Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 15, 2008

si Raul-O Bumanat na naman !!!

Ayaw ko talagang magsulat dito sa blog ko ng tungkol sa nangyayari sa bansa natin, pero talagalng hindi ko maiwasan ang maasar ng ober to da max.

Bumanat na naman itong tuta ni Doña Gloria, sino kanyo ??? Sino pa eh di si Seksektari siRaul-O.

Ang nakakainis lang talaga mga katsokaran, eh pinagtatanggol pa nila si Tetehanki na isang certified virgin ?? smooth criminal…anakngtsonggongduling naman oh.

Talagang asar-talo na naman tayong mga Pinoy. Biruin nyo, isang convicted killer, na namuhay sa loob ng Munti na parang hari, binigyan ng parole…. ang justification ni siRaul-O kung bakit binigyan ng parole ang isang convicted killer dahil sa mabait naman daw at nagsisisi, eh luko-luko naman pala talaga tong siRaul-O. Walang kapatawaran ang krimen na ginawa ni Tetehanli……ohmygulay ano na ang nangyayari sa inang bayan namin ???

Basahin natin ang editorial ni Mr Jake Macasaet, tungkol kay siRaul-O.

JAKE MACASAET

Kung hindi ba naman maluwag ang tornilyo ng utak nitong si Justice Secretary Raul Gonzalez, dapat pa ba naman niyang insultuhin ang mga magulang ni Maureen Hultman sa pagsasabing umapela sila sa Dios, kung gusto nila.
Wala naman siyang ibig sabihin kundi ang Pangulo ng Pilipinas lamang ang may karapatang magpatawad sa isang kriminal. Ang masama nito, sinisi pa ni Gonzalez ang mga magulang ng teenager na pinatay ni Claudio Teehankee Jr. dahil hindi raw naman sila tumutol sa pagpapatawad kay Teehankee noong unang pag-usapan ang bagay na ito noong 1999.
Tumanggap pa raw ang mga Hultman ng higit pa sa P6 na milyon bilang kabayaran sa perwisyo sa pagkamatay ni Maureen.
Ilang bagay ang hindi ko mapaniwalaan sa paliwanag ni Gonzalez. Una, nahatulan si Teehankee ng pagkabilanggo ng 40 taon sa pagpatay kay Maureen at nabigong pagpatay sa isa pa noong 1991.
Ibig bang sabihin ni Gonzalez, papayag ang mga Hultman na patawarin si Teehankee walong taon pa lamang makaraan patayin si Maureen? At pagkatapos tumanggap ng anim na milyon mula kay Teehankee. Kulang pa sa kalahati ang pinagdusahang sentensya, papayag na kaagad ang magulang ng biktima? Hindi ako naniniwala.
Sinabi ni Gonzalez na may pinirmahan daw si Anders Hultman, ama ni Maureen, na isang dokumento na nagsasabi na hindi sila tumututol sa pinag-uusapang pagpapatawad o pardon.
Sige nga Sir Raul, ipakita mo nga sa madla ang pinirma­hang kasunduan para hindi na umapela ang mga Hultman at sa Dios na lamang, tulad ng mungkahi mo.
Sinabi mo rin Sir Raul, na mabait naman at maayos ang naging pamumuhay ni Teehankee sa loob ng Munti. Bakit nga naman hindi gayung para namang hindi umalis ng bahay si Teehankee.
Dahil siya ay malakas at mayaman, pinabayaan siyang magkaroon ng sariling kwarto sa Munti. Kumpleto. May TV, maraming pagkain. Malambot ang kama. Tatlo pa ang unan na nakita namin sa litrato na inilabas ng Philippine Daily Inquirer. Kung ‘di pa naman niya ayusin ang kanyang buhay sa dami ng prebilehiyo na pinayagan ng gobyerno, dapat sa kaharian ni Satanas siya ikulong.
Ang maayos na pamumuhay o good behavior ang naging dahilan upang bigyan si Teehankee ng pardon ni Pangulong Arroyo. Para bang ang mga malalakas at mayayamang kriminal lamang ang may kakayahang magsisi sa nagawang kasalanan. Hindi naman tama iyan. Kung pantay-pantay ang pagpapatupad ng batas, di ba dapat si Teehankee ay kasama ng iba pang kriminal sa maliit na kulungan at ang pagkain – almusal, tanghalian at hapunan – ay rasyon ng Bureau of Prisons?
Iba si Teehankee at katulad niyang malakas at mayaman. Sagana sa lahat ng bagay at madali pang ma-pardon. Iyong mga mahihirap na kriminal, hindi marunong magsisi. Kaya kung ilan mang taon ang sentensya, tinatapos nila. Sa masikip at maliit na kulungan sila inaabot ng katandaan.
Matanong ko nga kayo, Sir Raul, nirerepaso rin ba ninyo ang record ng mahihirap na kriminal na ngayon ay nakakulong at magdurusa habambuhay?
Kung ganun, puwede po bang makita ang resulta ng repaso ninyo para naman malaman namin na pantay ang pagpapatupad ninyo ng batas sa kulungan?
Hindi ba kayo nagtataka? Sinasalo lahat ni Sir Raul ang sisi na nakapukol kay Pangulong Gloria Arroyo? Bakit si Sir Raul ang magpapaliwanag?

Hindi naman siya ang nagbigay ng pardon?
Bakit hindi si GMA ang magtanggol sa pardon? Siya lamang naman sa buong bansa ang may karapatang magpatawad ng mga kriminal, lalo na iyong mayayaman at malalakas tulad ni Teehankee, panganay na anak ni Claudio Teehankee, Chief Justice noong panahon ni Pangulong Corazon Aquino.
Dapat kasali rin si Cory sa pagdedepensa sa pardon, pero hindi siya nagsasalita. Alam niya na dapat magdusa ang anak ng dating punong mahistrado. Karapatan naming mamamayan na nagbabayad ng sahod at iba pang prebilehiyo ni Sir Raul na malaman kung paano ang pamumuhay ni Teehankee Jr. bago niya pinatay si Maureen Hultman at si Chapman na isang bata ring Amerikano.
Totoo ba na ang batang Teehankee ay drug addict? At lango siya o bangag sa ipinagbabawal na gamot noong walang awang patayin niya si Hultman at si Chapman?
Kung ang balitang iyan ay totoo, hindi dapat bigyan ng pardon si Teehankee. Maraming nakakulong sa Munti dahil sa droga, pero hindi sila pumatay tulad ni Teehankee.
Malaki ang sugat na ibinigay ng pardon kay Pangulong Arroyo. Kaya naman wala siyang kibo. Si Sir Raul na lang ang nagpapaliwanag. Akala naman niya ay sikat siya. Hindi niya alam na ginagamit siya ni GMA. Siya lamang ang hindi nakakaalam. Alam naming lahat.
Sa madaling salita, walang katarungan sa bansang Pilipinas. Kung meron man, para sa mga mayayaman lamang ito. Wala para sa mahihirap na dinaya ni GMA sa halalan noong 2004.
Baka nga tama si Sir Raul. Sa Dios na lamang umapela ang mga Hultman.

Hindi pa siguro handa ang Dios na tanggapin ang apela. Palagay ko, hinihintay pa niyang magkasala pang muli si Sir Raul at si GMA para maghain din sila ng apela kung mahusgahan ng Dios. Ang hirap, wala yatang apela sa Dios kung sa kanyang tingin nagkasala ang isang tao dito sa lupa.
Hindi ka niya tatanggapin sa Kanyang Kaharian. Doon ka ipapadala sa lugar na mainit. Walang ulan. Puro apoy.

——————–

Hayy naku….. sana mapag isip-isip ni siRaul-O ang mga pinagsasabi nya. Dapat dito kay siRaul-O pumunta ng Quiapo Church, tapos magmumog ng Holy Water para mawala ang kabastusan ng dila niya.

Mayrun akong kilalang ganyang tao, matapobre, bastos, ang tingin niya sa sarili niya napakataas na tao, kung tutuusin eh, langaw lang na nakatungtong sa kalabaw ika nga. Ang tawag nga sa kanya ng mga taga sa amin nung araw si Demonyo….

Bago namatay tong tao na ito, pinahirapan muna siya, kung anu-anong sakit ang dumapo sa kanya, almost 1 year na comatose bago siya nalagutan ng hininga.

Malamang ganyan din ang aabutin nitong siRaul-O, baka mas masahol pa.

Teka..teka sumisigaw ang Tropang Kulangot….

TK : “Ipako sa Krus !!!!”

Tapos ???

TK : “Balatan ng Buhay !!!!”

Tapos ???

TK : “Ilublob at isawsaw sa loob ng drum na puno ng patis !!!!”

Aray ko !!! Ang sakit yata non !!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: