Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 4, 2008

Ang Tao sa Bubong

Kausap ko ang aking wifey kanina lang, kwentuhan kami, kamustahan…. yung mga bata ok ba ? Mga ganun ba….

Tapos meron daw siyang sasabihin sa akin, nagaalangan pa nga na sabihin sa akin so kinulit ko.

Nung isang gabi raw, mga 11pm, may tao sa may bubong nung bahay, siguro naninilip o baka may iba pang gustong gawin. Syempre, medyo nagalala ako. Kasi wala ako dun eh, kaya pinag bilinan ko na lang sila na siguraduhing naka lock lahat ng pinto, bintana pag matutulog na sila.

Lalo na yung, unica hija ko, pinag bilinan ko na rin na ‘wag ng lalabas sa gabi, mahirap na, maraming sira-ulo ngayon.

Dun nga sa Parañaque, nung isang araw lang, nabasa ko sa newspaper, ni-rape yung kahera ng isang kainan, buntis pa yung bebot. Alangyang mga tao yan….

Kaya sabi ko, pa may tao ulit sa bubong, (siguradong babalik yon, kasi ang isang kriminal, laging bumabalik sa pinangyarihan ng krimen, ewan ko kung bakit), barilin nya agad ang puta, pero isa o dalawang putok lang, kasi pag dinamihan nya ang putok, murder na yon, intention to kill na yon. Naipa-blotter na raw niya, sabi nga ng mga Pulis Pangkalawakan eh baka taga doon din itong taong ito.

Ang hirap talaga ng malayo sa pamilya, hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong pangyayari. Buti na lang at wala ako, kung nagkataon na nandun ako baka pinagkukurot ko na sa singit yung futah na yon…..LOLs

Kaya mga kapatid na bloggers, ingat din kayo marami talagang luko-luko ngayon.

Inalis kasi ang death penalty eh, dapat ibalik na yan para mabawasan na ang mga demonyo sa Pilipinas.


Responses

  1. kakapraning nga yan pards.

  2. oo nga RJ, hindi tuloy ako makatulog sa gabi, lagi ko silang naiisip. pero wala naman akong magagawa dahil malayo ako sa kanila.
    pinagiingat ko na lang sila.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: