Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 18, 2008

Ahhh….Sir ??..Bossing..??..Amo???…HOY !!!

Nakaranas na ba kayo na magpunta sa isang Mall or sa isang medyo class na shop tapos walang pumapansin sa iyo dahil mukha kang isang yagit ???

Nangyari sa akin ito noong umuwi ako ng 2002 para mag bakasyon. Wala noon ang wife ko, umalis kasama ng hipag ko. Ang mga kids naman nasa school. Dahil wala akong magawa sa haybols, ayoko namang mag ja…ging, eh naisipan ko na lang mag punta ng SM-Jologs. (sa Sucat).

Nagpa-palit na rin ako ng limpak-limpak salapi, (huh??…biglang dumilim ang paligid ah….???), dahil hindi ko naman inintrega lahat sa misis ko, syempre, nagtira din naman ako ng para sa akin. (Yun nga lang eh…ilang araw, na-sekwester din naman….parang PCGG)

Ayun na nga, nung mapapalitan ko yung dala kong dolyares, nagikot-ikot muna ako sa loob ng mall, (habang bit-bit ko yung isang bayong na puro piso..LOLs), ng makita ko mula sa labas yung isang napagandang bag na ireregalo ko kay misis. Sa tingin ko medyo sosyal yung shop, pero pinasok ko pa rin at tinanong ko yung lalaking sales clerk….

Ako : “Ahhh…Sir…?”

Sales Clerk : hindi kumikibo……(aba parang walang narinig…)

Ako : “Bossing….magkano yung bag…?” ganda pa ng tono ko at medyo pa cute…

Sales Clerk : tiningnan lang ako…

Tapos may pumasok na lalaki rin, naka japorms, naka neck-tie promang yuppie ika nga, nagtanong din dun sa sales clerk na inasikaso naman. Dahil sa hindi naman ako bastos, (sa kama lang), na basta na lang sisingit sa usapan nila….hinintay kong matapos.

Nakita ko wala rin naman binili yung si japorms….puro japorms lang pala….

Ako : “Amo….magkano yung bag” sabi ko ulit…..

Aba para na namang walang nakita at narinig yung Sales Clerk, dun na ako napikon…… “HOYYY !!! PUT****NA MAGKANO BA LIMANG PIRASO NG BAG NA YAN !!! ” sabi ko, tapos nilabas ko yung pinapalit kong pera, “Gusto mo isampal ko sa iyo itong pera ko, dahil ba ganito lang ang itsura ko, hindi nyo na ako papansinin ??!!!” kako, (Dahil parang nakapag bahay lang kasi ang suot ko), “Nasan ang may ari nitong tindahan nyo ???!!!”

Eh di natameme silang lahat dun sa loob ng tindahan…..Sorry ng sorry yung manager, bibigyan nya raw ako ng discount….sabi ko “Hindi na, sa kabilang tindahan na lang ako bibili mga tungak !!!!”

Kaya totoo ang kasabihang….

“Don’t judge a book by its Cover ”

Meron din isang insidente, totoo itong nangyari….sa isang building sa Makati, nakita nung isang gwardya, may isang igorot dun sa pintuan, papasok sa opisina nila…..naka amercana pa yung igorot pero naka bahag nga lang.

Sabi nung gwardya, eh “bawal po manghingi ng limos dito”, tiningnan lang siya nung igorot sabay sabi “I want to talk to the manager”. Nagulat yung gwardya, ingelesero pa ang linsyak na yan…..

Sinabi nung gwardya sa manager, na may igorot dun sa lobby at gustong pumasok.

Tiningnan nitong manager kung sinong igorot itong sinasabi ng gwardya…

“Ay naku si Mr. ***** pala yan……” sabi ng manager sabay pinapasok yung igorot….

Binulungan nung manager yung gwardya…..”Hindi mo ba kilala yan, yan ang may ari ng isang Bus Company, may order sa atin yan ng limang Bus…”

Hindi lahat ng pangit sa mata eh wala ng kwenta, may kasabihan nga tayo na….

“Pangit man at dukha sa tingin…….

“Naka-bubuntis din !!!!”


Responses

  1. hahaha~!! kakabadtrip nga yan! at parang insulto naman yung nanghihingi ng limos kasi nakabahag? aba!

  2. kabad-trip talaga….kaya pag nagpupunta na ako sa mga malls naka barong na ako, para sigurado….LOLs. Saka insulto rin talaga porket naka-bahag eh, nanlilimos na…. di nila alam saksakan pala ng yaman yung igorot.

  3. Dagdagan ko iyung saying mo… “Don’t judge a book by its cover… if you are not a judge”… hehehe…

    Nothing bad with wearing bahags. Nasa kultura naming mga Igorot iyan. Igorots in New York wear bahags and beat their gongs in New York parades. Just a group of people wearing their traditional costume. And people appreciate them.

    – Kamulo
    SaGaDa-iGoRoT.com
    blog of the SaGaDa-iGoRoT

  4. Uy…thanks at napadalaw ka dito sa munting blog ni Ah’Kong…..

    Korekek ka it doesnt matter kung ano pa ang suot ng isang tao, dahil damit lang iyon… ang importante eh how to stand-up with dignity…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: