Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 21, 2008

Da Ispay Hu Labs Me

Lintek na yan…..

Sama ng araw ko kahapon…. nadale itong PC ko ng lintek na Adware/Spyware na yan. (Kung anu-ano kasi ang dina-DL eh….LOLs).

Nadale ako nung “svchst.exe” akala ko para sa Windows Media Player update, so click ko… nakngtsonggonglasing….

Biglang nagkarun ng SMART Anti-virus tapos nakalagay critical ang systems, so click ko yung quarantine…. bigla akong napaisip… anak ng tinapa !!! wala naman akong SMART Anti-Virus !!! Patay kako..eh nai-click ko na…ayun pati yung mga ibang PC na nasa network ko, nagkaluko-luko na rin. Ang malala pati yung sa DSL connection nadale rin yata….ohmygulay !!!

Bago pa magkabukingan at malintekan ako, eh format ko agad yung C: (wais eh). Nung ipo-format ko na, nagka-error sa…huh?? anu ?? May corrupted na files.

Ginawa ko in-update ko yung Windows. Saka ko finormat….

Ayun ayos !!! Yeheyyy !!!!

Nung matapos ko ng maiformat…. binalik ko lahat nung mga kailangan mai-install. But na lang naka partition ang HD ko, hindi nadale yung drive D:/ ….. (thank you Lord !!!)

Kaso sa kasamaang palad eh, wala kaming DSL at may problema sa telephone systems na talaga… ngayon lang hapon naayos…kaya…

Tuloy ang ligaya !!!! Yahooooo !!!!

Kasabihan nga : “daig ng maagap ang masipag”…. LOLs


Responses

  1. sakit talaga sa ulo ung mga ganyan… ung sakin dati… svchost.exe, bar113 at kung anu-ano pa…

    kakareformat ko… bumigay na yata ung motherboard… sa katagalan na cguro.. laspag na..

    ayan.. bago n pc ko.. lol

  2. pareho din yata ang nakadale sa akin….(kasi pilit na binubuksan yung isang file na bawal LOLs)
    ayun ang nangyari….LOLs

    kaya bago ako magbukas ng mga na-DL, virus scan muna….para sigurado

  3. familiar ‘yung filename. parang nangyari na sakin dati ‘yan.

    good problem-solving!

    -tenco

  4. Ganun talaga ginagawa ko pag hindi maayos sa ibang paraan, format ko agad ang drive C:

    Pero kung may paraan pa na iba, hindi ko i-format yung C:, pag kasi madalas ang pag format, nagagasgas yung pinaka disk nya, numinipis, parang ganun… dun nagsisimula yung bad sectors, tapos kala mo deasel na yung HD mo dahil habang naka-on ang lakas ng tubog…LOLs

  5. naku buti ka pa matalino kasi ako rin nadale ang PC namin pero wala na pag asa.. as in bumigay na lang siya . di ko kasi alam yang mga magic mo at lalong walang alam itong mr. ko. ang masama pa naman niyan eh one week akong naglinis ng computer at ililipat ko na sana yung files ko sa external drive .. aba biglang di na nag on yung computer.. !! so ni run ulit yung windows.. ayon bumalik yung computer sa june 2008 yung last back up ko..😦 wala nasayang one week work at wala na yung emails ko — baka naman alam mo pano i solve yon?? imporant yung mga email address ko eh .. asar talaga

  6. wow! trobol maker este shooter! heheh..

  7. @sis pokwang – kung bumalik ng june 2008 ibig sabihin nag boot sya sa last known system. Yung mga emails mo or datas nandyan lang sa loob yan. Hwag lang ma-corrupt yung file. Ang pwede mong gawin, ikabit mo sa ibang PC yang HD mo. Gawin mong Slave Drive para ma-access mo yung HD mo at ma retreive mo yung mga files mo.

    @Sweetlady – LOLs korekek trouble maker talaga……ahihihihihi


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: