Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 25, 2008

Da Ispay Hu Labs Me 2 – The Revenge

Akala ko ok na tong PC ko…. nakngpating !!!!

Ni-resbakan ako nitong Spyware… hindi lang isa kundi ‘sang katutak na virus, spyware saka adware ang umatake sa console ko.

Nung una, ok na… petik pa ako, aba biglang hindi ko na mabuksan ang drive C: & D:

Tapos, yung web browser ko laging nagbubukas sa website sa China… huwaaattt !!!!

Ginawa ko, check ko ng PC Tools Anti-Virus, langya, ang dami, hindi kayang tanggalin ng PC Tools lalo na yung mga Spyware and Adwares. Download ako ng Spyware Terminator… scan ko yung PC, ganun din, dade-detect nya pero quaranteen lang ang ginagawa niya, hindi nya matanggal sa systems. Ang masama pati yung drive D: ko nadale na rin.

Tiningnan ko yung scan report, isang file lang sa drive D: ang nadale, buti hundi yung files para sa office.

Format ko ulit ang Drive C:, pagkatapos, ok na yung drive C:, yung drive D: na lang ang problema ko dahil nandun nangagaling yung virus… ginawa ko nilipat ko sa drive C: yung mga files ng sa office.

Tapos tinawag ko si pareng Karspersky at pina i-scan ko yung drvie C:…… ok walang nadetect na virus…..

Bago pa magkaloko-loko ang mga files ko, pinormat ko na yung D:/…….eh di tanggal ang walanghiyang virus, spyware, adware at kung anu-ano pang tapperware…..whew !!!

Malamang sa torrent file ko nakuha itong virus na ito eh…. kasi naman kung anu-anong kalaswaaan ang pinag da-download…LOLs

Lesson : “Kung gusto ng pelikula…. bumili na lang sa Muslim ng devede… huwag ng mag DL ng torrent…libre nga… mataas naman ang risk na may virus….”


Responses

  1. websayt ng CHINA!? ahaha… peste talaga ang tsina na yan… lahat n lng gusto ipahamak…

    pekeng selfon, bird flu sa manok, hand&foot disease sa baboy, melamine sa gatas… ngayon naman virus sa internet? lol…

  2. world domination yata gustong gawin nitong mga taga tsina….LOLs

    matanong nga si Ah’Kong….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: