Ipinaskil ni: ahkong | Oktubre 27, 2008

Sel Pon

Wala talaga akong kabalak-balak na bumili ng sel pon…. talagang pinanindigan ko na ako lang yata ang tanging pinoy dito sa Saudi na walang sel pon. (pang Guiness yon….)

Medyo nadala kasi ako, lahat ng inuwi kong sel pon eh, nagkanda wasak, hindi ko alam kung paanong gamit ang ginagawa ng anak ko kundi man nawasak eh nawala…anakngteteng….

Katulad na lang nung huling uwi ko, 2 years kong pinag ipunan yung N70, aba pag uwi ko 2 months pa lang kinuha na ng aking pinakamamahal na asawa at hindi ko alam kung saan na punta, baka na kay Cebuana na ang pootah…. syempre, away… (isipin nyo na lang 2 taon kong pinag ipunan… tapos ganun lang mangyayari, ba sama ng loob ko eh…)

Kaya sabi ko sa kanya, hinding-hindi na ako bibili ng sel pon, dahil nasasayang lang. Ok lang sana kung napulot ko lang kung saang tabi-tabi yon, kaso ilang buwan ko ring syempre pagiipunan yon, kung minsan tinitipid ko ang badyet.

Kaso masisira ko yata ang pangako kong hinding-hindi na…..

May ibinebentang mobayl pon sa kin yung kasamahan kong Indyano at mura lang daw….pinakita sa akin….

WTF !!! Baka gusto nitong Indyano na ito ihampas ko sa muka niya tong mobayl pon na ito eh…. lakas mang asar ng unggoy !!!!

Pero mukang maganda, sa laki ng baterya nito kahit siguro 6 months kang hindi mag charge…LOLs

Ano kaya itsura ko sa panahon ngayon na hi-tek, tapos ganyan ang dala dala kong mobayl pon…..???? Tapos maybitbit ka pang Curley-Top, (ay tsokolate nga pala yon), Lop-Top, naglalakad ka sa Makati, sa may Glorietta…..(aba pwede mo rin sigurong isaksak yung Lopt-Top sa Baterya ng mobayl pon…) namputek na yan…..ayaw ko ng isipin… LOLs

Jokes lang yon….pakwela lang…..ang talagang ibinebenta sa akin nitong Indyano na ito eh N73, 2nd hand, slightly used…. 500 Riyals daw, mga Seks Tawsan Pesoses…. kailangang-kailangan nya raw ng datung…

teka muna sabi ko…….pag iisipan ko munang maigi…

Ano sa tingin nyo mga kabagang, pwede na ba sa presyong ibinigay niya…. anu kaya baratin ko pa…???


Responses

  1. Mas gusto ko pang bumili ng brand new kesa sa second hand. Hindi mo din kasi masasabi kung gaano ka-‘slightly used’ ‘yun eh mahirap na baka wala pang warranty ‘yang mga ganyan.

  2. hahahaha! ang ganda ng selpon pare! parang vintage car na ilalabas mo sa edsa! good item, bilhin mo na bukas!

    -tenco

  3. @ Gasoline Dude – talagang mas sigurado pag brand new ang bibilhing cellphone dahil kompleto pati manual niya kasama plus accessories. Kaya nagdadalwang isip din ako eh….Magkano lang naman ang Brand new nasa 700 or 800 Riyals lang…

    @Tenco – Hindi lang vintage dapat national treasure na ang turing….kung baga dapat itong ganitong model ng Mobile Phone eh nasa Museo pang Bata na…..LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: