Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 2, 2008

Si Bunsoy

Alam mo ba kung paano ka nabuo ? Ang mommy mo kasi lagi akong kinakalabit, ibinili ko na nga siya ng gitara para yun na lang ang kalabitin niya pero talagang hindi maiwasan ang pangangalabit sa akin ng mommy mo.

Natutuwa kami ng mommy mo dahil kahit hirap ka sa paaaral hindi ka pinipilit mo pa ring matuto, nakikita namin na gusto mong matututo para hindi ka pinagtatawanan ng ate at kuya mo.

Nung sinabi sa akin ng mommy mo na nagdadalang tae… este nagdadalang tao na siya. at ikaw nga iyon, syempre na worry ako sa una kasi wala sa plano na bigla kang sumulpot, dahil medyo maliit pa si Kuya Flawless mo.

Alam mo ba na sa bahay ka lang ipinanganak ni mommy ? Oo, si ninang mo ang kumuha sa iyo sa loob ng puday ni mommy. Brown-out pa nun, tapos alas-tres ng madaling araw ka lumabas sa lungga.

Naalala mo pa ba na ako parati ang nagaalaga sa iyo ? Parati kang nakahalukipkip sa akin. Hindi ka humihiwalay sa akin kahit sandali lang akong mawala sa iyo, “Dada…???” agad ang bukam bibig mo, maaga kang nakapag salita noon…. kahit natutulog ka, hindi pwedeng hindi ka tatabi sa akin.

Nung iniwan kita 2 yrs old ka palang nun. Nagpunta na ako dito, para may pambili tayo ng enfalac mo. Natatandaan ko pa, karga ka ni lolo nun, nakatingin ka lang sa akin nung paalis ako. After 2 yrs nung magbakasyon ako, malaki ka na. Ang laki na ng ipinagbago mo. Habang lumalaki ka, nagiging magkamuka na tayo.

Pero super hyper-active ka naman. Pagbinitawan ka ni lolo mo, parang kang yung laruang “let’s go”, bigla ka na lang aarangkada ng takbo hanggang sa mapagod ka.

Nung pabalik na ako dito, nung nakita mo akong nageempake na, tinanong mo ako kung saan ako pupunta. Gusto mong sumama, sabi ko sige at isisilid kita sa loob ng maleta, natuwa ka naman. Hindi ko alam na sineryoso mo iyon. Nung araw ng alis ko, pilit kang sumasama sa akin, iyak ka ng iyak. Pati ako nun gusto kong maiyak kasi na-aawa ako sa iyo. Kung pwede lang na hindi na ako bumalik dito hindi na ako babalik pero kailangan eh.

Marami kang kalokohan na mga ginawa nung wala ako, lagi kang ikinekwento ng mommy mo sa akin. Natatawa na lang kami sa mga kalokohan mo. Pero minsan talagang super kulit ka, hindi ka na nakikinig sa amin ni mommy mo kaya parati siya naha-high blood sa iyo.

Sayang nga lang nung graduation mo sa prep wala ako, kahit sino sa inyo ng mga ate at kuya hindi man lang ako nakadalo kahit minsan dahil malayo ako sa inyo. Hindi ko man lang kayo nakita na umakyat sa stage suot ang mga toga ninyo.

Pero ok lang yon, dahil nakikita ko naman na lumalaki kayong mahusay at magalang sa kapwa.

Kaya sa araw na ito, gusto kitang batiin ng “Happy Birthday Bunsoy !!!”

Saka na yung regalo mo pag naka-uwi na ako….


Responses

  1. nakakaiyak talaga lalo’t palaki na ang bunso mo, at makikita ka nyang aalis na naman. ganun talaga buhay ng ofw. ngayon pa lang, hinahanda ko na ang sarili ko pagdating ng mga anak ko.

  2. oo nga, kaya payong kaibigan, hanggat maaari hwag mong sasayangin ang oras para sa mga tsikiting. enjoy mo habang bata pa sila dahil pag naglakihan na hindi mo na magagawa yun.

    kaya parang minsan naiisip ko nga, is it worth it ? na magtrabaho tayo malayo sa kanila ?

  3. Happy Birthday! pwede ko na sya ayain ng inuman? bwahahahaha!

  4. uy, pwede na…. baka nga talunin ka pa nyan. LOLs

  5. ganda ng kwento… kinnulang tissue paper dito… ung bathroom tissue tuloy ang ginamit ko… hehehe…

  6. tulo ba pati uhog…??? LOLs

    ganyan talaga pag nami-miss ang pamilya, tamang senti…..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: