Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 15, 2008

Cool na cool Tukmol

Bakit kaya yung ibang tao, kahit hindi bagay yung suot nila sige pa rin basta maka japorms lang.

Kahit magmukha silang katawa tawa sa ibang tao wala silang pake. Natutuwa pa sila at pinagtitinginan sila ng madlang pipol. Para bang sinasabi nila sa sarili nila…..”ang ganda ganda ko….”

Gaya nung nangyari last week, 1 day before Eid. Nandun kami sa shop namin at tumutulong kami dahil maraming customers sa dahilan nga na Eid superdami ng shoppers. Ano kanyo ginagawa ko dun…? Ayun bagger ang labas ko… pero ok lang enjoy naman eh, ang daming nag gagandahang mga chikabebs na arabo….LOLs. Nakakapagod lang nga, pero tiis lang tutal sunod nun eh holiday at wala kaming pasok.

Nung medyo kumokonti na yung tao, pa petiks muna kami, ng biglang may isang grupo ng Bangladesh nag pumasok. Panay naka jacket dahil taglamig na dito, winter season na eh. Hindi lang basta jacket, leather jacket pa kanyo… Bollywood nga ang dating eh, kulang na lang song & dance number…LOLs

Dito ako humgalpak ng tawa…..

Lahat silaĀ naka shades ??!!!! ….nakngpitongkubangbading !!!!

Naka SHADES….alas dos ng madaling araw… hanu ba yun ???!!!! Ang iniisp ko nung mga oras na yun, ano kaya ang pumasok sa mga kokote nitong mga tukmol na ito at naka shades ng ganitong oras ??? Wala naman akong pakelam sa kanila, trip nila yon, kaso nakaka asiwa tingnan talaga.

Nung magbabayad na sa counter yung mga tukmol, sabi ko dun sa katabi kong yemeni….

“It’s too hot in here….the Sun is up ???”

Tawa ng tawa yung kaibigan kong yemeni….yung mga Bangladesh, hindi ma gets yung sinabi ko… (baka hindi nakakaintindi ng english…..LOLs).

Ang ending…hayun tinitingnan namin yung grupo na yon hanggang sa sumakay ng taxi…. at tawa pa rin kami ng tawa.


Responses

  1. Baka yan ang latest fashion trend for 2009…
    hmm, magaya nga. Hihi…

  2. Malamang….Summer Winter look….

    oha…. Dapat pag nakasuot ka ng ganun may sing & dance number….LOLs


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: