ni celebrity figure sa pamamagitan ng pagpapaturo sa sining na ginagalawan nito,” anang source.
   
Bagama’t hindi na bahagi ng pagtuturo ang kissing scene, sinabi ng source na “sinakmal” ng babae ang bibig ng lalaki matapos magkalapit ang kanilang mukha.
   
“Kunyari nagpapaturo ng sining, pero target talagang alembungan ang lalaki.  Kaya ng makakuha ng tiyempo, ayun pinupog ni babae ng halik ang lalaking kanyang naging mister kinalaunan,” anang source.
   
Nabatid sa source na positibo naman ang naging resulta ng “special operation” ng babae dahil natukso na rin si celebrity figure sa mainit na halik ng babae.
   
“Kung palay na nga ang lumalapit sa manok, mahirap talagang hindi tukain kahit sabihin mo pang may nakatayang mahalagang bagay dito.  Laplapan to the max ang nangyari sa kanila,” anang source.
KUMBAGA sa isang eksena sa pelikula, mistulang inabot ng sandamakmak na “take” ang kissing scene ng isang sikat na sikat na celebrity figure sa showbiz at ng tinaguriang babaing “ahas” na naging misis nito kinalaunan.
    
Ganito ang sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source matapos ang talagang mahaba-habang halikan na eksena ng celebrity figure at babaing naging misis nito na malapit na malapit na kamag-anak naman ng orihinal na girlfriend ng lalaki.
   
“Kung nasa isang shooting ang dalawa, lumalabas na maraming take na nangyari kasi talagang inuumaga sila sa kanilang kissing scene,” anang source kaugnay sa laplapan ng dalawa na nag-ugat matapos hilingin ng babae na magpaturo ng sining sa lalaki sa isang mistulang mala-workshop na approach.
   
Sinabi ng source na nag-alangan pa sa simula ang lalaki dahil alam nitong isang pagtataksil sa kanyang girlfriend ang pakikipaghalikan sa babaing kamag-anak ng huli na pawang kapamilya ng isang sikat na sikat na politiko sa bansa.
   
“Nag-alinlangan talaga ang lalaki sa simula dahil isang kasalanan ang kanilang ginagawa lalo pa’t kamag-anak ng babaing kahalikan ang kanyang kasintahan,” anang source.
   
Ngunit, sinabi ng source na magaling humalik ang babaing naging misis kinalaunan ni celebrity kaya naman hindi na nito natanggihan ang tawag ng laman.”Nag-init na si celebrity figure at katulad ng karaniwang mga lalaki, madali siyang matukso lalo’t pilit siyang pinag-iinit ng babaing kahalikan,” anang source. 

 

MISTULANG naging personal assistant ng isang kilalang celebrity figure sa showbiz industry ang binansagang babaing ahas na naging misis nito kinalaunan matapos tumutok sa mga shooting ng lalaki.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na hindi na pinalampas ng babae ang pagkakataon matapos maka-first base.
   
“Tomodo sa kanyang investment ang babaing celebrity figure.  Hindi niya pinalampas ang magandang pagkakataon na makasama ng mas matagal ang lalaki,” anang source.
   
Bagama’t nag-aalangan, sinabi ng source na unti-unti nang natatanggap ng lalaki ang biglang pag-eksena sa kanyang buhay ng babaing close relative ng kanyang orihinal niyang girlfriend na may isang kapamilyang sikat na politiko.
     
“Nag-aalangan ang lalaki kasi alam niyang siya ang target ng babae at mahal niya ang kanyang girlfriend na talagang true love raw nito,” anang source.
   
Nalaman sa source na pinalalabas naman ng babaing ahas sa kanilang kamag-anak, partikular sa ex-girlfriend ng celebrity figure na naging mister nito kinalaunan na talagang hangad lamang niyang matuto ng sining kaya nakabuntot ito sa eskedyul ng lalaki.
   
“Hindi naman pinagdudahan ang motibo ng babaing ahas na bumuntot sa shooting ni celebrity figure.  Abalang-abala rin naman sa pag-aaral ang original girlfriend,” anang source.
   
NAGING “willing victim” ang isang kilalang celebrity figure sa showbiz industry ng matin-ding pagnanasa ng tinaguriang isang babaing ahas na naging misis nito kinalaunan matapos ipaubaya ang katawan sa kabila ng kaunting pagtutol ng isipan dahil pagtataksil ito sa kanyang true love na girlfriend.Ganito ang pagsasalarawan ng isang mapagkatiwalaang source sa celebrity figure na nahulog sa batis ng dalawang magandang babae na ma-lapit na magkamag-anak at pawang kapamilya ng isang sikat na sikat na politiko sa bansa.”Unti-unti na rin siyang nag-enjoy sa bawal na sandali dahil sa pagpupursige ng babaing talagang habol na habol sa lalaki kahit batid niyang boyfriend ito ng kanyang kamag-anak,” anang source.Sinabi ng source na bahagyang tumututol naman ang isipan ng celebrity figure dahil alam niyang magdudulot ang kanilang bawal na sandali ng babae ng komplikasyon sa relas-yon nito sa kanyang kasintahan.

“Tumututol ang kanyang isipan, pero hindi kasing lakas iyun ng kuryenteng naibibay sa kanyang katawan ng babaing naging maybahay nito kinalaunan,” anang source.

Nalaman sa source na ang masigasig na babae ang nagbigay sa celebrity figure ng kakaibang karanasan na hina-hanap-hanap ng mga kalalakihan sa mga kababaihan.

“Todo-todo kasi ang babae, ibinigay daw ang lahat kaya naman hindi makatanggi ang lalaki.          Malakas ang dating ng tukso ng alindog ng babae na nagbigay sa kanya ng kakaibang karanasan,” anang source.          

 

NABUO sa konsepto sa isipan ng isang sikat na sikat na celebrity figure sa showbiz industry ang pagiging “Mr.  Pogi” matapos pagsabayin ang dalawang babaing malapit na magkamag-anak sa buhay nito, kabilang ang kanyang napangasawa na sinasabing second woman lamang sa buhay nito.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na pumasok na sa isipan ng lalaki ang dating ng pagiging pogi na dahilan para unti-unting magbago ang pananaw nito sa buhay.
   
“Naging negatibo rin sa isang banda ang pagkakaroon niya ng dalawang babae sa buhay.  Pumasok kasi sa kanyang ulo ang pagiging pogi,” anang source matapos matikman ang kakaibang ligaya sa second woman na naging misis nito kinalaunan na malapit na kamag-anak naman ng orihinal na girlfriend ng lalaki.
   
Aminado ang source na na-konsensiya ang lalaki sa kanyang ginagawa dahil magkadugo ang kanyang tinuhog na nag-ugat naman sa pangungulit at panunukso ng second woman na kasama nito sa kanyang buhay.
   
“Nandoon pa rin ang pagiging mabait ng celebrity figure kahit sabihin mong pumasok na sa kanyang ulo ang pagiging pogi, pero iniisip pa rin niya na mali ang kanyang ginagawa,” anang source sa celebrity figure na naging willing victim ng kaligayahang dulot ng second woman.
   
Nalaman sa source na lubhang napakataas ng level ng “enjoyment” ng lalaki sa piling ng dalawang babae, partikular ang bigay-todong second woman na naging misis nito.
   
“Sa taas ng level ng enjoyment, nakakalimutan niyang mali ang kanyang ginagawa.  Pero ganoon nga siguro, masarap ang magkaroon ng dalawang babae sa buhay,” anang source.

SA kabila ng lihim na relasyon ng isang kilalang celebrity figure sa showbiz industry at second woman nito, nanatiling mainit pa rin ang pagmamahalan ng una at orihinal na kasinta-han nito.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na lalong napamahal sa lalaki ang girlfriend dahil sa malaking tiwalang ibinigay nito sa kanya lalo’t laging guilty ang kanyang pakiramdam bunsod ng bawal na relasyon sa isang babaing napakalapit na kamag-anak ng orihinal na kasintahan.
   
“Hindi naman namatay ang kanyang pagmamahal sa orihinal na girlfriend, lalong napamahal sa kanya ang babae dahil talagang tiwalang-tiwala sa kanya,” anang source.
   
Nalaman sa source na mistulang naging pastime lamang ng lalaki ang maligalig na babaing tinaguriang ahas na naging misis naman nito kinalaunan sa halip na ang tunay na kasintahan.
   
“Palipasan lamang niya ng oras ang second woman, pero hndi niya inakalang ito pa ang kanyang magiging misis.  Bigla lamang kasing umeksena sa kanyang buhay,” anang source.
   
Gayunpaman, sinabi ng source na mataas na rin ang enjoyment ng lalaki sa second woman lalo’t tuluy-tuloy naman ang pisikal na kaligayahang ibinibigay nito.
   
“Nag-enjoy siya ng husto dahil natikman niya sa piling ng second woman ang kanyang buong pagkalalaki.  In short, they engaged in pre-marital sex,” anang source. 

HINDI isinuko ng orihinal na kasintahan ang “Bataan” sa kanyang dating kasintahang isang sikat na sikat na celebrity figure sa showbiz industry sa kabila ng kanyang matinding pagmamahal dito.
 
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na isang konserbatibo ang tipo ng original na babae sa buhay ng celebrity figure na malayung-malayo sa other woman na napangasawa ng lalaki at malapit na malapit na kamag-anak ng sinasabing nang-ahas na babae.

“Konserbatibo ang tipo ng original girlfriend ng lalaki.  Inererespeto naman siya ni celebrity figure dahil talagang true love siya nito,” anang source.

Nalaman sa source na ang nasabing sitwasyon ng dalawa ang naging bentahe ng other woman sa kanyang malapit na kaanak para maagaw nito ang atensiyon ng lalaki.

“Sa kabilang banda, kabaligtaran naman ang dating ng other woman.  Sobra ang pagiging liberated nito sa usaping sekswal kaya naman naging advantage niya ito sa pagkuha ng atensiyon ng lalaki,” anang source.

Inihayag ng source na mistulang isang pistang bayan na punung-puno ng kaligayahan ang ibinigay ng second woman sa lalaki na naging mister nito kinalaunan.

“Umaapaw ang kaligayahang natikman ng lalaki sa piling ni second woman.  Natikman ni celebrity figure ang katuparan ng kanyang pagkalalaki,” anang source. 

BAGAMA’T todo bigay sa “romansa” ang second woman sa lalaking na-ging mister nito kinalaunan na isang kilalang-kilalang celebrity figure sa showbiz industry, ikinokonsiderang campus jewel naman ang babae sa isang pinagpi-pitagang unibersidad sa bansa.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na isang certified na “campus beauty and brain” ang babaing umagaw kay celebrity figure sa orihinal na kasintahan nito na ma-lapit rin niyang kamag-anak.
   
“Maaaring todo bigay siya sa pagsuko ng Bataan kay celebrity figure, pero isang matalino at magandang estudyante ang babae na hinahangaan sa kanilang unibersidad sa kapanahunan nito,” anang source.
   
Nalaman sa source na pinupukol rin ang second woman ng malalagkit na tingin ng mga kalalakihang humahanga sa alindog nito dahil talagang pambato ang dating.
   
“Marami rin siyang manliligaw na guwapo at ma-yayaman dahil sa kanyang taglay na kagandahan, pero talagang mas pinili niyang habulin si celebrity figure,” anang source.
   
Idinagdag ng source na balanse ang istilo ng se-cond woman dahil hindi naman ito nagpabaya sa kanyang pag-aaral at patuloy na naging magandang ehemplo sa unibersidad sa kabila ng kanyang “nakakainis” na kalandiang taglay.
   
“Maaring todo bigay siya sa ngalan ng pag-ibig at abala sa paghahabol sa lalaking kanyang inahas sa napakalapit na kamag-anak, pero isang asset ta-laga ang kanyang utak at kagandahan,” anang source.

NAKAPASOK rin sa showbiz industry ang second woman ng isang kilalang-kilalang celebrity figure na naging misis ng huli kinalaunan kaya naman lalong umigting ang kanilang pagtitinginan.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na mistulang tuwang-tuwa ang second woman na umagaw kay celebrity figure mula napakalapit nitong kamag-anak na orihinal na ka-sintahan ng lalaki.
     
“Nakapasok rin ang tinaguriang ahas na babae sa showbiz dahil sa impluwensiya ng kanyang pagmamahal sa lalaki.  Nais niyang sundan ang yapak nito,” anang source.
   
Nalaman sa source na lalong napalapit sa isat-isa ang dalawa na nagkaroon ng palihim at todo-bigay na relasyon habang abala naman sa pagsusunog ng kilay ang tunay na girlfriend ng lalaki.
     
“Naging sobra-sobra ang panahon ng kanilang paglalapit dahil pareho na silang rumaraket sa showbiz.  Mas naging mainit ang kanilang pagtatagpo,” anang source.
   
Inihayag ng source na naging dahilan pa ang pagkakapasok ng second woman sa showbiz para lalong lumakas ang loob nitong “ariin” na ang lalaki mula sa kandungan ng kanyang napakalapit na kamag-anak.
   
“Parang lalong lumakas ang loob ng second woman kasi mistulang isang lisensiya sa kanya ang pagkakapasok sa showbiz para makasama ang babae,” anang source. 

MAGKASAMA maging sa mga proyekto sa showbiz industry ang tinaguriang second woman at inahas nitong isang sikat na sikat na celebrity figure na orihinal na “boyfriend” ng kanyang napakalapit na kamag-anak na nagtataglay rin ng dugo ng mga politiko.

Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na umayon sa mga plano ng second woman ang mga pagkakataon matapos ganap na makapasok sa showbiz dahil sa kabubuntot sa celebrity figure na naging mister nito kinalaunan sa kabila ng relasyon ng lalaki sa kanyang very close relative.

“Hanggang sa proyekto magkasama silang dalawa.  Parang nakatakda talaga silang magsama sa isat-isa na parang hindi na maghihiwalay pa habambuhay,” anang source.

Nabatid sa source na talagang inaabot ng ma-daling-araw ang kanilang trabaho kung saan kadalasang out-of-town pa ang location ng kanilang mga proyekto sa showbiz.

“More time talaga ang nangyari sa kanilang dalawa.  May pagkakataon silang makilala ang isa’t isa sa haba ng kanilang pinagsamahan,”  anang source.

Idinagdag ng source na halos hindi naghihiwalay ang dalawa sa shooting kaya naman unti-unti na silang pinag-uusapan lalo’t deeply in love ang lalaki sa ma-lapit na kaanak ni second woman.

“Medyo umangat na ang love triangle na namamagitan sa kanila.  Alam kasi ng mga kasamahan nila sa trabaho na girlfriend ni lalaki ang close girl relative ni second woman,” anang source.

DAHIL mas madalas na kasama ng isang kilalang celebrity figure ang second woman sa kanyang buhay, hindi na halos nito makilala ang orihinal na kasintahan.
    
Ganito ang sinabi ng isang mapag-kakatiwalaang source matapos makapasok sa showbiz ang second woman na naging misis kinalaunan ni showbiz personality habang abalang-abala naman sa pagsusunog ng kilay ang orihinal na kasintahan ng lalaki.
   
“Hindi na nga halos makilala ng lalaki ang kanyang original girlfriend na malapit na kamag-anak ni second woman dahil mas madalas niyang kasama ang huli,” anang source.
   
Sinabi ng source na ka-dalasang namamalik-mata ang lalaki na mistulang second woman ang kanyang kasama kahit ang kasintahan na bibihirang makita at makausap ang nasa tabi.
   
“Puwede na nga siyang mahuli na may ginagawang milagro, iyun bang lihim niyang relasyon sa second woman na very close relative ng original niyang girlfriend.
   
Nagkakamali na kasi siya kapag kasama si original,” anang source.
   
Aminado ang source na mistulang nagkaroon na ng “missing link” sa relasyon ng dalawa dahil na rin sa pagiging abala ni original girlfriend sa pag-aaral habang okupado ang panahon ni celebrity figure sa showbiz kasama si second woman.
   
“Iyun na nga ang nagiging problema nila.  Parang may kulang kahit mahal nila ang isa’t isa.  Mas inaagaw ang kanilang panahon ng kanilang mga ginagawa sa buhay tapos nakadikit lagi sa lalaki si second woman,” anang source. 

NABUNTIS ng isang kilalang celebrity figure sa showbiz industry ang second woman sa buhay nito dahil sa  mistulang mala-mag-asawang estilo ng kanilang lihim na relasyon.

Sinabi ng isang mapagkaktiwalaang soure na nauwi sa kinakatakutang problema ng pagbubuntis ang lampungan ng halos hindi naghihiwalay na dalawang nilalang habang inosenteng-inosente naman ang orihinal na kasintahan ng lalaki na malapit na malapit na kamag-anak naman ni second woman na tinawag ring babaing ahas.

“Katulad nga ng mga babaing tumitikim ng pre-martial sex, nabuntis siya dahil sa kanyang kapusukan.     Nakalimutang mag-ingat dahil sa paghahabol sa lalakim,” anak source.

Nalaman sa isang mapagkaktiwalaang sourece na naguduwal ang second woman habang magkasama silang dalawa ng lalaki sa shooting kaya naman kinabog sila sa kanilang obserbasyon.

“Malaki ang kanilang hinala na mayroon silang haharaping malaking problema na talagang tiyak na ikaya-yanig ng kanilang mga angkan. Pero pilit muna nilang iwinaksi ito sa kanilang isipan,” anang source.

Ngunit sinabi ng source na napilitan ang dalawa na magtungo sa espesyalista para alamin ang problema dahil nagpabalik-balik ang sintomas ng pagbubuntis sa second woman.

“Napilitan si second woman na magpasuri dahil na rin sa kagustuhan ng lalaki. Mahirap daw baka iba pa ang makapuna sa kanilang napapansin. Hindi nga sila nagkamali ng hinala. Buntis nga si babae,” anang source. 

HUMIRIT pa ng second hanggang third opinion sa ibang mga espesyalista ang isang sikat na sikat na celebrity figure sa showbiz matapos maging positibo sa pagbubuntis ang second woman na malapit na ma-lapit na kamag-anak ng kanyang orihinal na ka-sintahan.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na halos hindi makapaniwala ang dalawa na nauwi sa pagbubuntis ang kanilang sobrang lambingan na lingid sa mga taong nasa kanilang paligid.
   
“Nais nilang makasigurado na talagang buntis nga ang babae kaya naman nagdesisyon silang humingi ng panibagong expert opinion sa ibang mga doktor,” anang source.
   
Nalaman sa source na matinding pakiusap ang ginawa ni celebrity figure sa mga doktor na kanilang nilapitan para panatilihing lihim ang kanilang paghi-ngi ng tulong.
   
“Nakiusap ng husto ang celebrity figure sa mga doktor na panatilihing pribado ang kanilang paglapit sa mga ito dahil tiyak na magdudulot ng malaking kontrobersiya sa showbiz,” anang source.
   
Idinagdag ng source na tinalo pa ng isang mag-asawa ang nakitang concern sa isat-isa ng dalawa kahit sabihing ang kamag-anak ng second wo-man na kasama ng lalaki sa doktor ang kanyang true love.
   
“Tatalunin naman kahit papano ang sweetness ng tunay na mag-asawa habang magkasama sila sa espes-yalista.  Kitang-kita naman ang concern ng lalaki sa babaing napalapit ng husto sa kanya,” anang source. 

NANATILING positibo sa pagbubuntis ang second woman ng isang kilalang-kilalang celebrity figure sa kanilang paghirit ng second at third opinions kung saan hindi naman naging solusyon ang aborsiyon sa kanilang problema.

Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na talagang nanatili ang kanilang kinakatakutang problema dahil na rin sa todo bigay na romansa sa lihim na relasyon ng dalawa.
    
“Hindi nagbago ang resulta, positibo pa rin ang second at third opinions.  Alam nilang aabot sila sa puntong iyun dahil talagang matindi ang kanilang mainit na tinginan sa isat-isa,” anang source.
   
Nabatid sa source na tulala pareho ang dalawa dahil sa inaasahang malaking kahihiyang idudulot ng kanilang ginawa lalo’t malapit na malapit na kamag-anak ni second woman ang tunay at orihinal na kasintahan ni celebrity figure.
   
“Pareho silang nakatitig sa kawalan at walang ka-kibu-kibo, malaki talaga ang kanilang kinakaharap na problema lalo malaking gulo ang ibubunga nito sa kanilang angkan,” anang source.
   
Gayunpaman, sinabi ng source na hindi naging opsiyon ang aborsiyon para hanapan ng solusyon ang kanilang problema dahil sa kanilang matinding takot sa Diyos.
   
“Ano nga ba naman ang kasalanan ng bata kung saka-sakali?  Takot sila sa Dyos kaya hindi sumagi man lamang sa kanilang isipan ang aborsiyon,” anang source.

MATAPOS tanggapin ng isat-isa ang kanilang gusot na napasok, naging malaking problema naman ng isang kilalang-kilalang celebrity at nabuntis nitong second woman kung anong “script” ang kanilang gagamiting palusot sa kaanak ng babae na malapit na malapit na kamag-anak ng orihinal na kasintahan ng lalaki.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na naging malaking balakid sa pagtatapat ng dalawa ang inaasahang malaking gulong lilikhain ng pagbubuntis.
   
“Tanggap na nila ang pagbubuntis, pero napakahirap ipaliwanag sa pamilya ng second woman lalo’t hindi naman ito ang girlfriend ng lalaki kundi ang malapit na kamag-anak nito,” anang source.
   
Nalaman sa source na mas naging mabigat na suliranin ng dalawa kung papaano ipaliliwanag sa pamilya ni second woman ang kanilang pagtataksil sa halip na ang pagbubuntis.
   
“Parang naging mas malaking balakid sa kanila ang pagtataksil na nagawa, hindi ang pagbubuntis na nangyari.  Talagang gulung-gulo sila,” anang source.
   
Inamin ng source na umurong ang pagkalalaki ni celebrity figure na agarang magtapat dahil hindi nito malaman ang sasabihin sa pamilya ni second woman, partikular sa kanyang orihinal na kasintahan.
   
“Hindi niya malaman ang mga salitang sasabihin, bakit hindi nga naman ang kanyang kasintahan ang nabuntis at ang kamag-anak nitong babae,” anang source.

SI original girlfriend ang unang hinarap ng kilalang-kilalang celebrity figure kasama ang nabuntis na second woman na malapit na malapit na kamag-anak ng una kung saan narinig ang mga linyang “Bakit Ate?” matapos aminin ang nangyaring pagtataksil.

Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na napahagulgol sa iyak ang orihinal na kasintahan ng lalaki matapos marinig ang pag-amin hingil sa pagka-kabuntis ng huli kay second woman.

“Umiyak ng husto si original girlfriend at tinanong niya ang kanyang napakalapit na kamag-anak ng Bakit Ate?  Hindi nito lubos maisip na mangyayari sa kanila iyun,” anang source.

Nalaman sa source na pambihirang eksena ang mga sandaling iyun na mismong inilahad ni celebrity figure sa kanyang ilang piling kaibigan kasabay ng pag-amin na mistula siyang ice cream na natunaw sa kahihiyan.

“Hiyang-hiya si celebrity figure.  Para raw siyang ice cream na natunaw.  Ganyan ang kanyang kuwento sa ilang piling mga kaibigan na nakakaalam ng kanyang naging masalimuot na karanasan nang pagsabayin ang dalawang babaing malapit na magka-pamilya,” anang source.

Sinabi ng source na panay sorry lamang ang narinig sa bibig ng lalaki at maging sa nabuntis na second woman para payapain ang galit na damdamin ng orihinal na babae sa buhay ni celebrity figure.

“Ano pa nga ba ang kanilang sasabihin kundi ang mag-sorry at humingi ng napakaraming paumanhin sa kanilang nagawang pananakit ng damdamin at pagta-traydor,” anang source.    

TANGGAP ni second woman kung iwanan man siya sa ere ng isang kilalang-kilalang celebrity figure sa showbiz na nakabuntis dito lalo’t alam niyang hinog sa pilit ang pagkakakuha niya sa atensiyon ng lalaki mula sa pagiging boyfriend nito ng kanyang napakalapit na kamag-anak.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na alam ni second woman na naging misis rin kinalaunan ni celebrity figure na posibleng maging dalagang ina siya sa napasok na sitwasyon nang akitin lamang ang lalaki na ipakagat ang kakaibang “mansanas” sa sinasabing paraiso.
   
“Alam ni second woman ang danger ng kanyang pagkuha sa atensiyon sa lalaki.  Mahal na mahal kasi ni celebrity figure ang orihinal na kasintahan na kanyang malapit na kamag-anak,” anang source.
   
Sa katunayan, sinabi ng source na hindi nagalit si second woman nang pilit na isalba ng lalaki ang relasyon nito sa orihinal na kasintahan nang aminin nila ang kanyang pagbubuntis.
   
“Kung tutuusin, dapat talagang masaktan siya sa mga pangyayari lalo’t harap-harapan niyang narinig na mas pipiliin ng lalaki ang kanyang napakalapit na kamag-anak sa kabila ng kanyang kalagayan,” anang source.
   
Idinagdag ng source na lubhang hiyang-hiya si second woman sa kanyang napakalapit na kamag-anak dahil talagang pambihira ang kanyang ginawang atraso dito.
   
“Lumabas ang pagiging tao ni second woman, labis ang kanyang kahihiyang naramdaman sa sarili lalo’t hindi naman iba ang babaing kanyang kinatalo sa ngalan ng pag-ibig,” anang source.

DAHIL sa maselang kalagayan ng nabuntis na second woman, napilitan ang malapit na kamag-anak nitong orihinal na kasintahan ng kilalang celebrity figure sa showbiz industry na magparaya sa kanilang pinagsaluhang ligaya.
    
Bagama’t bukas ang isipan ni second woman sa posibilidad na iwanan siya ng nakabuntis ditong boyfriend ng kanyang close relative, nakapagbigay ng kaluwagan sa bigat ng dinadalang dibdib nito ang pagpaparayang narinig.
   
“Handa siyang mawala ang lalaki sa kanyang tabi lalo’t inagaw niya lamang ito sa kanyang close relative.  Pero malaking kaginhawaan ang kanyang naramdaman ng magparaya ito,” anang source.
   
Gayunpaman, sinabi ng source na nanatiling malaking “question mark” kung talaga nga bang nagparaya na ang orihinal na kasintahan ng lalaki.
   
“Sa kabila ng narinig, nanatiling duda ang lalaki at second woman sa sensiridad ng sinabi ng babae lalo’t batid nilang malalim itong magmahal,” anang source.
   
Sinabi ng source na naging malaking problema naman ng dalawa ang paraan ng pagpaparating ng kanilang naging problema sa mga magulang ni second woman.
   
“Naidiga na nila ang sitwasyon sa original girlfriend ni celebrity figure, problema na lamang nilang dalawa ngayon kung papaano ito dadalhin sa kamag-anak ng dalawang babae,” anang source. 

NAGULANTANG ang buong pamilya ng magkamag-anak na original girlfriend at second woman sa pagkakabuntis sa huli ng isang sikat na sikat na celebrity figure sa showbiz industry.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na mistulang naging isang horror o fantasy movie na hindi kapani-paniwala ang dating ng detalye ng kuwento ng lalaki at second woman nang aminin ang kanilang napasukang gusot sa mga ito.
   
“Talagang labis ang kanilang pagkagulat.  Hindi nila lubos isiping nangyari sa kanilang pamilya ang kakaibang twist nang umamin ang lalaki at second woman sa naganap na buntisan kahit hindi ito ang tunay na magka-relasyon na kanilang alam,” anang source.
   
Nabatid sa source na nayanig sila at natulala bago makaramdam ng anomang galit sa dibdib sa kakaibang love triangle lalo’t malapit na malapit na magkamag-anak ang dalawang babae sa buhay ni celebrity figure.
   
“Bago sila nakaramdam ng galit sa kanilang mga dibdib, labis muna silang natulala sa mga pangyayari.  Kung tutuusin, may katwiran ang mga kamag-anakan na magwala dahil tinuhog ng lalaki ang dalawang babae ng magkasabay,” anang source.
   
Aminado ang source na ininda ng mga matatanda sa pamilya ang pangyayari dahil tiyak na lilikha ito ng hindi magandang relasyon sa hanay ng dalawang babaing nasangkot sa love triangle.
   
“Iniisip kasi ng mga matatanda sa kanilang pamilya na tiyak na magkakaroon ng friction sa relasyon ng dating close pa man ding babaing magkamag-anak,” anang source.

MAASIM man ang dating, itinakda ng mga kamag-anakan ng dalawang babae sa buhay ng isang kilalang-kilalang celebrity figure ang kasal ng huli at ang second woman na nabuntis nito na tinawag ring “ahas” ng kanyang orihinal na kasintahan.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na “weeding bells” ang kasunod na narinig sa naganap na buntisan kung saan labis namang naghihinagpis ang tunay na kasintahan ng lalaki na malapit na malapit na kamag-anak ng nabuntis nitong babae.
   
“Hindi man magandang-maganda ang kanilang naging usapan katulad ng mga ikakasal, kailangang ikasal sina celebrity figure at second woman dahil sa pagbubuntis ng huli,” anang source.
   
Naguguluhan man ang buong pamilya ng dalawang babae, sinabi ng source na nananatiling mahalaga ang karangalan sa kanilang angkan kahit sabihing nasa showbiz na rin ang second woman.
   
“Kahit masasabing showbiz people sila, importante pa rin sa pamilya ng dalawang babae ang pagpapakasal dahil sa kanilang pangalang iniingatan,” anang source.
   
Nabatid sa source na mabilis na itinakda ang kasalan lalo’t inuunahan ng mga ito ang pagbukol ng tiyan ng babae kung sakaling magkakaroon ng mas mahabang preparasyon.
   
“Hinahabol nila ang panahon dahil talagang lalaki na ang tiyan ni second woman kung magpapatagal-tagal pa sila sa kanilang mga plano,” anang source.

INAMIN rin ng second woman sa hanay ng mga matatanda sa kanilang pamilya na inakit niya ang sikat na sikat na celebrity figure sa showbiz industry kaya nakuha ang atensiyon nito mula sa kandungan ng kanilang napakalapit na kaanak na orihinal na kasintahan ng lalaki.
    
Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source na dumaan pa sa mistulang isang bull session ang second woman sa harap ng kanyang mga magulang at kamag-anakang matatanda matapos maitakda ang kanilang kasal.
   
“Inamin rin niya sa bull session ng kanyang mga kamag-anakan na siya ang may kasalanan sa nangyaring love triangle.  Inakit niya ang lalaki kaya siya ang nadisgrasyang mabuntis sa halip na ang malapit na kaanak na original girlfriend ni celebrity figure,” anang source.
   
Inihayag rin ni second woman sa mistulang mga imbestigador na mga kamag-anak na mahal na mahal talaga niya ang lalaki at hindi lamang nakaporma matapos malamang kasintahan na ito ng kanilang very close relative na babae.
   
“Mahal na mahal talaga niya ang lalaki kaya nang makakita ng tiyempo at pagkakataong makasama ito, sinunggaban niya ang lahat para makuha ito,” anang source.
   
Nalaman sa source na sobra-sobra ang paghingi ng pasensiya at pagsusumamo para sa kapatawaran ng second woman sa kanilang relatives dahil sa malaking gulong idinulot ng kanyang kapusukan sa pamilya.
   
“Alam niyang napakalaking kahihiyan sa pa-milya ang kanyang pinaggagawa.   Hindi siya nakapag-isip ng mabuti dahil sa sobrang pagka-gusto sa lalaki,” anang source.   
   
Heto na ang clue ……

 

Magugunitang hanggang ngayon ay pinag-uusapan sa showbiz industry ang mistulang “sana’y maulit muli” na romansa ng celebrity figure at kanyang ex-girlfriend matapos makasal ang una sa malapit na kamag-anak ng huli na insecure pa rin sa kanilang relasyon hanggang sa ngayon.
   
Maipagmamalaki naman ang matinding papuri ni showbiz personality sa Diyos na hindi nito nakakalimutan sa kanyang mga obra.
   
Sa kabila ng kanyang kakaibang “energy” sa katawan, dumaranas naman ng isang delikadong sakit si showbiz personality na balitang-balitang mahal na mahal pa rin ang kanyang ex-girlfriend na malapit na kamag-anak ng kanyang misis.


Responses

  1. ang habaaaaaaaaaaaaa! pero nasa 2nd paragraph pa lang parang kilala ko na po ito..Si Gary V. po kaya ito? Si Felichi yung ex at si Angeli ang asawa…at yung politiko si Kiko P. ewan ko po..di ako sure..pero parang e…I can feel it..

  2. uy, ikaw ha, mahilig ka rin sa chizmax ha…?? LOLs

    pero tama ka…..tumpak ang iyong kasagutan at dahil nakuha mo ang sagot, may libre kang isang platitong mani, may kasamang isang basong gulaman….LOLs.

    thanks sa pagdaan Sel…hope na enjoy ka dito sa tambayan namin ni Ah’Kong.

  3. enjoy na enjoy po!
    pampaalis po ng stress at talaga pong napakaorihinal at sobrang natatawa po ako palagi sa mga sulat nyo..
    I’m a fan, promise!

  4. uy..thank you naman….

    may fan na pala kami, hayaan mo palagi namin kayong pasasayahin, basta ba hwag mo lang kalilimutan ang kasabihan….

    “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika…..ay hindi makakarating sa paroroonan…”

    TY

  5. hehehe…bosing I voted for you sa laffalooza chuva ni badoodles! para naman di sayang ang napanalunan kong isang platitong mani at isang basong gulaman =)) goodluck sa yo..hindi lang sa pakontes na yun kundi sa iyong life…ingat po!

  6. nakaka-tats naman sel… ako’y nalulugod, thank you ha ?

    ayan mababaw lang ang luha ko eh, unti-unti ng pumapatak ang luga…este…luha ko sa ilong….(hindi ko alam kung paano nangyari yon)

    hayaan mo kung sakaling umabot ako ng kahit pang 20 ililibre kita ng isang tuhog ng pisbol saka isang basong samalameg sa may The Plaza….LOLs.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: