Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 8, 2008

Bisi-bisihan

Ilang araw na naman ako hindi nakapag post, madaming trabaho ngayon dahil Ramadan, at iba na rin ang working hours namin. From 12:00nn – 5:00pm tapos 8:00pm – 1:00am.

Putragis na yan, puyat ka na, gutom ka pa…. amputek hirap pag ganitong panahon dito sa Saudi. Tambak pa ang shipments namin dahil yung iba eh enroute muna sa Dubai bago dumating dito sa Dammam eh nade-delay. Ang masama pa ako ang kinukulit nitong Purchasing Manager na CEO, kung paano naging CEO eh ewan ko. Basta tawag ko sa kanya CEO kasi, lagi nyang sinasabi sya raw may ari ng kompanya….. kung paano siya naging mayari eh hindi ko lang alam, ang lakas ng tama sa ulo nitong ogag eh…LOLs.

Ang gusto ba naman, sabihin ko sa supplier sa China na pag hindi namin agad natanggap ang mga cargo, ibabalik na lang doon. Ang puta, paano ko kaya masasabi sa supplier yon eh, hindi naman kasalan ng supplier ang delay ng kargamento, nasa shipping lines iyon. Ang hirap kasi sa CEO, basta kung ano ang pumasok sa kokote, parang si Bayani F.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano naging Manager ito, HS lang ang tinapos, pero kung magaasta kala mo siya lang ang anak ng Diyos. Anakngtipaklong supot na yan…. ni hindi nga makabasa ng English ang putek. Iniisip ko nga kung paano sila nagkakaintindihan dun sa China eh yung ibang Chinese hindi rin marunong mag English….sakit sa ulo !!!!

Tapos pag ganitong may problema ako ang takbuhan nila, ako taga solve ng problema…… ok lang sana kung tinataasan ang sahod ko, pero hindi naman.

Hay naku, talagang it’s time to look for another job. Yung talagang nage-enjoy ka.

Mag artista na lang kaya ako….???? Hmmmmm…

(Ah’Kong : Oo… ikaw pwede… sa X rated, tutal sobra lipok mo…)

Hoooyyyy !!!! (hwag mo akong ibuking…..shhhhhhh !!!!!)


Responses

  1. kami naman dito, 5am to 11:30am, tapos 12pm to 1:30pm, kaya sagana kami sa tulog sa tanghali ngayon. hehehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: