Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 2, 2008

Nanghihinayang ang Puso(n) ko

Naaalala nyo ba nung mga bata pa kayo, tapos pangako ng magulang nyo eh, ibibili ka nila nung pinakamimithing laruan, pero hindi natuloy…..?

Naalala nyo pa ba na minsan, may outing kayong magpapamilya at reding-redi ka na, halos hindi ka nakatulog magdamag dahil sa eksayted ka, tapos kinabukasan, may dumating na bagyo at hindi natuloy yung outing ninyo sa beach….?

Naalala nyo pa ba na bigayan na ng Christmas Bonus, at hindi mo pa natatanggap eh, nagastos mo na, dahil inilista mo na yung mga bibilhin mong ka-ek-ek-an, kaso hindi ibinigay ng kompanya, at after New Year na lang daw………?

Naalala nyo pa ba ang nararamdaman ninyong panghihinayang….yung inis o kaya lungkot….yung bigat sa puso ninyo na paran gusto mong matae maiyak pero di mo magawa ?

Ganyan ang nararamdaman ko ngayong araw na ito dahil sa natanggap kong balita mula kay Labidabi ko. Naku baka kung nandun ako sa Pinas ngayon baka nabatukan ko pa si Labidabi ko…..(“hindi siguro !!!…..ikaw pa andres…nyah..ha..ha…ha..”)

Bakit kanyo ?

Paano namang hindi ka manghihinayang, sana sa araw na ito, nag submit na ako ng resignation ko dito at pabalik na ako ng Pinas. Sana natuloy na yung negosyo kong matagal ko ng binabalak. (beerhouse tapos naka tangga lang mga waitress)

Sana hindi na ako nagpapaka-alila dito sa Saudi at nandyan na lang ako sa Pinas, at naghihintay na lang ng sahod bwan bwan…..

Alam nyo ba kung bakit….?

(Bakit ngaaaaa…..tagal !!!)

Yung inaalagaan ng Labidabi kong numero sa Lotto eh lumabas nung isang araw kaso hindi siya tumaya nung araw na yon, ……huwaaaahhhhhhh !!!!!! Bakit kasi sa araw-araw na pagtaya niya, dun pa natapat sa araw na yon na hindi sya tumaya.

Sayang kako…. nakakahinayang….. dami daming pesoses sana nun…LOLs

Pero ganun talaga, hindi para sa amin yung dyakpat na yun. Baka mas malaki pa ang tatamaan….yahooo !!! (Lakas ng payting ispirit…asa pa !!!!)

————–

Sa wakas nakasta na rin si Britney my Lab…. oo yung aking alagang Labrador eh nagpakasta na at siguradong mabubuntis yon.

Ang masama, nakngbisugokrakers, eh sa askal nagpakasta ang putek…. ayaw sa mga imported na Lab din.

Katatapos lang daw kasi mag mens ni Britney kaya pinakasta agad bago mawala, yung kaibigan ko ilang Labrador na lalaki ang dinala, ayaw ni Britney inaaway yung lalaking Lab.

Kamukat-mukat ni Labidabi eh, kinakasta ng askal, aba tuwang-tuwa naman tong si Britney at may ngiti sa mga labi….ayun siguradong mabubuntis sya kaso sira ang breed. Pero baka sakaling makuha sa sala yung mga magiging anak kaso maraming pasalin salin ng lahi ang mangyayari….

Hindi bale pwede pa naman yan sa susunod na lang ok naman siguro kakalabasan ng itsura ng mga tuta nya.

Ang masagwa dun sa bayaw ko, zitsu saka jack russel, amputek, ang lumabas, itsurang zitsu nahindi mo malaman kung ano, tapos ang taas magtalunan, super kiliti LOLs.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: