Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 14, 2008

Simbang Gabi Na…???

Simbang gabi na….???

Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang naalala ko pa na pag nagsisimbang gabi ako noon sa Parañaque kasama ko mg dabarkads para lang magpa-cute sa mga chikababes….LOLs

Totoo naman di ba ? Yung iba kaya lang nagtitiis gumising ng madaling araw eh para makita lang yung nililigawan, o kaya makaporma lang. Lalo na yung mga nasa labas ng Simbahan, na hindi naman talaga nagsisimba.

Pero sa totoo lang, mula ng magsimbang gabi ako, hindi ko nakumpleto yung 9 days…. minsan naman kasi,  sarap talagang matulog lalo na at malamig na yung simoy nung basura….este nung hangin. Sarap mamaluktot sa kama at nakanganga pang humihilik. At dahil sa matindi ang lamig, siguradong naghuhumindig si Chairman kasama yung dalawang Barangay Tanod na parng nag babantay….LOL.

Pag simbang gabi ang pinaguusapan, hinding-hindi ko malilimutan iyong nangyari sa amin ng tropang kulangot.

Gabi bago mag Simbang Gabi, (Dec. 14), eh nandun kami sa Irasan sa Parañaque at nagkakatuwaan, kwentuhan, lumalaklak ng serbesa kasama mga GRO….LOLs. Sa madaling salita, magdamag kaming tumoma ng tropang kulangot at nang umuwi kami eh 3:30 na ng madaling araw.

Pag ganitong oras wala ng tricycle sa amin at lalakad kang pauwi. Habang nag lalakad kami na sumusuray sa kalye. Napansin namin na bakit maraming tao ng ganung oras….. Eh ang iingay pa namin at panay ang kulitan habang naglalakad, kaya pinagtitinginan kami ng mga tao.

Ang nakakahiya pa, nasalubong namin yung isang tiyahin ko…asus ko poooo!!! Ora miso sinermunan kami…doon mismo sa kalye….kahit lasing ako nun medyo tinablan ako ng hiya…medyo lang…LOLs

Tiyahin : “Tingnan nyo mga itsura ninyo… nakakhiya kayo…!!!! Simula pa naman ng Simbang Gabi…..!!!!”

Boy Tukne : “Eh….bhakit nga pho ba tinawag na Shimbang Ghabi eh hindhi na gabhi….madaling araw na…dhapat…dhi bha Shimbang Mhadaling Araw….?”

Tiyahin : “Ump….!!! Piloposo….!!!! <KABLAG>

Boy Tukne : “Aray kho..!!! Khayo naman di na mabiro…uwi na ho kami !!!”

Tiyahin : “Buti pa, ang babaho ninyo, amoy alak…hmp !!!”


Responses

  1. mukhang di ako
    makakapagsimbang gabi ngayon
    dahil sa trabaho
    tsk tsk
    pero infairness sa akin
    nakakumpleto ako lagi

    pero di natutupad wish ko😦

  2. Hahaha. Buti nga sa inyo, hihi. Jowk. Hindi pa ako kailanman ng simbang gabi. Nasabi ko na bang umuusok ako pag ako’y pumapasok ng simbahan? Hihi

    agree ako sa unang pangungusap,,,

    ang bait talaga natin noh? ayii!

  3. @XG – Buti ka pa sis makumpleto mo, ako kahit minsan hindi, hanggang simula lang tapos ala na…kung baga panay papogi lang ala namang binatbat…LOLs

    @Akina Bukolmo – Buti kamo lasing kami nun, hindi na tinatablan ng hiya…LOLs Buti ikaw umuusok lang ako nagliliyab na agad…bwah…ha..ha..ha..ha.. (Tawang pang Romy Diaz)

  4. kami din nun, nag-iinuman pa kami sa kalye, nagdadaanan na yung mga naglalakad papuntang simbang gabi. mukha kaming mga adik sa alak.

  5. LOLs….

    Sarap balikan yung mga ganung ala-ala, mga panahong wala tayong iniisip na problema. Istrayk Eniwer ika nga….walang pakelam sa mundo…….ha..ha..ha..ha..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: