Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 12, 2008

Ang Lab Leter ni Boy Negro

Ba’t hindi ka na sumusulat sa akin…..??? Siguro may tsiks ka na dyan…???

Ayan na naman po kami…..gayan na naman ang banat sa akin ng labidabs ko. Sabi ko sa kanya, sa panahon ngayon na hay-tek na hindi na uso ang sulatan, ano yan pen-pal ? Nagi-email naman ako kako…. pwede namang teks and sex…este…text lang pala…..

Nagpapaka-emo na naman si labidabs….siguro dahil sa malamig ngayon at kailangan niya ng konting init….sabi ko mag-kape na lang siya…LOLs

Bigla kong naalala yung nagliligawan pa kami… parating kung anong ka-switan ang pinag susulat ko sa kanya…. kulang na lang eh, langgamin kaming pareho. Meron pa akong taga abot nun, yung pamangkin ko….sya yung runner ko nung araw eh… basta may pang suhol ok na yon…LOLs

Meron pang nangyari, around 1990’s, nung minsang sunduin ko siya sa school nila kasama ko yung dabarkads kong si Boy Negro. Naispatan ni Boy Negro yung kaibigan ni labidabs, at parang biglang lumiwanag ang mukha. Kras nya raw, sabi ko “eh di ligawan mo….”

So ganun nga ginawa ni Boy Negro, mga ilang araw din nyang sinusundot hatid…(tama ba yon ?)…este….sundo’t hatid…(talagang masama sa pandinig ah?)…eniwei… minsang isang araw, nan dun kami sa minute burger yata yon….naghihintay ng labasan nila labidabs, may ginagawang lab leter si Boy Negro.

Ako : “ano yan…?”

Boy Negro : “Lab leter, para kay..(toot..toot)”

Ako : “Patingin nga….?”

BN : “ayan tingnan mo nga kung ok ? tama ba ang ganito ?”

Ako : “Palitan mo….ang baduy…”

BN : “Eh paano….”

Ako : “Ganito gawin mo……

     “Tu may Dires (Toot…toot)

      Haw ar yu ? Ay howp yu ar duing pine tudei ? Ay mis yu beri mats… “

Sa madaling salita ganyan ang ginawa naming lab leter.

BN : “Sa tingin mo ok ba ganito? …he..he…he…..ang tigas ng english”

Ako : “oh di ba ? Kwela….siguradong matatawa siya sa iyo…alam mo bang pag parati mong napaptawa ang isang tsikababes eh madaling makuha ang pinakamimithi mong….”

BN : “Yung Bataan ?”

Ako “Tungak….yung “Oo”….Bataan ?”

BN : “Oh sige, ayan na labasan na nila…ibibigay ko lang ‘to..”

Ayun nga, pinuntahan na ni Boy Negro yung nililigawan niya. Kami naman ni labidabs eh nagmiryeda muna ng burger habang hinihintay namin si Boy Negro.

Maya-maya lang heto na….

Boy Negro : “Ang galing mo pre….”

Ako : “Ok ba pre ? Anong nangyari….”

BN : “Galing mo pre…galing ng suggestion mo….”

Ako : “Natawa ba siya pre…natuwa ba ?”

BN : “Oo…sa sobrang tuwa ibinato sa akin yung sulat… ‘wag na raw akong pupunta dito, huwag ko na raw siyang sunduin at wala raw akong aasahan…bwisit ka…!!!!”

Ako : “Huh?….sori ‘pre…..sablay yung diskarte natin….talagang ganyan ang buhay ‘pre…..LOLs”

BN : “Tawa ka pa….halika na nga uwi na tayo !!! Toma na lang tayo…sawi na naman ako….huwaaaaaa !!!!

(Dun nagkamali yung nililigawan ni Boy Negro, kung sakaling sinagot niya si Boy Negro at sila ang nagkatluyan…….dahil ngayon nasa Australia na si Boy Negro kasama yung pamilya niya…. maganda na ang buhay nitong kumpare ko……big taem na…LOLs)


Responses

  1. Ayii! Maalala ko lang nung ako’y nasa elementarya pa lamang, at ako’y nakatanggap ng sulat mula sa aking sekrit admayrer. Kras daw niya ako. Ayun, may i flush it down d cr ang ending ng pinagpawisan at pinagpuyatang liham niya para sa akin. Pero in fairness noh, mas gusto ko ang sulat na nasa papel talaga, para sa oras na magloko si lalaki, meh masampal ako sa pagmumukha niya. Hihi. Ayii!

  2. Ang aga namang manligaw nun…elementary pa lang ? Sabagay ako nun Grade 4 may GF na eh….LOLs…

    Ang higpit mo pala sa mga nanliligaw sa iyo, ang hirap kaya gumawa ng lab leter, sakit na sa ulo sakit pa sa kamay…..LOls

    TY sa pagdalaw sa tambayan namin ni Ah’Kong, i-add kita sa links ko para madaling puntahan ang site mo.

  3. bakit ako wala pa akong boypren?
    ayheytyuol

  4. kawawa naman siya…

    dapat kasi may kasamang palawers

    o kaya, sokoleyt…

    at sure bol kung may kasamang alahas!…

    lam mo naman mga babae… lols…

  5. @ XG – Sis, wag kang mainip darating na rin yon, baka nga kakilala mo na hindi mo lang mapapansin. Malalalaman mo naman yon pag nakita mo na siya…..(para akong si Dr Love ah…LOLs)

    @thelostme – Sigurado yon, kung alahas ??? nakooowww !!!! Bka sa isang madilim at malamig na kwarto ang binagsakan nila…LOLs

  6. Tenx sa pag-add. Ayii! Ako’y nasiyahan at hindi maipinta ang aking mukha sa laki ng aking ngiti.

    Meri krismas.

  7. Meri Krismas & Hapi New Yir !!!!

    Hapi Tri Kings…..Hapi Chinese New Yir…..Hapi Berdey….na rin.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: