Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 9, 2008

Sa Praning-ñaque

Laki ako sa Sto. Niño, Parañaque. Pero hindi ko na sasabihin kung saang street.

Dun ko din sa lugar namin na iyon, nakilala ang inasawa ko…. este … napangasawa ko. Nung araw masaya dun, yung likod namin, na naging Casino na ngayon, dati, irasan yon, (asinan). Tapos may maliit na ilog dun sa mismong likod namin.

Naalala ko pa parati akong namimingwit ng mga panty na nakasampay isda dun mismo sa maliit na ilog na yon dahil ubod ng linis nung araw yon. Kaso yung ibang nakatira dun sa lugar na yon, ginagawang kasilyas itong ilog na ito, kaya pag nag swimming ka siguradong may lulutang-lutang na akala mo chocolate bar….. asuskopo… at siguradong maguunahan kayong umahon…LOLs

Nang tinayo na yung Casino, unti-unting namatay yung ilog. Hindi na nakakadaloy yung tubig, nawala na rin yung mga isda. Kaya hayun konting ulan lang, para ka nang nasa gitna ng dagat at mabilis lumaki ang tubig.

Parati rin akong nagpapalipad ng saranggola noon dun sa bubong namin. Dahil malakas ang hangin dun sa lugar na iyon. Kasi dati open space yon dahil sa airport. Lagi akong gumagawa ng saranggola na yari sa lumang dyaryo, tapos walis ting-ting ang gamit ko, parati ng akong napapagalitan ng lola ko noon dahil nauubos yung walis eh. Ang pangdigit ko yung kaning lamig, maghahalungkat ako sa kusina… kapag wala… yung kulangot ko na lang, para namang mighty bond ito pag dumikit eh…. tapos ang tali na gamit ko kung hindi yung sinulid yung pang gantsillo ng lola ko…taka nga siya bakit biglang nawawala yung mga sinulid eh…LOLs

Naalala ko noon yung bumagsak na eroplano, ilang metro lang ang layo sa street namin. PAL yon eh, dun nakasakay si Romualdez, hindi ko lang matandaan kung yon ay kapatid ni Imelda. Maraming namatay dun, kitang kita ko noon yung eroplano, tumama pa sa may puno ng buko namin yung propeller ng eroplano.

Nung magbinata na ako, yung mga siga-siga sa lugar na iyon, naging mga katropa ko rin. Maganda ang samahan namin doon. May kanya-kanya rin kasing tropa ang mga taga doon. Pero magkakakilala, kung sakaling mapa-trobol ang isa, siguradong tutulungan ka ng ibang grupo. Marami ring mga adik sa lugar na iyon. Pero marespeto sila sa mga matatanda, saka nakak-tuwa na nakakapraning kausap mga yon.

Meron nga minsan eh ganito…..

Adik 1 : “Pre gandang T-Shirt mo ah…. san mo nabili yan ???”

Adik 2 : “Dun….(sabay nguso)…”

Adik 1 : “Saan nga…?”

Adik 2 : “Dun nga….(sabay nguso ulit)”

Adik 1 : “Bakit ba ayaw mong sabihin kung saan…?”

Adik 2 : “Eh kung bumili ka rin dun…?”

Ampotek, pag ganito mga kausap mo mapapraning ka rin talaga. Minsan naman ganito…..

Adik 1 : “Puta pre, ginabi kayo kaninang umaga ah… saan ba kayo galing?”

Adik 2 : “Dun sa ‘layo-lapit pre….”

Toink !!! Amputers na yan…. LOLs.

Minsan nung nakatambay kami dun sa kubo sa tapat ng bahay nung barkada ko. Nakita namin yung isang adik-adik, matinatago dun sa ilalim ng bubong ng tindahan. Alam namin na ipinagbabawal na utot yon hindi na namin pinansin.

Tapos umalis na si adik-adik, nung matapat sa amin, “pre san punta, bihis na bihis ah…”

Adik-adik : “punta ako dyan sa binyagan….kina pareng ******”

Itong isang barkada ko, maluko ang mokong. Ginawa kinuha yung itinago ni adik-adik at tiningnan kung ano yon. “S” pala…. etong si mokong umuwi bigla at pag balik nakangisi tapos binalik na yung maliit na plastik ng “S” dun sa taguan ni adik-adik.

Maya-maya lang bumalik si adik-adik at kinuha yung tinago niya. Malamang hihititin na yon sa handaan.

Eto kamo, mga ilang minuto lang, humahangos si adik-adik at galit na galit dun sa isang kaibigan nya: “Pu^$&#!#ng nyan si *****, niloko ako dito sa binili ko ….!!!!”

Kami naman, medyo nagulat kasi sa amin nagsusumbong…. sabi na lang namin hayaan nya na lang at kausapin ng maayos… ilang minuto umalis na si adik-adik.

Itong si mokong, tawa ng tawa, kanina pa pala pinipigil yung tawa niya…

Tropang Kulangot : ” “Bakit ka tawa ng tawa dyan ?”

Mokong : “Eto kasi yung “S” sabay pakita sa amin nung maliit na plastik…”Pinalitan ko ng “tawas” yung nakatago dun….nya..ha..ha..ha..ha..

Tropang Kulangot : “Langya ka mapapahamak pa kami sa kalokohan mo…. !!!” (sabay sigawan ng “tara…tirahin na natin yan..!!!!” LOLs)

Mapapraning ka talaga sa Praning-ñaque……LOLs


Responses

  1. astig pre.l..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: