Ipinaskil ni: ahkong | Disyembre 31, 2008

Bagong Taon Naaaa !!!!

Kamusta ang Pasko ninyo mga prens ?

Kung ako ang tatanungin ninyo sa pasko ko, eh hindi ko alam. Hindi ko naramdaman ang Pasko dito. Nakakalungkot, nakaka-miss…..

Naalala ko yung unang-una kong Pasko dito sa Saudi…. ampotek…. mangiyak-ngiyak ako, hindi ko maidescribe yung feeling eh…. malungkot na masikip sa dib-dib, hindi ko nga alam kung bakit masikip sa dib-dib wala naman akong boobs.

Nakaka-miss ang pamilya pag ganyang may espesyal na okasyon, gaya nga ng Pasko. Ilang family reunion na rin ang hindi ako naka attend. Na-miss ko tuloy yung pag pasko, nagba-BBQ kami kasma mga kids. Ang dami ko ng nami-miss na events. Lalo na yung mga events sa buhay ng mga kids ko.

Gaya ng bago mag Christmas Vacation, nagkaroon ng event sa school  nila Boy Flawless, hindi ko nakita yung declamation niya. Sabi ng labidabi ko eh almost 15 mins daw yung delcamation niya, buti kako hindi nakatulog yung mga nanunood….LOLs

Heto na naman, Bagong Taon naman… nandito pa rin ako sa ibang lugar. Mami-miss ko na naman yung putukan. Yung tomaan habang sinasalubong ang Bagong Taon.

Kaya ang gagawin ko dito, itutulog ko na lang…..pero magpapaputok din ako… kung ano yung papaputukin ko eh…….isipin nyo na lang kung ano yon…LOLs


Responses

  1. Ang pasko ko ay super nakakaloka, as in.

    Hihihi, gusto ko sanang ikwento kaya lang maxading ex-rated eh, Ayii!!!

  2. @ Akina Bukolmo – : Siguro maraming beses kang nagpaputok……..ng rebintador…..LOLs

    Hwag mo ng ihwento maiinggit lang ako…nyahhh…ha…ha…ha..ha….!!!!

    Happy New Year Sis !!!!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: