Ipinaskil ni: ahkong | Nobyembre 5, 2008

Ang Tao sa Bubong – Episode II

Anakngteteng !!!! Naglipana na talaga ang masamang loob ngayon.

Tama ang ang teoriya ko, bumalik nga yung tao sa may bubong nga bahay namin kagabi, sabi ng Labidabi ko kaninang nakausap ko sa phone. Hindi tuloy ako mapakali….. worried ako.

Ang masama pa nakapasok pa raw sa loob ng bahay, eh napahimbing ang tulog ng labidabi ko kaya hindi niya narinig. Buti na lang yung dalaginding kong anak eh kasama niya sa kwarto at buti naka-lock ang kwarto namin.

Sa mga pangayayari eh, walang kinuha yung tao kundi yung wallet nung kasambahay namin. Yun lang naman. Pero bakit ? Ang daming pwedeng makuha sa loob ng bahay namin, halimbawa yung DVD player…..?? May ibang pakay pa siguro itong taong ito, ayaw kong isipin kung ano, pero talagang hindi ako mapalagay.

Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos at walang ibang nangyari sa pamilya ko. Alam kong binabantayan sila.

Talagang marami ng masamang tao ngayon, bago nangyari ito sa amin, yung mga hipag ko naman sa Mangatarem ang pinasok yung kwarto nila nung isang araw at nakuha yung pang pondo nila sa negosyo.

Ang ginawa nung bilas ko, pinahulaan niya sa kakilala niyang manghuhula, ayun nung araw din na yon, nahuli nila yung magnanakaw, at napaamin naman. Pinakulong nya na lang sa mga Pulis. Ang sabi nya ipapahula niya rin yung nangyari dun sa bahay namin.

Alam kasi sa lugar namin na dito ako sa Saudi nagtatrabaho, aba ang akala siguro nila ubod ako ng yaman, nakngtsonggongbading yan oo…., ang mahirap kasi alam din sa lugar namin na walang ibang kasama ang labidabi ko kundi yung aking padir, na matanda na rin. Wala naman silang ibang kasamang lalaki dun.

Kaya sabi ko sa Labidabi ko na bago matulog, i-handa nya yung baril niya, dun sa madaling maabot kung saka-sakaling may masamang mangyari. Nagpakuha na rin ako sa bilas ko ng dalawang doberman, isang babae saka isang lalaki, dahil hindi naman maasahan itong si Britney dahil ang Lab eh family dog although may times na poprotektahan niya ang mga taong kilala niya pero as guard dog hindi pwede ang Labrador.

Huwag naman sanang maulit yung nangyari, kahit na sabihin pa nating walang nangyari eh, mabuti na yung nakaksiguro. Dahil sa panahon ngayon, ang buhay ng isang tao eh parang wala lang. Sa mga nababasa ko sa dyaryo eh ganun-ganun na lang kung pumatay ang mga masasamang tao ngayon.

Ang hirap ng malayo sa pamilya, kaya sinusumpa ko….. last ko na itong biyahe dito sa abroad. Dyan na lang ako sa atin kahit mahirap eh kasama ko naman ang pamilya ko.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: