Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 1, 2008

Kailangan ko ng 100% Salary Increase

Ayoko sanang magsulat ng tungkol sa politics, pero itong mga nagdaang mga balita eh, parang nakakalungkot at nakakasuka na talaga ang ginagawa ng mga tao sa palasyo ni Doña Gloria.

Ang balita ngayon eh nag sumite ang DBF sa Tongress..este…Congree ng proposal para sa budget for 2009. Kasama dito sa budget na ito ang taas sahod ng Pangulo na yan, ng 100%. Kasama ang Bise-presidente, Senador at Congressmen.

Ang tanong, bakit hindi nila unahin yung mga ordinaryong employees, yung mga clerks, janitors, messengers….??? Silang mga nakapwesto sa palasyo… malaki na ang kurakot nila, sana naman ibigay na lang nila sa mga taong, tulad nating mas nangangailangan na talaga namang hirap na hirap na sa buhay.

Kahit mababa lang ang pinag-aral ko eh, nakakaintindi rin naman tayo……hindi nyo naitatanong, ako ay gradweyt sa Law School of St. Andrew’s Farm…..

Ah’Kong : Teka..teka…teka….ako walang alam na unibersidad na St. Andrew’s Farm….Ano ikaw sabi sabi dyan…?

Ano pa eh di……Mababang Paaralan ng San Andres Bukid !!!!!

Pasok ka ng pasok eh, nagse-senti ako….tapusin mo na lang yang ginagawa mo dyan….!!!!

Mabalik tayo sa usapang kalokohan….. kung ang isang empleyado ay hihingi ng Salary Increase, kailangan may evaluation iyan di ba? Dapat bago mabigyan ang isang empleyado ng taas sahod maganda ang trabaho o may progress sa trabahong iniatang sa kanya.

Pero sa tingin nyo ba ang Presidente natin eh may nagawa para sa bayan natin ? Meron naman mga tropapits. Pero hindi ko na babagintin dahil alam nyo na yung mga nagawa niya, lalong lalo na itong latest na ginawa niya sa Mindanao, “wala” raw siyang kaalam alam dun….

Kung iyang mga nagawa niya ang basehan para mabigyan ng 100% increase ang isang presidente, eh putang ina, wala na talaga tayong pag-asang umunlad.

Tapos ngayon, takbuhan na !!!! …. at sinasabi eh….”Huwag nyo akong tingnan, wala akong alam dyan !!!????”

Ano yan lokohan ???….. siya si Doña Gloria, ang madalas mag tantrums na parang isang batang spoiled….. wala siyang alam sa ginagawa ng mga tuta niya ???

Basahin natin ang isang article from abante.com editorial na isinulat ni Mr. Jake Macasaet.

——————————————

Sinungaling talaga!
 

 

Sa takot ma-impeach dahil sa tahasang paglabag sa Saligang Batas, itinatanggi ngayon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na may kinalaman siya sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines at ng Moro Isla­mic Li­beration Front (MILF).

Nagbibiro lang daw siya noong banggitin n’ya ang MOA sa kanyang “State of the Nation Address” noong nakaraang Hulyo.

Ang MOA ay isa sa pinakamabi­gat na kasalanan na nagawa ni Pa­ngulong Arroyo. Ito ay tahasang pagtataksil sa bayan at mamamayan.
Dahil dito, natatakot siya na ang mga congressmen sa Mindanao ay mag-umpisa ng kampanya para ma-impeach si Pangulong Arroyo. Ano ang lusot na naisip niya. Ano pa, di itanggi na may kinalaman siya sa MOA.
Kung ‘di nga naman niya alam ito hindi niya nilabag ang Saligang Batas. Hindi puwedeng ma-impeach.

Sino naman sa akala niya ang maniniwala na hindi niya alam ang MOA? Siya mismo ang utak nito. Balak gamitin ang MOA para amyendahan ang Saligang Batas na magpapahaba ng kanyang termino matapos ang 2010.
Walang naniniwala. At kung totoo man na wala siyang kina­laman,

pinaiikutan siya ng sarili niyang tauhan. Pero hindi pa naman nangyari iyon. Alam ng Pangulo ang lahat ng nangyayari at ginagawa ng Palasyo. Alam man o hindi, siya bilang Pangulo ang dapat managot.

Ang MOA ay magbibigay sana na mas malawak pang lupain sa MILF sa katwirang ito raw ay ancestral domain. Ano ba ang ancestral domain? ‘Di ba ito ay lupa ng mga ka­tutubong Pilipino katulad ni Limahong at iba pang ba­yani noong unang pang panahon?

Bakit ibibigay sa MILF ang malawak na lupa samantalang may balak silang magtayo ng sariling republika at tumiwalag sa Pilipinas?

Ang tawag diyan ay treason, kataksilan sa bayan. Noong una, kamatayan ang parusa sa krimen na iyan. Dahil nakaupo pa si GMA at wala yatang balak manaog, impeachment ang dapat maging parusa.

Masakit na insulto sa sambayanang Pilipino ang ginagawa ng Pangulong pagsisinungaling tungkol sa MOA. Wala raw siyang nalalaman tungkol dito. Pero kung natuloy, siya ang makikinabang sa pagpapahaba ng kanyang termino.

Ano bang klaseng laro iyan? Masyadong bulgar. Hindi niya pansin ang damdamin ng bayan at pananagutan sa Saligang Batas. Noong maipit,

tumatanggi. Parang pagtanggi na hindi siya nandaya noong 2004 elections. Wala namang naniniwala sa kanya, kaya naman matagal nang negative ang kayang acceptance rating.

Hindi marunong madala. O kaya ay lasing sa poder. Wala sa isip niya ang kapakanan ng bayan. Lalong wala sa isip niya ang ngitngit ng

mamamayan. Para sa kanya, ang pinakamaha­laga ay manatili sa poder.
Manigas kayo riyan. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mamamayan. Manhid. Pero kung minsan ay natatakot din. Tulad nga ng takot sa impeachment sa paglabag sa Saligang Batas tungkol sa MOA.

Kaya naman tumatanggi na wala siyang nalalaman. Ang pagtangging ito ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit dapat manaog na siya sa poder. Hindi kailanman dapat mangyari na ang bansang Pilipinas ay pamumunuan ng isang sinu­ngaling na, ay taksil pa.

Huwag nating kalimutan na si GMA ay hindi halal ng ba­yan. Una, inagawan niya ng poder si Erap. Pangalawa, nandaya noong 2004.
Hindi humihinto ng pagsisinungaling. Hindi iniisip ang ginagawa. ‘Pag nabuking tumatanggi.

Sa aking palagay, maisasakripisyo si Gen. Hermogenes Esperon, ang adviser on the peace process ni Pangulong Arroyo. Sisisihin niya ang heneral at sasabihing hindi niya isi­nangguni sa kanya ang MOA.

Madali ang magsinungaling lalo kung sana na katulad ni Gloria Arroyo. Ang problema ay may naniniwala ba? Wala. Pero hindi naman importante sa kanya kung may naniniwala o wala. Manhid siya.

Ngayon ang maiipit dyan sa kalokohan nya, eh si Espiron Pulburon…nya..h.a..ha..ha..ha… buti nga sa kanya, isa rin siya sa dahilan kaya gumulo sa Mindanao eh….

Kung ako lang may Superpowers eh, gaya ni…….Superman…. ay ayoko nun, gusto ko pinoy superhero…..

Gaya ni….Captain Barbell…o kaya ni Darna…. o kaya Volta…Huh???

Basta, kung ako lang may superpowers, uunahin kong tulungan ang mga magsasaka natin, tutulungan ko silang mapaunlad ang Agrikultura sa bansa, para hindi na tayo aangkat ng langis….

kung ano man ang koneksyon ng bigas sa langis eh hindi ko rin alam….

Tapos, tatakutin ko yung sa World Bank na tanggalin na yung utang ng Pilipinas kung hindi gagawin ko silang pangtrapal sa saklaan sa Tondo.

Pag Ok na, saka ko sisipain palabas ng palasyo yung mga nakatira dun….

Kaya mga kababayan, sa darating na 2010, sanay ako’y huwag ninyong malimutan na ibo…

Ah’Kong : Hoy !!! Bakit ikaw kampanya….. iyo kwento kung saan saan na punta…ako lito lito na…ikaw parang bulbol, ikaw gulo !!!!


Responses

  1. bwhahahaha! gawan ko na rin nang entry to! tama yong sinabi nang Bayan, token sum’tin sum’tin lang naman ang sweldo nila. and i think i have it on my blog na milyon milyon ang allowances nila, again di pa kasali dyan yong mga tabi tabi anoh?

    kung matino talaga ang mga yan, yong kalahating bilyon pwedeng start nang matinong expressway para bumilis ang komersyo at ang bigyan nang inrease eh yong mga kawagngawa sa gobyerno at hindi sila. i mean, no brainer naman yon koyah di ba?

  2. meron pa ngang scenario si Ping Lacson, na kaya pinipilit iyang budget na yan, ay gagamitin sa election sa 2010…..

    namputakteng duling….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: