Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 12, 2008

Patibayan ng Sikmura

“Dad…outing naman tayo. ”

Sabi ng anak ko nung nagbakasyon ako minsan. “Sige…pag dating nila Lola mo.” kako sa anak ko.

After one week, eto na nagdatingan na yung mga kamag-anak namin galing Manila. Me kasama pang Hapon na nanliligaw dun sa pamangkin namin.

Ayos, malilibre ng gastusin…LOLs.

Sabi nung bilas ko, “Dun tayo sa Alaminos…may kaibigan ako dun may ari ng resort.”

Pagkatapos makapag pahinga ng mga bisita namin, tumungo na kami sa Alaminos.

“Saan ba yon ?” tanong ko sa bilas ko….dahil hindi pa ako nakakarating dun.

“Malapit lang…” Sa mga oras na yon nandun kami sa bahay nila sa Cabaluyan sa Mangatarem.

“Kuya dun na tayo sa likod ng pick-up….” sabi ng nakakabatang kapatid ng misis ko.

So ayun nga, nandun kami sa likod ng pick-up, kasama ko yung ibang pamangkin namin ng bumuyahe kami paputang Alaminos.

Siguro tumatakbo na kami ng mga ilang oras, tanong ko dun sa bilas ko kung malayo pa ba…. “malapit na…” sabi niya…

Ampotek na yan, umalis kami ng Mangatarem ng 6pm, maga-alas dies na bumabyahe pa rin kami…. eh maginaw na, naka sando lang ako tapos lumalamig na yung simoy ng hangin. Nakngtsonggongpuyat….ang haba ng biyahe…

Kaya dun ako naniwala na pag sa mga taga probinsya ka nagtanong panay “malapit lang” ang isasagot sa iyo….

Nakarating kami ng Alaminos mag 11pm na. Tuwang tuwa si Yakuza eh…(putol ang maliit na daliri, kaya Yakuza tawag namin). Maganda yung lugar, kaso talaga lang malayo pag hindi ka sanay.

May ilan-ilan ding mga madlang pipol dun sa resort.

Nung naibaba na namin ang mga gamit, tomaan na syempre. Ihaw ng isda, tahong, pusit at kung anu-ano pang pwedeng i-ihaw. Yung nga lang dahil sa pagod sa biyahe, hindi kami masyadong naka-laklak mga ilang bote lang, nag pahinga na rin kami dahil gabi na, tapos sobrang lamig.

Eto na kinaumagahan….

Pagkagising ko, binigyan ako ni labidabi ng cafe. Eh medyo nagugutom ako, halungkat ako ng kaldero….ayus may kanin pa….hanap ng ulam, meron kaso niluluto pa.

Nakita ko yung talaba, hala, kahit umagang umaga, binanatan ko yung talaba, sayang eh, peborit ko pa naman yon.

Tapos sinamahan ko yung mga kids ko nag magtampisaw dun sa dagat. Enjoy to the max yung mga bata. Nagbabad lang ako ng konti pang alis ng sakit ng ulo tapos umahon na ako.

Nakita ko yung misis ko nandun sa isang sulok, kako, ba’t nandyan ka…

“Ay…ayoko ngang umitim, kaya nga nandito ako sa lilim eh.”

Sabi ko, “…kaya ka nga nandito sa beach eh, para magpa tan. Tingnan mo kulay mo, para ka ng kulang sa dugo sa puti mo.”

Ewan ko ba sa mga bebot na pinay…bakit gustong-gusto pumuti eh mga kayumanggi naman talaga tayo ??? LOLs

Eniweys, after mananghalian, balik na kami ng Mangatarem…..ano pa nga ba eh di nandun na naman kami sa likod ng pick-up.

Pagdating sa Mangatarem, dun na kami nag tomaan to da max. Nung medyo may amats na yung bilas ko, aba, tinawag yung mga boys nya at nagpa lechon ng baboy. (masam palang nalalsing ‘to…LOLs)

Sarap na sarap si Yakuza eh. Nag enjoy din siya, gustong-gusto nya yung beer natin eh. Iba raw ang lasa, masarap daw. Bilib din ako sa Hapon na ito. Hindi marunong mag english, pero talagang nag punta sya sa pinas, kahit sya lang mag-isa.  Eh etong bilas ko half Japanese kaya medyo nagkakaintindihan sila. Ako naman konti lang alam kong nippon-go, pero naiintindihan ko ng konti yung mga pinagsasabi nya.

Kinabukasan, pagkatapos ng mala – pyesta na araw eh, nag uwian na rin kami. Yung mga biyenan ko at ibang kamag-anakan eh bumalik na ng Manila. Kami naman eh tumuloy na sa Bayambang.

Eto ang, masama ang pakiramdam ko, nilalagnat ako tapos ang sama ng tiyan ko. Nagje-jebs ako maghapon. Buwisit na yan….

“Ayan kasi….tirahin mo ba naman yung talaba ng ke-aga, kala mo kaya ng sikmura mo. ‘no?” pangaasar ng asawa ko….

“Tapos, nagkanda langu-lango kayo, kagabi…..etsetra…etsetera….”

Wa ako sey….tinakpan ko na lang ang tenga ko…LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: