Ipinaskil ni: ahkong | Setyembre 20, 2008

Nang Sumambulat ang Lagim

Way back noong mga 1998 or 1999, bumabyahe ako from Manila to Cauayan, Isabela. Nandun kasi yung isa kong hipag, yung bilas ko dun, na barkada ko rin, (oo siya rin yung kasa-kasama ko ngayon sa Pangasinan), may sarili dati silang negosyo na Chartered Flight. May dalawang Cesna sila, ang biyahe, Cauayan to Palanan. (May kaya itong bilas ko na tubong Bagiuo).

Nung nandun pa ako sa Pinas, kinontak nya ako para gawan ko ng accounting program yung Northern Air, (pangalan ng company nila), o sige kako, tutal wala naman akong masyadong ginagawa rin sa Manila eh, bumyahe ako papuntang Cauayan, Isabela.

Nakngpating na bungal, napakahaba palang biyahe paputa dun, almost 9 to 12 hours. Tapos ang dadaan eh, pagkatataas na bundog hibok-hibok. Sa pagkaktanda ko eh, dadaan pa sa Mountain Province.

Pagkatapos ng mahabang biyahe eh nakarating din naman ako ng matiwasay dun sa kanila. At inumpisahan ko na agad ang Accounting Program, using D-Base III+. (Pentium II pa lang yata ang latest na compuer nun eh). After ng mga ilang araw, natapos ko naman. Paspasan ang gawa ko para makapag-enjoy, dahil kauna-unahan kong nakarating sa malayong lugar. (Ito ang pinaka malayo kong napuntahan sa Pinas).

Nung i-test run ko yung ginawa kong program, ok naman, hindi ko na ginawan ng maraming borloloy, basta basic lang.

Sabi ni Bilas Putol, (putol kasi tatlong daliri nya eh, paglaruan ba naman ang granada na may firing pin, eh di sumabog) sama ako sa Palanan. Ok sabi ko. Sakay na kami ng Cesna.

Langya, para akong nakasakay ng Ferris Wheel ang puta. Nakakalula na, tapos ang lakas pa ng turbulance sa itaas dahil maliit na eroplano lang eh. Yung katabi kong isang babaeng pasahero, suka ng suka eh…LOLs. Almost 30 minutes din ang biyahe, ng lumapag na kami sa Palanan, datingan na yung mga boys niya at ihahanda na ulit yung eroplano para sa next na flight kinabukasan.

Nagpunta kami sa isang baryo, hindi ko alam kung anong baryo yon pero, nasa dagat na. (Ang kabila ay Pacific Ocean na), bago makarating dun, sumakay pa kami ng bangka, na isat-kalahating oras yata ang biyahe…

Nung gabi na, syempre, tomaan to da max…. ang puta sobra lamig dun sa lugar na yon dahil malapit na sa Pacific Ocean. Hindi ako malasing lasing dahil sa lamig. Gin Bilog pa yung iniinom namin, nung medyo may tama na ako, sabi nung pilotong kasama namin, “Pre gusto mo ng tsiks…..kukuha kita…”

Syempre, lasing na ko… “okhee…prhee…..khuhaa khaa…”

Eto na kamo, ginu-gud taym pala ako ng mga kurimaw, dinala ba naman yung parang ita…kalimutan ko tawag dun sa mga katutubo sa Palanan eh… maliit na kulot ang buhok tapos, maitim….parang negrito ika nga…

Langya, nawala yung amats ko eh…bigla akong nahimasmasan, ang mga kurimaw tawa ng tawa, inom na lang ulit !!!!

Dito ko rin lang nakita ang mga ginagawang daing na isda eh mga Lapu-Lapu, pag gusto mo ng mga Yellow Fin or Blue Marlin, magpapahuli ka lang sa mga tao dun at ilang oras lang eto na at dala na yung order mong pagkalaklaking isda. Yung bituka nga ginawa naming parang isaw ng baka eh, (tsalap….LOLs)

Kinabukasan, balik na kami ng Cauayan, sakay na ulit kami ng Ferris Wheel. At mga ilang oras lang, sumakay na ako ng Bus papuntang Manila.

Nung nakasakay na ako ng Bus, may sumakay na isang magandang chikababes, at dahil yung tabing upuan ko lang ang bakante, dun siya umupo sa tabi ko.

Medyo sulyap ng konti sa katabi, baka kako gustong makipag-kwentuhan….(tungak !!!)

Nung nasa mga bundok na kami, bawal huminto ang Bus dito, dahil zig-zag, ang next stop ng Bus pag baba na, sa may mga Siesta. Medyo umidlip ako ng konti….

Bakit ganun, kako…masama yung naamoy ko….

Nung mapansin ko, yung katabi kong chikababes, hindi mapakali sa upuan nya at parang pinagpapawisan ng malamig…..

Nakupooo…kako sa sarili ko, pigilan mo yan at pag yan…..

Ayun na…!!! Biglang nangamoy sa loob ng bus, eh Aircon Bus….Asus ko poooo….

Naaawa ako dun sa chikababes dahil, syempre, nakakhiya di ba ? Eh nasa medyo gitna pa kami ng bundok, hindi pa rin pwedeng huminto ang bus….

Nung makarating kami ng Siesta…..syempre, naglabasan yung mga pasahero, pati ako… kain muna ng tapos yosi…

Nung balikan na sa bus, hindi na sumakay yung chikababes, hindi na bumalik sa tabi ko.

Kaya ang moral story natin ngayon…..

“Bago bumyahe ng malayuan eh…..jumebs muna”


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: